Kabanata 27

13.2K 328 31
                                        

Narating namin ang isang building na mukhang pag-aari nila dahil sa nabasa kong pangalan sa naturang building. Nagtataka ako kung bakit dito niya ako dinala. Andito si Tatay sa building nila?Agad kaming sumakay sa elevator papuntang...rooftop? Dahil sa sobrang pagtataka ko ay hindi ko na napigilang magtanong.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko at napatingin siya sa akin. Inilahad niya sa akin ang kamay niya at nagtataka ako sa ginagawa niya.

"Trust me, please..." giit niya at tiningnan ko pa siya ng isang beses bago ko nilagay ang kamay ko sa ibabaw ng palad niya. Bumukas rin ang elevator at namangha ako nang makitang helicopter iyon na papaandar pa lamang.

"Bakit tayo sasakay diyan?! S-Saan ba talaga tayo pupunta?" nag-aalalaa kong tanong. Bakit kailangan pa naming sumakay ng helicopter para mapuntahan si Tatay? Nauna siyang sumakay sa helicopter at inilahad niya ulit ang kamay niya sa akin habang nakangisi.

"Come on!" sigaw niya sa akin. Kahit pa takot na takot ako at ito rin ang unang beses na makakasakay ako sa helicopter ay napilitan akong sumakay.

Sa sobrang kaba ko ay saka ko na napansing hindi ko pa pala binibitawan ang kamay niya. Inalis ko agad ang kamay ko pero nakuha niya itong ulit at sabay pag-iling niya. Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. Gusto niya bang manatili kaming magkahawak kamay? Pero naiilang ako.

Halos isang oras kami sa byahe at hindi ko na napigilang mamangha sa lugar nang makitang papalapag na kami. Nasa isang isla kami. Sobrang ganda ng paligid at may malaking mansion pa! Nandito si Tatay sa magandang lugar na ito?

"Alam kong marami kang tanong. Sasagutin ko iyan lahat mamaya." aniya sa akin at dinala niya ako sa likod ng bahay. May lumapit sa kanyang lalaki at may ibinigay na susi ng sasakyan. Gaano ba kalaki ang lugar na ito at mukhang sasakay pa ulit kami sa sasakyan?

"Sa iyo 'to?" hindi ko mapigilang magtanong, habang papasok kami sa isang magarang sasakyan. Pinagbuksan niya muna ako ngunit hindi pa rin ako pumapasok dahil inaantay ko ang sagot niya.

"Yes, pero anim kaming nagmamay-ari nito. Now, get inside." aniya sa akin at pumasok na nga ako sa sasakyan.

Anim? Napaisip ako. Anim silang magkakaibigan, hindi kaya sila ang tinutukoy niya? Pero bakit dito niya naman dinala si Tatay? Ang buong akala ko ay sa kulungan kami pupunta. Sampung minuto lang ang byahe namin at pumasok kami sa isang lugar na wala halos ilaw. Para siyang... underground?

Tumigil kami at pumasok sa isang parking lot ng lugar. Maraming lalaking nakabantay sa paligid at hindi na maabot ng paningin ko ang haba ng naturang lugar. Anong klasing lugar ba ito?

"Handa na?" tanong ni Elton sa lalaking malaki ang pangangatawan na sumalubong sa amin at may ibinulong iyon sa kanya at tumango naman si Elton. Umalis ang lalaki at naiwan kaming dalawa.

"Let's go." saad niya sa akin at tumango ako. Nakasunod ako sa kanya at pumasok kami sa isang mahabang pasilyo. Tumigil kami sa isang kwarto at inilagay niya ang finger print niya roon at bigla itong bumukas. Hindi pa yata matitigil ang pagkamangha ko sa lugar na ito. Mas maganda pa ang kwartong ito kaysa sa bahay namin ngayon. Kumpleto ito sa gamit at nakita ko roon ang isang lalaking nakatalikod nakaharap siya sa isang malaking painting.

Agad nangilid ang luha ko nang humarap ang lalaki si Tatay. Kapansin-pansin ang pagbabago sa itsura niya. Medyo tumaba siya at gumanda rin ang kanyang balat.

"You know the drill. Hurt her and your head will blow." banta niya at tumango si Tatay.

"Press this button if ever may masama siyang gawin. I'll be outside." aniya sa akin at ibinigay ang parang maliit na bagay na may pulang pindutan.

Fuck and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon