Kabanata 8

15.1K 399 67
                                        

"Naku nag-abala ka pa, Elton." magiliw na bati ni Tiya sa kanya ng makarating kami sa bahay.

"Wala po 'yon. Nadaanan ko lang po sila." aniya at tumingin siya sa akin bago pa ako pumasok sa kwarto ko.

Nadaanan? Nadaanan ba 'yong tumigil sa paaralan namin? Baka dinaanan. Bakit hindi niya sinabi ang totoo kay Tiya?

Matapos kong makapag bihis ay agad na akong nag saing habang dala-dala ko ang notebook ko dahil may assignment ako.  Naupo ako sa mesa ng aming kusina at nakitang wala na sila sa sala. Baka sumama sila Tiya para tingnan ang bahay ng lalaki. Mas mabuti nga 'yon. Walang istorbo.

Madali lang ang assignment namin, lalo na at multiple choice ito. Seryoso kong binabasa ang aralin sa Filipino ng  may biglang magsalita.

"Assignment?" nag-angat ako ng tingin at pinagsalubong ko agad ang kilay ko. Napaka pakialamero talaga ng lalaking 'to.

"Hmm." sagot ko at yumuko ulit upang sagutin ito.

"I can help-."

"Kaya ko."

"Baka may hindi ka maintindihan."

"Hindi ako bobo." sagot ko habang nakayuko pa rin.

"I just wanna help-."

"Hindi ko kailangan ng tulong mo, at pakealam mo ba?" naiinis kong sagot sa kanya at nagpakurap-kurap siya sa sinabi ko.

"Ang sungit mo." aniya

"Dahil ang kulit mo. Hindi naman kita kailangan." sabi ko at inirapan siya bago pa ako yumuko ulit.

Hindi ko talaga maintindihan ang galaw niya. Kung bakit niya kami sinusundo ni Amalia sa skwelahan, at ngayon gusto niya pa akong tulungan sa assignement ko.

Paano kong tama si Amalia? Paano kong may gusto nga siya sa akin? Pinilig ko ang ulo ko at nag focus na lang ulit na sagutan ang assignment ko.

Nang mag-angat ako ng tingin para e-check ang sinaing ko ay nakitang wala na pala siya sa kinatatayuan niya kanina. Mabuti naman at umalis siya.

"Anong nangyari do'n? Bakit bigla na lang umalis?" naririnig ko si Tiya at parang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

"Hindi ko alam. Sabi, iinom daw siya ng tubig. Pero umalis naman agad." sagot naman ni Tatay.

"GG... anong nangyari kay Elton? Nag-usap ba kayo dito kanina?" tanong sa akin ni Tiya.

Nag-usap nga kami, pero siyempre hindi ko 'yon sasabihin. Hindi naman importante ang pinag-usapan namin.

"Hindi po kami nag-usap, Tiya." marahan kong sagot.

"Baka may emergency lang, Mama. Kaya nagmadaling umalis." sabi naman ni Chloe habang sinusuklay ang sarili at inayos niya ang nangangayayat niyang dibdib. Kung hindi lang siya naka push up bra ay para talaga siyang plywood.

"GG, 'wag mo kalimutan sabado bukas. Maaga kang gigising." saad naman ni Tatay at tumango ako.

Alas 4 pa lang ay gising na ako. Mas nauna pa ako kay Tatay. Suot ko ang lumang slacks na palagi kong ginagamit sa trabaho at pares ang sweatshirt ko.

Nagluto na muna ako ng agahan at nauna ng kumain. Pupuntahan ko pa si Amalia at baka matagal na naman 'yon magising.

"Kakapagod namang maging mahirap. Kailangan nating gumising ng maaga, mag trabaho ng maaga. Sana mabilis tumakbo ang panahon upang matapos na tayo sa college." sabi ni Amalia habang naglalakad na kami papunta sa palayan.

"Ayos lang 'yan Amalia. Kapag tumanda na tayo mas lalong mahirap dahil marami ng problema ang matatanda. Buti nga lang ito pa ang problema natin." giit ko.

Fuck and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon