Kabanata 34

12.3K 266 31
                                        

Pagkabalik ni Elton ay mas lalo akong kinabahan. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko at mukhang napansin niya iyon.

"GG, are you okay?" aniya at hinawakan ang kamay ko. "Ang lamig ng kamoy mo," giit niya kaya hinablot ko ang kamay ko galing sa pagkakahawak niya.

"A-Ayos lang ako. Uh...first time ko kasi sa date," palusot ko kahit ang isip ko ay nasa babaeng lumapit kanina.

Hindi mukhang kumbensido si Elton sa sinabi ko at parang binabasa niya ang mukha ko.

"Fine," aniya at nakahinga na ako ng malalim.

Kahit sa pagkain namin ay hindi ko magawang mag-enjoy at malasahan ang kinakain ko. Lumilipad ang isip ko sa matandang babae. Sino kaya siya sa buhay ni Elton? Imposible namang ex niya 'yon, e ang tanda na no'n. Baka Mommy niya nga siguro 'yon. Pero paano naman niya ako nakilala?

"Hey, are you with me? What's bothering you, GG?" agad akong nabalik sa huwisyo nang kumaway si Elton sa harap ng mukha ko.

"S-Sorry. May sinasabi ka?" tanong ko at mas lalong nagduda ang mukha niya.

Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang iniisip mo, GG. We can talk about it. I will listen and I will explain whatever it is," giit niya.

Tama bang tanungin ko kaya siya at sabihin ang tungkol sa babaeng lumapit kanina? Pero natatakot ako sa pwedeng marinig ko kapag galing ito kay Elton. Paano kungmagsinungaling siya sa akin at hindi niya sabihin ang totoo? Pero mali pa rin. Buong-buo ang tiwala ko sa kanya, ngunit gusto kong malaman ang sasabihin ng babae bago ako makikipag-usap kay Elton. Kailangan kong marinig ang bawat panig nila.

Kaya naman nang makauwi kami ay agad kong tinawagan ang numerong bigay ng babae. Nagbigay naman siya agad ng address kung saan kami magkikita at bukas na iyon. Mabuti na lang at inaya si Elton ng mga kaibigan niya dahil may meeting daw sila. Hindi ko alam anong klasing meeting iyon. Hindi na rin ako nang-usisa dahil sasabihin naman daw niya sa akin mamaya pagkauwi niya.

Dahil kumuha naman siya ng katulong ay iniwan ko ang kambal. Saglit lang naman akong makikipagkita at uuwi rin agad.

Pumasok ako sa isang resto malapit lang sa subdivision. Ito iyong ibinigay niyang address. Wala masyadong tao dahil umaga pa kaya mabilis kong nakita ang babae na umiinom na ng alak. Bahagya siyang ngumiti nang makita ako.

"Sit," muwestra niya sa kaharap na upuan sa akin.

Nasa pilipinas lang naman ako pero ang lamig nang buong katawan ko dahil sa sobrang kaba ko. Kinakabahan ako sa mga malalaman ko galing sa babae na 'to. Hindi maganda ang kutob ko.

"Anong sasabihin mo sa akin?" diretsahan kong tanong kahit abot-abot na ang kaba ko.

Ngumiti siya. "I'm Magdalene, Elton's...bed mom," malanding sinabi niya at para akong mabibilaokan sa nalaman. "Oh, you don't probably know what a bed mom is, right? Listen very carefully, Darling. I am Elton's fantasy in bed. He actually gave me that name- bed mom," napako lang sa kinatatayuan at wala akong maintindihan sa sinasabi niya hindi dahil sa linggwahe kundi parang ayaw kong intindihin.

Nakatitig lang ako sa kanya habang hindi nawawala ang kakaibang ngiti niya at nakatingin siya sa akin na parang natutuwa pa siya sa reaksiyon ko.

"How old are you, Darling?" tanong niya.

"Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin. Hindi mo na kailangang malaman ang edad ko," buong tapang kong sagot.

Uminiom siya ng alak at nakangiti pa rin sa akin. "I'm an expert woman in bed. I know how to bring Elton to his maximum of ecstacy. He likes women my age," saad niya at nanlalamig na ako sa kung ano pang maririnig ko.

Fuck and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon