Kabanata 21

13.2K 322 26
                                    

Pinili kong mag-ayos sa kwarto ng mga bata. Hindi kamahalan ang bahay na ito dahil medyo kailangan mo siyang ayusin. Kagaya ng mga pintura at mga sira-sirang parte ng bahay. May mga maayos naman na bahay na binibenta dito, pero hindi pa namin kayang bilhin. Okay na rin naman ito kaysa sa bahay namin noon at sa probinsya.

"Hindi ako makahinga, GG." ani Amalia habang tinutulungan ako sa pagpipintura ng dingding.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalala kong tanong sa kanya, pero iba ang nakikita ko sa mukha niya. Inirapan ko siya at bumalik na lang sa ginagawa habang naririnig ko siyang humahalakhak.

"Puro ka kalokohan" dagdag kong sinabi.

"Bakit? Kalmado lang ba diyan ang kalooban mo kahit andiyan siya?" nahimigan ko panghahamon sa boses ni Amalia sa tanong niya sa akin.

"Oo naman." mabilisan kong sagot. Natatakot akong malaman niya ang totoo.

"Hindi ko alam kung naniwala sila sa pagpapanggap niyo ni Joseph. Para kasing..hindi." aniya kung kaya't napabaling ako kaagad sa kaibigan.

Hindi ba talaga gano'n ka kumbisido ang ginawa namin kanina? Paano ba dapat?

"Halata ba?" alanganin kong tanong sa kanya.

Napabaling siya sa akin at binitawan na muna ang paint brush na hawak. Binigyan niya ako ng isang nagugulat na mukha.

"Ano sa tingin mo? Kung ako lang ha, sorry, pero wala kayong chemistry ni Joseph, GG." mataman niyang sinabi at nagpakurap-kurap lang ako. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kaibigan.

"Okay na 'yon. Ang mahalaga nagkaroon ako ng oras para sabihin sa mga bata ang totoo." sagot ko.

"Excuse me? Babe, I need you outside." sabi ng nagsalita sa likuran namin. Sabay kaming napabaling at nakitang si Mozes iyon.

"Okay. Maiwan na muna kita ,GG." paalam niya sa akin at tumango ako.

Naiwan ako sa kwarto habang nagpipintura. Nasa baba ang mga bata at ayaw ko na muna silang paakyatin dahil nakakasama ang amoy ng pintura lalo na sa mga bata.

Naaaliw naman ako sa ginagawa nang maalala ko bigla ang mukha ni Elton sa mismong dingding na pipinturahan ko. And malalim niyang mga mata na animo'y nakikita niya pati kaluluwa mo. Kung dati, hindi naman siya nakakatakot tingnan pero ngayon, ewan ko ba...parang nagbago na. Ibang iba na ang dating niya.

Naalala pa kaya niya ang nangyari sa amin noon? Kung paano kami unang nagkita? Napangiti ako ng bahagya sa mga naalala. Para akong tanga. Siguro kung may makakakita sa aking ngayon, baka akalaing nasisiraan na ako ng bait.

"Why are you smirking at the wall?" napaigtad ako sa gulat kaya tumalsik sa mukha ang konting pintura. Nilukob agad ako ng kaba dahil alam na alam ko kung kanino galling ang malalim na boses na iyon. Hindi ko napansin ang boses niya kanina. Pati pala iyon nagbago na, parang naging mature ito pakinggan.

Nag-angat ako ng tingin sa gilid ko matapos tanggalin sa mukha ang pinturang tumalsik. Hindi ko alam kung nalinis ko na nga iyon ng maayos.

"W-Wala lang." tanging naisip kong maisagot sa kanya.

Mariin ang titig niya sa akin. Nababahala rin ako sa distansya naming dalawa. Masyado siyang malapit sa akin, para akong nasasakal. Hindi ko maiayos ang paghinga ko. Siguro dahil sa tangkad niya kaya nakukuha niya lahat ng hangin sa paligid?

May multo ng ngiti sa mukha niya pero saglit lang iyon at agad ring nawala. Bumalik ang seryoso niyang mukha. Bumalik na lang ako sa ginagawa kaysa sa makipagtitigan sa kanya. Gusto kong alisin siya sa sistema ko kahit nasa tabi ko lang siya.

Fuck and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon