Kabanata 36

11.4K 293 38
                                    

Ano namang ginagawa ng mga lalaking 'to sa baryo namin? At sila pa talagang lahat!

"Dale, mauna ka na!" tulak ni Mac kay Dale na halatang nag-aalangan sa pagtapak sa putik. Napailing na lang ako. Bakit ba sila nandito, e, halata namang hindi sila sana'y sa ganitong lugar.

"Ikaw na mauna! Natatakot ka sa linta, 'no?" panunuya niya pa kay Dale kahit halata naman pareho silang nag-aalangan.

Napansin kong may kulang sa kanila. Nasaan kaya 'yon? Baka hindi sumama? Tekapake ko ba kung hindi 'yon sumama?

"GG! Wala ba talagang linta?" ulit na tanong ni Mac at tumawa ang mga taong nakakarinig sa kanila.

"Wala. Bakit ba kayo narito?" tanong ko sa kanila.

"We wanted to help?" tanong iyon galing kay Mozes. Bigla ko namang naalala si Amalia. Gusto kong magalit sa kanya pero wala naman akong karapatan. Kaya imbis na simangutan siya ay ngumiti ako.

"Bakit nga?" ulit ko.

"Dapat alam mo kung bakit. Tara na!" anyaya ni Taiden sa mga kaibigan. "Don't tell me takot ka rin sa linta?" aniya kay Keion na nakatitig lang sa putik. Umiling ito kahit halata naman sa itsura na nag-aalangan.

Ngayon ko lang napansin na naka maong silang lahat at naka sando. Seryoso ba sila? Magsa-sando sila sa tirik na tirik na araw?

"What are they doing?" tanong ni Keion sa akin at napatingin siya dakong unahan na mga lalaki na inaayos ang lambat.

"Titingnan nila kung may nahuli bang isda ang lambat," sagot ko.

"What? There's fishes in rice fields?!" gulat niyang tanong at napabuntong hininga ako. Wala talagang alam ang mga mayayaman sa ganitong pamumuhay.

"Meron. Galing naman kasi sa sapa ang irigasyon ng tubig dito kaya may isda. O, 'di naman kaya palaka. Masarap 'yong e, adobo!" untag ko.

"F-Frog?! Are you serious? How can you eat that? Hindi naman 'yon nakakain!" nandidiring mukha ni Dale na sabi. Agad naman akong may naisip na ideya dahil nakita ko sa mga mukha nila ang pandidiri.

"Palakang bukid naman kasi 'yon at malinis. Hindi iyong nakikita niyo sa siyudad. Iyon ang marumi," giit ko.

"Tara na nga! Umiikot na tiyan ko sa usapan," ani Mac.

Isa-isa silang tumapak sa palayan at naabutan ko pa ang pagngiwi ni Mac at Dale nang makatapak na sila sa putik habang kalmado lang ang mukha ni Keion at Taiden. Napatingin ako sa likuran nila at kung saan. Nasaan kaya ang gagong iyon? Hindi talaga siya sumama?

Tinuruan ang mga lalaki kung paano anihin ang palay at si Keion naman ay talagang nagpunta sa mga lalaking nag-aayos ng lambat sa dulo ng palayan. Napapansin ko rin ang mga mumunting tilian ng mga dalaga habang nakatingin sa mga kalalakihan.

Sino naman kasing hindi mapapatili sa mga 'yon? Para silang mga modelong nawalan ng trabaho kaya naging magsasaka na lang.

"Ay, kilala mo pala sila, GG?" nangingiting tanong ni Aling Rita sa akin at kung wala pa siyang asawa ay iisipin kong kinikilig rin siya habang nakatingin sa mga lalaki.

"Opo, matagal na," giit ko.

Napasinghap siya sa gulat. "Talaga? Baka naman pwede mong ipakilala ang anak kong si Greta sa isa sa kanila, GG. Siguradong kay gwapo ng magiging apo ko kapag nagkataon."

Natawa ako sa sinabi ni Aling Rita at sinabing nahihiya akong magpakilala sa kanila ng babae dahil hindi ko naman alam kung anong mga tipo nila.

Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa at paminsan-minsan akong napapatingin sa nagtatalong Dale at Mac. Habang ang tatlong lalaki naman ay naroon na sa nag-aayos ng lambat at mukhang may nahuling mga isda ang lambat.

Fuck and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon