"B-Bakit mo 'ko sinundan?" alinlangan kong tanong sa kanya nang makapasok na siya sa loob.
"Narinig ko lahat. Hindi ako naniniwalang ginawa mo 'yon, kaya sinundan kita." mataman niyang sagot sa akin.
Bakit naman kaya siya naniniwalang hindi ko nga iyon ginawa? Hindi pa naman niya ako gano'n kakilala.
Umiling ako. "Hindi ako magnanakaw." tanging nasabi ko at ngumiti siya ng bahagya.
"I know, and... kaninong bahay 'to?" tanong niya habang pinalibot ang mga mata sa kabuoan ng bahay.
"Ewan, sila Amalia at Ninang ang nakadiskubre sa bahay na 'to at nilinisan namin ni Amalia." sagot ko at mukhang namangha siya sa sinabi ko.
"Really? This is still part of our property. " sagot niya at tumango ako.
"Hindi rin alam ng parents ni Amalia kung kanino itong bahay?" kuryoso niyang tanong.
Umiling ako agad. "Hindi rin. Baka si Tatay alam niya." giit ko, mas nauna pa kasi sila Tatay sa lupang ito bago pa man napadpad ang mga magulang ni Amalia rito.
"And you planned to stay here, tonight? Alone?" nakataas kilay niyang tanong at tumango naman ako.
"Sasamahan kita." dugtong niya.
"Okay lang, Kuya. Kaya ko naman mag-isa." pagsisinungaling ko kahit sa narinig kong kaluskos kanina ay nanayo lahat ng balahibo ko.
Kumunot ang noo niya at nanliliit ang mga mata.
"I will stay, GG. You're a woman, delikadong mag-isa ka lang dito." aniya sa isang matigas na boses.
And you're a man, Kuya. Delikadong magkasama tayong dalawa! Sagot ko sa kanya sa isipan ko at napayuko sabay mariin kong pagpikit dahil naalala ko ang pustahang gustong mangyari ni Amalia.
"P-Pero... iisa lang ang...kama." sabi ko habang nasa gasera ang tingin at nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin siya sa akin.
"Sleep on the bed, ako na sa sahig." sagot niya agad kaya napabaling ako sa kanya.
Sa sahig siya matutulog? Ako yata ang dapat sa sahig matulog dahil hindi naman siya sanay mahiga sa matitigas na higaan, at sa sahig pa!
"Ako na ang sa sahig, sanay na ako sa matigas, Kuya." giit ko at tumikhim siya agad sa sinabi ko sabay nag-iwas ng tingin.
Anong nangyari sa kanya?
"Tatabihan kita sa sahig kong ayaw mong matulog sa kama." aniya at napabaling ulit sa akin na nakataas na naman ang kilay.
Seryoso ba siya sa sinabi niya? Tatabihan niya ako?!
Umiling ako agad. "S-Sa kama na ako." sagot ko at pumasok na sa kwarto.
Sumunod naman siya sa akin, dala-dala niya ang gasera.Kinuha ko naman ang extrang kumot na nalabhan namin ni Amalia pati unan at inilatag ko iyon sa sahig. Makakatulog kaya siya?
"Uh... gusto mo bang... uh... buksan ko na lang ang bintana? Baka mainitan ka...walang aircon." sabi ko habang nakatingin siya sa paligid ng kwarto.
"No, it's fine." sagot niya at tumango ako sabay unti-unting nahiga sa kama.
Tumalikod ako agad at nagtago sa ilalim ng kumot. Kagat-kagat ko ang labi ko dahil hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ako mapakali at parang...kinikilig ako.
Umayos ka, GG! Kastigo ko sa sarili.
"Why are you hiding under your blanket? Papawisan ka." narinig kong sinabi niya at mabilis akong napahinga ng malalim. Naririnig ko na sa teynga ko ang tili ni Amalia oras na malaman niyang magkasama kami ngayon ni Elton.
BINABASA MO ANG
Fuck and Run
Romance-Dangerous Roads Series #2 Elton Roux - who hates younger age of girls having a crush on him. Gusto niya ang mas matanda sa kanya ng ilang taon dahil para sa kanya, younger girls has a lot of drama. For him, less drama, less problem. Iyon ang aka...