Buong gabi kong inisip ang sinabi niya. "So near, yet so far." Bakit niya nasabi iyon? May ibig ba siyang sabihin? Pinipilit ko sa sarili ko na isang pagkakamali lang ang nangyari sa amin noon. Bata lang ako nang manyari iyon.Wala pa sa tamang pag-iisip,gumagawa ng bagay na hindi man lang napag-isipan ng mabuti.Isang lalaki lang din siya,kinukuha kung ano man ang nakahanda. Kung maibabalik ko lang sana ang panahon...pero hindi ako nagsisisi na dumating sa buhay ko ang kambal.
Nagtataka lang ako sa nararamdaman ko kung bakit...parang pamilyar ito.
"Mama! Mama! Gising na!" narinig kong sigaw ni Elle habang palundag-lundag sa kama. Kinusot ko ang mga mata ko at dinaganan agad ako ng dalawa.
"Anong oras na ba, ha? At ang aga niyong nagising?" tanong ko sa dalawa.
"It's already 8am, Mama." boses iritadong sagot ni Olle. Napabalikwas ako sa kama at hinanap ang cellphone ko. Totoo nga. Naalala ko madaling araw na pala ako nakatulog kagabi dahil sa dami ng iniisip ko.
"Mama, bumangon ka na. Maglilinis pa tayo ngayon. Nauna na sila Tito Taiden maglinis sa baba." napabaling agad ako sa sinabi ni Elle.
"Nandito na sila?" hindi maitago ang gulat sa boses ko. Wala naman silang sinabing babalik pa sila, ah.
Mabilisan akong tumakbo papuntang banyo para makapaligo na. Masyadong nakakahiya, ang bisita pa ang naunang maglinis at hindi man lang ako ginising ni Amalia!
Matapos kong makapaligo ay naroon na si Joseph kasama ng mga bata.
"Bakit nandito na naman sila?" bungad niyang tanong sa akin. Nagtataka ako sa tonog ng boses niya. Ngayon ko lang siyang narinig sa gano'ng boses.
"Hindi ko alam." sagot ko habang inaayos ang tuwalya sa buhok ko.
"Lumabas muna kayo Elle, Olle." utos niya sa dalawa at mas lalo akong nagtataka. Gumagalaw rin ang panga niya habang hinahatid sa paningin ang paglabas ng mga bata.
"Anong problema, Joseph?" nagtataka kong tanong sa kanya at bumaling siya sa akin. Kakaiba ang titig niya sa akin at naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
"Sinabi mo na sa kanya? Magbabalikan na kayo?" pang-aakusa niya sa akin at nalaglag ang panga ko sa mga tanong niya. Hindi ko inaasahan iyon.
"Anong sinasabi mo, Joseph? Hindi ko pa sinasabi sa kanya ang tungkol sa mga bata...at hindi kami magbabalikan..." pait kong sagot sa huli. Paano'ng magbabalikan kung hindi naman kailan man naging kami?
Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang dalawang kamay ko na kinagulat ko. Nagsusumamo ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
"GG...sumama kayo sa akin. Lumipat tayo...tayo ng mga bata. Totohanin na natin ang pagpapanggap na 'to." aniya sa akin. Nabitawan ko ang kamay niya at napaatras. Naguguluhan ako sa sinasabi niya.
Pa hestirical naman akong tumawa para pagaanin ang sitwasyon.
"N-Nagbibiro ka ba? Hindi pa nga kami nakakasimula sa buhay namin tapos lilipat na naman kami? Tayo? Hindi ko maintindihan, Joseph." sagot ko.
Tumalikod ako upang ibalik sa banyo ang tuwalya nang mapahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
"Mahal kita, GG. Alam mo iyan..noon, hanggang ngayon. Ilang taon na akong naghihintay sayo, GG. Please huwag mo 'kong isantabi dahil lang andiyan na siya ulit sa buhay mo..." pagtatapat niya.
"Joseph.." tanging nasabi ko.
Kinapa ko ang damdamin ko para kay Joseph. Hindi ko siya basta-bastang maiisantabi. Siya ang nandiyan noong mga panahong dapat si Elton ang kasama ko sa pagpapalaki sa kambal. Siya ang umalalay sa akin at ni minsan hindi siya humingi ng kapalit kahit pa medyo nararamdaman ko na ang mga kinikilos niya. Pero wala..., wala akong makita sa puso ko para sa kanya at naiinis ako sa sarili ko dahil doon.

BINABASA MO ANG
Fuck and Run
Romans-Dangerous Roads Series #2 Elton Roux - who hates younger age of girls having a crush on him. Gusto niya ang mas matanda sa kanya ng ilang taon dahil para sa kanya, younger girls has a lot of drama. For him, less drama, less problem. Iyon ang aka...