Kabanata 11

14.7K 344 21
                                        

Malapit nang matapos ang bahay na pinapagawa ni Elton pero hindi pa rin siya bumisita ulit. Nakapagtataka tuloy. Ano naman kayang nangyari sa kanya?Dahil kayo iyon sa nangyari sa hotel?

"Bakit kaya hindi na bumisita si Elton." pagtatakang tanong ni Chloe habang kumakain kami ng hapunan.

"Babalik rin iyon, iha. Ikaw na mismo ang nagsabi sa akin 'di ba, na baka may emergency sa kanila."

Napaisip ako sa sinabi ni Tiya. Emergency? Gano'n kaya ang nangyari?

"Ikaw GG, may nasabi ba sayo si Elton? Kayo naman ang huling magkasama no'n hindi ba?" tanong sa akin ni Tiya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ang mapanuring mga mata niya na para bang nagdududa siya sa akin.

Umiling ako agad. "Wala naman po, Tiya." sagot ko.

"Baka naman may ginawa ka kaya hindi na iyon bumalik. Malalaman ko rin ang dahilan." sabat ni Chloe at binigyan ako ng isang masamang tingin.

"Wala naman akong ginawa, Chloe." mataman kong sinabi at inirapan niya lang ako.

Kahit hanggang sa pagtulog ko ay iniisip ko pa rin iyon, kahit hindi naman dapat. Pagkakamali lang iyon. Hindi iyon dapat nangyari.

Araw ng Sabado at kakailanganin naming linisan ang paligid ng palayan dahil tumutubo na ang mga ligaw na damo. Maaga akong gumising at nagluto na rin ng agahan. Nauna na rin ako sa palayan dahil nagkakape pa si Tatay ng umalis ako sa bahay.

"Bakit ka pa kasi sumama sa akin. Hindi mo naman na kailangang tumulong." sabi ko kay Amalia dahil sumama siya sa akin nang makita niya akong papunta sa palayan.

"Hindi naman talaga ako tutulong, GG. May gagawin tayo." aniya at Nakita kong nagningning ang kanyang mga mata. Masama ang kutob ko kapag ganito ang nakikita ko sa mukha niya. Sigurado akong may kabulastugan na naman itong naisip.

Tinapunan ko siya ng isang nanlilit na mga mata.

"Ano na nman ba 'yan, Amalia?" tanong ko.

Ngumisi siya sa akin at hinila ako patakbo sa sapa. Hindi ito ang daanan para sa palayan. Sa gawing kaliwa ang daan papuntang palayan. Agad akong huminto sa pagkakahila niya at pareho kaming habol ang mga hininga.

"Saan tayo pupunta, Amalia? Bakit papunta tayo sa sapa?"naguguluhan kong tanong sa kanya.

Hawak-hawak niya ang kanyang dibdib at taas baba ang paghinga niya.

"May ipapakita lang ako sayo. Kung ayaw mong magalit ang Tatay mo  dahil wala ka sa palayan. Pwes, bilisan na natin ang takbo!" sigaw niya at hinila na naman ako ulit. Imbis na magalit sa ginagawa niya dahil possible nga na mapagalitan ako ni Tatay kapag naabutan akong wala sa palayan. Sa halip ay natawa na lang ako.

Nang makarating kami sa sapa ay tumawid kami sa kabila. Ni minsan ay hindi pa ako na gawi sa parteng ito ng sapa.

"Amalia... saan ba talaga tayo papunta? Nasa gubat na tayo! Baka makatagpo tayo rito ng ahas.!" sikmat ko sa kanya.

"Wala sa gubat ang ahas, GG. Nag-anyong tao na sila. Hindi mo ba alam 'yon?" sagot niya at hindi ka makuha ang sinabi niya.

"Malapit na tayo!" sigaw niya habang lakad takbo na ang ginagawa naming dalawa.

Pareho kaming nakayuko at hinihingal at nagkatinginan sabay tawanan namin kahit wala namang nakakatawa. Ngumuso siya at napa-angat ako ng tingin kung saan siya ngumuso.

Nalaglag ang panga ko sa aking nakita. Isa itong lumang kubo. May nakatira pala rito dati? Agad akong napatingin kay Amalia para sana tanungin siya kung paano niya nalaman ang lugar na ito, ngunit nauna na siyang naglakad papunta sa maliit na kubo.

Fuck and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon