Sumama nga sa amin si Elton na basang-basa... kami rin naman ni Amalia.
"Kuya, ilang taon na si Mozes?" tanong ni Amalia kahit pa nakababa na kami sa sasakyan.
Ngumiti si Elton sa tanong ni Amalia habang nakakunot naman ang noo ko.
"Matanda lang 'yon sa akin ng isang taon, 23." sagot niya.
"Tigilan mo na ang pagkaka-crush do'n Amalia. Hindi bagay ang mga gano'ng edad sa atin." sabat ko sa usapan nila at sabay silang napabaling sa akin... parehong nakakunot ang mga noo.
"Crush lang naman, GG." giit ni Amalia.
Pinagsisihan ko kaagad ang sinabi ko dahil nalungkot ang mukha ni Amalia at matiim naman ang titig sa akin ni Elton. Mukha siyang galit.
"Oh... Elton! Nandito ka. Bakit ngayon ka lang dumalaw?" bati ni Chloe sa kanya nang makita kami sa labas. Nauna na ring pumasok si Amalia sa bahay nila. Gano'n din ako.
"Yeah. I was busy." narinig kong sagot ni Elton kay Chloe habang papasok na ako sa banyo.
"Mama! Andito si Elton!" narinig kong sigaw ni Chloe. Welcome na welcome talaga ,e no? sabi ko sa isipan ko.
Nagulat ako habang sinasabon ang sarili nang may malakas na kumatok sa banyo. Animo'y masisira na iyon.
"GG! Bilisan mo! Maliligo si Elton!" pasigaw na sabi ni Chloe.
"Oo!" tangi kong sinagot.
Kailan pa ba matatapos 'yang bahay niya? At nang hindi na kami maabala pa. Naiinis kong reklamo. Imbis gusto ko pa sanang hilurin ang sarili ngunit hindi ko na nagawa! Paano, may paboritong bisita na naghihintay sa labas.
Nagmadali akong lumabas sa banyo at nakitang nakaupo siya sa upuan ng kusina namin. Hindi ko siya pinansin at diretso ang lakad ko papunta sa kwarto ko. Nando'n naman na si Chloe para libangin siya at pagsilbihan.
Hindi na ako kailangan.
Simpleng shorts at t-shirt lang ang suot ko habang nasa ulo ko pa ang tuwalya, dahil basa pa ang buhok ko. Nagulat ako paglabas ko ng kwarto nang nakitang naghihintay si Chloe at Tiya sa akin, hawak-hawak ni Tiya ang uniform na sinuot ko sa parade ng opening salvo.
Nagtataka ako kung bakit hawak iyon ni Tiya at parang masama ang timpla ng mukha niya.
"Saan ka kumuha ng pera para pambili sa damit na ito?" masungit na tanong ni Tiya sa akin sabay tapon niya sa damit... sa mukha ko.
"Kaya siguro nawala ang isang libo sa pitaka mo, Mama. Baka pinambili niya niyan." gatong na sinabi ni Chloe..
"Hindi po! Si Joseph po at Amalia ang gumastos para diyan." depensa kong sagot.
"Talaga? Bakit ka naman pag gagastusan ng ibang tao? Ni Tatay mo nga, ayaw kag pagkagastusan." mariing sinabi ni Tiya at sumikdo ang dibdib ko sa sinabi niya.
"Totoo po ang sinasabi ko." sagot ko sa isang mahinang boses, dahil nasaktan ako sa sinabi ni Tiya. Nararamdaman kong umiinit na ang gilid ng mga mata ko.
"Huwag kang maniwala, Mama. Imbento niya lang 'yan para hindi mo siya pagalitan. Masyadong ambisyosa. Sumasali-sali pa sa mga ganyan-ganyan. Hindi naman bagay." sabat ni Chloe at nangingilid na ang mga luha ko.
Sasagot pa sana ako ng dumating si Tatay at halatang galing pa ito sa palayan, dahil may mga putik pa ang binti niya. Kumunot agad ang noo ni Tatay nang maabutan kami sa gano'ng ayos.
"Anong nangyayari?" pagtatakang tanong ni Tatay.
"Iyang anak mo, ninakaw ang pera ko para ipambili sa damit na 'yan!" sikmat ni Tiya at nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nakaturo naman ang kamay niya sa damit na hawak ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/249630508-288-k529212.jpg)
BINABASA MO ANG
Fuck and Run
Romance-Dangerous Roads Series #2 Elton Roux - who hates younger age of girls having a crush on him. Gusto niya ang mas matanda sa kanya ng ilang taon dahil para sa kanya, younger girls has a lot of drama. For him, less drama, less problem. Iyon ang aka...