"Diyos ko! Paano iyon nagawa ni Joseph? Hindi ako makapaniwala!" si Ninang na abala sa pagpaypay sa akin habang nakatingin naman sa akin ang lahat.
"Ang mga bata, Amalia?" tanong ni Ninong.
"Kasama si Mozes." sagot naman ni Amalia.
Nakatutok lang ako sa baso na hawak ko. Pinoproseso ng utak ko ang nangyari, o kung totoo ba talaga iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya iyong gawin ni Joseph sa akin. Naging mabuti siya sa akin at sa mga anak ko...pero bakit gano'n...ano'ng nangyari?
"We'll file a case-
"C-Case?..." putol ko sa sinabi ni Taiden at nagtataka ang mukha niya sa akin.
"Bakit, ayaw mong kasuhan siya, GG?" ani Amalia sa akin at hindi ko alam ang isasagot ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Hindi ko kayang ipakulong siya. Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay pinapatawad ko na siya. Hindi ko siya mapapatawad, at ayaw ko na siyang makalapit pa sa amin.
"Don't you want him to rot in jail?" tanong sa akin ni Macsen at napatingin ako kay Elton na nakatalikod, nakatingin siya sa bintana at parang nakikinig lang sa usapan. Hindi ko pa siya napapasalamatan sa pagligtas niya sa akin dahil hindi na siya lumapit sa akin matapos iyon.
"Wait... he's your husband right?" tanong ni Dale sa akin at nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko naisip na maiitanong iyon sa akin.
"Obviously not. Kaya madali kang naloloko dahil ang tanga mo." sikmat ni Taiden sa kaibigan.
Nagkatinginan kami ni Amalia na parehong namimilog ang mga mata. Ibig sabihin pala, alam nilang wala kaming relasyon ni Joseph?
"I think it's time for you guys to talk." si Keion iyon. Dumako ang paningin niya sa nakatalikod pa ring si Elton. Ano bang ginagawa niya? Bakit hindi niya man lang kami tinitingnan...ako.
Napasinghap ako at parang kinurot ang puso ko nang bigla siyang umalis. Walang imik. Ni hindi siya nagpaalam sa kahit sino sa amin. Umiling-illing din si Taiden at nagkatinginan sila.
"Saan iyon pupunta?" si Amalia na nagtataka sa bigla niyang pag-alis.
"Or maybe next time." dugtong ni Keion.
"Salamat sa inyo...at pakisabi na rin sa kanya. Wala rin kaming dapat pag-usapan." mataman kong sinabi at napakamot sa ulo si Macsen.
"Wala ako sa posisyon pero"
"Mac.." si Taiden iyon na mukhang pinipigilan si Macsen sa ano mang sasabihin niya. Kumunot naman ang noo ko. Wala naman talaga kaming dapat pag-usapan bukod sa mga bata at hindi pa ito ang tamang oras para doon.
"I think we should go now." ani Dale at nagpaalam na sila na aalis na. Nagpasalamat ako ulit at hindi maalis sa isip ko ang sasabihin sana ni Macsen. Parang may tinatago sila.
"Mama, nasaan si Dada?" si Elle at naupo ako sa kama niya. Nahihirapan akong maghanap ng tamang salita para maipaliwanag ang nangyari.
"May...aasikusahin lang si Dada, kaya wala siya." pagsisinungaling ko.
"Matagal ba siyang babalik?" malungkot niyang tanong at tumango na lang ako na mas lalong nagpalungkot sa mukha niya. Napatingni ako kay Olle na mukhang nakikinig lang sa usapan. Matapos makatulog ang mga bata ay nakatanggap ako ng text sa isang hindi ko kilalang numero.
Unknown Number:
Magkita tayo bukas. Marami akong sasabihin sayo.
-Chloe
Laking gulat ko sa nabasa. Si Chloe ang nag text? Saan naman niya nakuha ang numero ko? At ano naman kayang sasabihin niya? Nakaramdam ako ng kaba at tuwa. Kaba dahil sa huling sinabi niya na marami siyang sasabihin sa akin at natutuwa ako dahil baka alam niya kung nasaan si Tatay o 'di naman kaya baka magkasama sila.

BINABASA MO ANG
Fuck and Run
Romance-Dangerous Roads Series #2 Elton Roux - who hates younger age of girls having a crush on him. Gusto niya ang mas matanda sa kanya ng ilang taon dahil para sa kanya, younger girls has a lot of drama. For him, less drama, less problem. Iyon ang aka...