Kabanata 5

15.7K 414 112
                                    

"Anak ka ba talaga ng Tatay mo, GG? Parang mas anak niya pa yata si Chloe, e." ani Amalia habang kumakain kami ng tanghalian sa canteen.

Sumikdo ng bahagya ang dibdib ko doon. Noon pa man, nakakaramdam na ako ng selos kay Chloe. Pero hindi ko iyon masyadong iniisip dahil wala naman patutunguhan ang pagseselos ko.

"Hindi naman. Galit lang 'yon sa akin dahil sa namatay si Nanay dahil sa akin." mataman kong sinabi. Tinanggap ko na iyon na ako ang dahilan ng lahat. Pero sana naman, hindi pang habang buhay ang galit sa akin ni Tatay.

Bago kami pinalabas ng guro ay binigay niya muna sa amin ang resulta sa exam namin noong isang araw, kung saan pinakopya ko si Amalia.

"Sabi ko na 'di ba? Ang talino mo talaga, GG!" masayang-masaya niyang sinabi habang hawak ang papel.

"Lahat naman ay may tinatagong talino, Amalia. Kailangan lang talagang mag-aral." saad ko at nalukot ang mukha niya.

"Para mo na ring sinabi na hindi ako nag-aaral, GG. Ang sama mo." aniya at tinawanan ko lang siya at inakbayan habang naglalakad papalabas ng skwelahan.

Habang inaantay namin ang jeep ay bumili na muna ng makakain si Amalia. Nakabalik na si Amalia at gaya ng dati, nilibre niya naman ako.

"Hoy, GG. Hindi ka ba naga-gwapohan do'n sa kay Elton? Paano mo naman nasabing panget siya?" napatingin agad ako kay Amalia dahil bigla na lang niyang ibinalik ulit ang usapan namin kaninang umaga.

"Kuya Elton, Amalia. Mas matanda 'yon kaysa sa atin. At isa pa, iba-iba ang tipo ng tao. Hindi ko siya tipo." giit ko at totoo 'yon.

Ngumuso siya sa akin. "Ano ba'ng tipo mo?" usyoso niyang tanong.

"Ang bata-bata pa natin para isipin 'yan. Saka na pag... college na tayo." wala sa sarili kong sinabi.

First year lang kami para isipin ang mga lalaki. Lalo na ako. Wala pa 'yan sa isip ko. Mas iisipin ko pa kung paano mawawala ang galit ni Tatay sa akin.

"Ang tagal naman ng jeep. Baka nga nasiraan talaga si kuya Mon." ani Amalia habang napapatingin sa relong pambisig niya.

Kung sakaling nasiraan man si kuya Mon. Paano na kami nito? Kaya nga ang ibang estudyante sa amin ay nagbo-boarding house na lang dito at umuuwi lang tuwing sabado.

Gusto ko din sana iyon. Pero sigurado akong hindi sila papayag, lalo pa't ako lang ang tumutulong kay Tatay sa palayan.

"GG, wala pa talaga si kuya Mon." pag-aalalang sinabi ni Amalia.

Patingin-tingin na ako sa gawi kung saan dadaan ang jeep. Wala pa talaga akong maaninag na para sa amin.

Pareho kaming nagulat ni Amalia ng may tumunog na busina ng sasakyan. Agad kaming napabaling ni Amalia at nakita namin si Chloe na bumaba sa sasakyan ng lalaki.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa naglalakad na Chloe papalapit sa amin.

"Walang jeep na dadaan dahil nagkasakit si kuya Mon, kaya nag magandang loob na akong ayain si Elton na sunduin na lang kayo." aniya ng makalapit na.

Bakit magkasama pa sila hanggang ngayon? Nagtataka kong inisip.

"Talaga? Nag magandang loob ka?" pabirong tanong ni Amalia at sumama ang mukha ni Chloe doon.

"Aba't-."

Fuck and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon