Pagkauwi namin ni Amalia galing skwelahan ay nagtataka kaming pareho kung bakit madilim sa amin.
"Naputulan ba kayo ng kuryente?" tanong ni Amalia at sa bahay namin ang titig.
"Hindi ko rin alam, Amalia." sagot ko sa kanya at nagpaalam na.
Naabutan ko si Tiya na nagsisindi ng kandila. Napabaling siya sa pintuan... sa akin.
"Bakit wala po tayong ilaw, Tiya?" nagtataka kong tanong.
"Ano pa nga ba. Wala tayong pera. Umalis ang Tatay mo papunta sa kapatid niya at manghihiram ng pera." iritadong sagot ni Tiya.
"Paano naman kasi ang iba diyan imbis araw-araw tulungan si Tatay sa palayan, e, nangrap pang mag-aral. 'Yan tuloy ang dilim-dilim. Kainis!" maktol ni Chloe at alam ko naman na ako ang tinutukoy niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na sa kwarto ko para makapagbihis.
"GG!" tawag ni Tiya sa akin kaya nagmadali akong magbihis. Nang makalabas ay may dala silang tig-isang maliit na bag ni Tiya. Mukhang aalis sila.
"Sa kapatid ko na muna kami matutulog ni Chloe, sa bayan. Gusto kitang isama pero baka walang maabutan dito ang Tatay mo pagkauwi niya." ani Tiya kaya tumango na lang ako.
"Wala po bang sinabi si Tatay kung kailan siya makakauwi?" pahabol kong tanong kay Tiya.
"Hindi ko alam. Basta! sabihin mo kung nasaan kami." sagot niya at para silang nagmamadaling makaalis.
Nakita ko pa sa unahan na may sasakyan na naghihintay sa kanila. Bumaba roon ang isang lalaki at sinalubong sila Tiya at Chloe bago pa sila sumakay sa sasakyan.
Sino kaya 'yon? Baka iyon ang kapatid ni Tiya.
Pumasok na ako ulit sa loob ng bahay at napansin kong nakabukas ang kwarto nila Tiya. Nagulat ako nang makita ang nagkagulo-gulong kwarto nila Tatay. Parang pinasok ito ng magnanakaw.
Nakakalat sa sahig ang mga damit kaya pinulot ko ang mga iyon. Sa sobrang pagmamadali nila Tiya, kaya ba parang binagyo ang kwarto nila?
Inayos ko na lang iyon nang makarinig ako ng paghinto ng isang sasakyan. Nagmadali akong sumilip sa bintana at nakita ko kung sino iyon.
May pagtataka sa mukha niya nang makitang madilim ang bahay. Lumabas naman ako agad para batiin siya.
"Napadalaw ka?" alinlangan kong tanong sa kanya. Lumapit siya sa akin. na may pagtataka pa rin sa mukha.
"Why it's so dark here?" nagtataka niyang tanong.
"Uh... ano kasi.. naputulan kami ng kuryente." nahihiya kong sagot sa kanya.
"Oh... Nasaan sila? Bakit ang tahimik." tanong niya ulit.
"May nakita ka bang sasakyan galing dito ngayon-ngayon lang? Sila Tiya ang sakay no'n, mukhang kapatid niya yata 'yong sumundo sa kanila. Si Tatay naman, ando'n sa kapatid niya...nanghihiram ng pera." sagot ko at tumango siyang nakakunot ang noo.
"They left you, alone." sabi niya at nagpakurap-kurap ako. Hindi ko alam kong anong isasagot dahil nag-iiba na ang ekpresyon sa mukha niya.
"Pasok ka...Kuya." alinlangan kong aya sa kanya. Ito na naman kami sa sitwasyong kaming dalawa lang.
"Wait. May kukunin lang ako." paalam niya at bumalik nga sa sasakyan niya. Nakamasid lang ako sa ginagawa niya habang may kinukuha sa likuran.
Nagulat ako nang makitang mga pagkain ang dala niya at ang dami! Itinaas niya ito sa ere nang nakitang nakatingin ako sa ginagawa niya.

BINABASA MO ANG
Fuck and Run
Romance-Dangerous Roads Series #2 Elton Roux - who hates younger age of girls having a crush on him. Gusto niya ang mas matanda sa kanya ng ilang taon dahil para sa kanya, younger girls has a lot of drama. For him, less drama, less problem. Iyon ang aka...