Tom's pov
"Dada, dada wake up, I hungwy." Panggigising ni Simon sa akin, kaagad naman akong bumangon.
"Good morning baby, kanina ka pa gising?" "Opo." "Sana ginising mo ako anak kung nagugutom ka na pala." "You sleepin dada." Napangiti naman ako sa sinabi nyang iyon.
"D dada, sowwy." He whimpered.
"What's wrong babe?" "I p poop." "O that's okay baby. I'll change you and then we'll see kung anong pwede nating lutuin for breakfast yeah? But quiet lang tayo because kuya Cocob and kuya Noah are still sleeping." Yes dada, kuya Cocob hug Simon." "O really? You say thank you to kuya Cocob later pag gising nya ha?" Otay dada." I changed Simon's diaper then bumaba na kami sa sala. Naabutan ko sina mommy, ate Rose at kuya Armand na nagkakape sa lamesa.
"Good mowning pooo." Bati ni Simon sa kanila.
"Good morning Simon, how is your sleep?" Tanong ni mommy.
"It otay wowa, kuya Cocob hug Simon." "Niyakap ka ni kuya Cocob while sleeping?" "Opo, I hug kuya Noah two." "Ganoon nga ang inabutan kong ayos nila kagabi, siksikan sila sa gilid ng kama samantalang ang laki naman ng space hahahaha." Sabi ko na ikinatawa naman nilang tatlo.
"Ganoon naman talaga sina Jacob at Noah di ba? Gusto nilang lagi silang magkayakap kapag natutulog sila." Sabi naman ni ate Rose.
"I like hugs twooo." "So you are my cuddle buddy huh?" Sabi ko kay Simon while tickling his belly, earning a cheerful giggles from him, God that was music for me. I could listen to him giggling and laughing all day.
"Yes Dadaaaaaaaa!!!!" He squeaked. I stop tickling him.
"I'm not dada, I'm the tickle monster!!!!!" I said, resuming the tickles.
"Dadaaaaaaaa!!! Dadaaa ayaww naaa." Babyyyyy!!! Gusto paaa!!!" Sabi ko pero tumigil na rin.
"I tired dada." Sabi nya na hinihingal pa.
"O so hindi na tayo mag mall? Your tired na e." "Nooo dada, I not tired anymowe." Natawa naman kami sa sinabi nyang iyon.
"Morning tito Tom." Sabi ni Jacob pagkababa nila ni Noah sa hagdanan.
"Kuya Cocob!!!" Sabi ni Simon tsaka tumakbo papunta kay Jacob.
"T'ank you kuya Cocob." Sabi nya tsaka ito niyakap ng mahigpit.
"Why you sayin thank you Simon?" "Because you hug Simon while sleepin. And dada said I say t'ank you." "You welcome Simon!!!" Sabi ni Jacob tsaka kiniss si Simon sa pisngi.
"I hug you two kuya Noah." "Thank you, Simon." "Upo na kayo rito, luto na ang breakfast." Sabi ni mommy, kaagad naman silang nag takbuhan palapit sa lamesa.
"Lola ano breakfast?" "Your favorite Noah." "Pancake with chocolate???" "It sure is, kain na kayo. Mag mall daw tayo sabi ni tito Tom." Kumain kami ng breakfast while chatting and laughing.
"Baby bakit parang hindi lang ikaw ang kumakain ng pancake? It looks like your clothes and face are eating two." Sabi ko dahil nag kalat ang pancake at chocolate syrup nito sa damit at mukha nya.
"I ticky dada." He giggles.
"Papaliguan ko nga kayong tatlo after kumain. Ang lagkit nyo e." Sabi ko sa kanila.
"With lots and lots of bubbles tito Tom?" Sabi ni Noah.
"I don't see why not. Ubusin nyo na yung food nyo para makaligo na tayo."
********
After nilang maligo ay binihisan ko na sila ng kanya-kanya nilang damit. I put Simon in his diaper, I also help Jacob and Noah to put on there pull ups.
"It otay kuya Cocob and kuya Noah. Don't be shy." Sabi ni Simon dahil nakita nyang nahihiya sina Jacob sa kanya.
"I wear diaper two. See?" Sabi pa nya para pagaanin ang loob ng dalawa, lagi talaga nyang inuuna ang mga tao sa paligid nya.
"Thank you Simon." Halos ay magkasabay na sabi nina Jacob at Noah. Simon is wearing a green shorts, an orange cars shirt na sya ang pumili and a blue rubber shoes. Jacob and Noa are wearing matching gray shorts, a red t-shirt and a white rubber shoes. Terno as always because they are twins.
"Tito Tom sasama si Toffee?" "Yes Jacob, Toffee is coming with us."
Hindi ko pala nasabi sa inyo na si toffee ay guide dog ko. Hindi ko sya dito sa pilipinas nakuha dahil wala pa namang guide dog school dito. Sa US ko sya nakuha, after ng Miss Saigon. Isang buwan akong nag stay sa Guide Dog School for the Blind, doon ako nag trraining kung paano ba mag travell with my guide dog. At doon ko nga nakuha si Toffee. He is a labrador retriever, color yelo sya. Kailangan ko nga lang i explain sa mga pinupuntahan namin na registered guide dog si Toffee, mabuti na lang at karamihan naman sa kanila ay nakakaintindi ng sitwasyon.
********
"Ready na ba kayo?" Tanong ko ng makababa na kaming tatlo sa sala, kapag kasi ganitong aalis ako/kami ay sinasama ko talaga lahat ng tao sa bahay. Kahit papunta ako sa mga meetings, mga TV guesting kung meron, rehersals at kung saan-saan pang lakad ko.
"Oo Tom kanina pa, kayo na lang tatlo ang hinihintay namin." Biro ni ate Rose.
"Tara na." Sabi ko tsaka pumunta na sa nakaparada kong Toyota Fortuner na kulay puti. May tatlo itong car seat sa back seat na kulay blue, red at orange, blue kay Jacob, red kay Noah at orange naman kay Simon. Ako tsaka si kuya Armand ang nasa harapan, kuya Armand is driving of cours. Then ang pagkakasunod-sunod nila sa likod ay sa kaliwa si Noah, nasa likod ng upuan ni kuya Armand. Nasa gitna si Jacob. At nasa likod naman ng upuan ko si Simon. Nasa pinakaa likod naman sina mommy at ate Rose. Sa sahig naman naka higa si Toffee. Napuno ng kantahan ang byahe papunta sa mall. Nirequest kasi ng mga pamangkin ko na patugtugin ang mga songs ko sa speaker ng kotse na pinagbigyan ko naman.
"Dada tita Lea yan?" Tanong ni Simon ng mag play ang duet namin ni Lea ng Ave Maria. Version sya ni Beyonce pero nilagyan ng version ni Schubert na nasa wikang German ang choros.
A/n sa mga naguguluhan po ay pakinggan nyo ang Ave Maria nina Mica Becerro at Christy Lagapa. Yung battle rounds nila sa The voice Teens, yon po yon.
**
"Yeah baby, it's tita Lea." Sagot ko naman sa kanya.
"Dada you sing pwease?" Sure baby." Sabi ko habang hinihintay ang choros. I sang the german part kasi while Lea did most of the english parts of the song.
"Ave Maria!
Jungfrau mild,
Erhöre einer Jungfrau Flehen,
Aus diesem Felsen starr und wild
Soll mein Gebet zu dir hin wehen.
Wir schlafen sicher bis zum Morgen,
Ob Menschen noch so grausam sind."
Kanta ko habang nakikinig si Simon. Pagdating sa huling Ave maria ay nagulat ako dahil sinabayan nya ako.
"Aaaaaveee Maaaawiiiaaa." "Woooowwww!!! Good job baby." Sabi ko while clapping.
"Yeah Simon, you very good." "T'ank you dada. T'ank you kuya Cocob." Ganoon ang naging takbo ng byahe namin, kantahan na may kasamang kwentuhan at tawanan.
********
"Oooowww!!! S so big!" Simon exclaimed pagkapasok namin sa mall. I was holding Toffee's leash while following mommy.
"Simon hold my hand please. We don't want you getting lost." Sabi ko na kaagad naman nyang sinunod.
"Baby don't touch Toffee muna ha? He's guiding dada kasi so hindi sya pwedeng ma distruct." "Otay po." "So anong gusto nyong gawin?" Tanong ko sa mga bata. Magkaiba ang sinagot nina Jacob at Noah, ngunit nanatiling tahimik si Simon.
"What about you baby, ano gusto mong gawin. May gusto ka bang puntahan?" Umiling lamang sya bilang tugon.
"It otay dada, kuya Cocob and kuya Noah can choose." "Aww it's okay if you want something my dear, you can tell dada." "Tito Tom Simon is looking at Build-A-Bear, baka gusto nya punta doon?"
A/n
Hindi ko alam kung may Build-A-Bear Workshop ba dito sa Philippines, pero para sa story meron na lang hahahaaha.
**
"Thank you for telling me Jacob, we'll go to Build-A-Bear." "It otay dada, if kuya Cocob and kuya Noah no wan go, it otay." "No baby, Jacob, Noah. You wanna go to Build-A-Bear right?" Yeah! Meron kami stuffed toy galing dyan, it nice Simon. You can build your own bear." Sabi ni Noah.
"S okay Simon, Lesgo." "O otay."
*****
"Simon what do you want?" Tanong ko sa kanya pagkapasok namin sa loob ng Build-A-Bear.
"Dada I wan giwaffe, pwease?" "Sure thing baby." "Um, dada can I have. Um" Pinutol nya ang sinasabi nya habang nagbibilang sa kamay.
"Twee?" I have twee bear dada, pwease?" Kaagad ko naman syang pinagbigyan dahil noon lang naman sya nagsabi ng bagay na gusto nya, at kung ikakasaya nya ang tatlong bear na yon ay sino ba naman ako para tumutol?
"Sure baby, you can have three bears. You pick the other two para magawa na natin okay?" "Otay dada." He says while jumping up and down.
********
"You put the heart baby." Sabi ko, nilagay naman nya ang heart sa tatlong stuffed toy. Isang giraffe, isang dog na mahaba ang tenga at medyo malaki, at isang Superman na bear. Yan ang pinili ni Simon. Matapos magawa ang mga stuffd toy ay lumabas na kami sa Build-A-Bear kung saan naghihintay sina mommy.
"Kuya Cocob! Kuya Noah wook!" Tuwang-tuwang sabi ni Simon habang tumatakbo palapit sa dalawa.
"I have giwaffe, a dog and Supewman!" Dagdag pa nya.
"Woah, that nice Simon." "Uh-huh, but this yours kuya Noah." Sabi nya tsaka ibinigay ang Superman na bear kay Noah.
"Kuya Cocob this fow you, a dog. You wuv dogs right?" Sabi naman nya tsaka ibinigay ang stuffed toy na dog kay Jacob.
"S my gift fow you. Dada that otay? I give them gift because they good at Simon." "Of cours baby, that was very nice of you." Sabi ko tsaka sya niyakap. Niyakap naman sya ng mahigpit nina Jacob at Noah.
"Thank you Simon." Sobrang nagulat ako sa ginawa nya, akala ko kasi ay para sa kanya at sya ang may gusto ng mga stuffed toy na yon pero hindi pala. Napangiti na lang ako.
"I am so lucky to have you in my life baby." Sabi ko tsaka sya kinarga.
"Dada that good? Simon good boy?" "You sure are baby, you are dada's good boy, at dahil good boy ka for dada, I have a surprise for you." "Supwise? Dada ano supwise?" I will bring you to Mcdonalds, doon tayo kakain." Sabi ko dahil sinabi sa akin ni Arlene na isa sa mga favorite nyang kainan ay roon.
"Dada wook!" It Aawon, with ate Awlene!" he exclaimed.
"Hi sir Tom, hi Simon, it's nice to see you again." Sabi ni Arlene pagkalapit nya sa amin.
"H hi sir Tom." Nagulat naman ako sa tahimik na si Aaron, usual kasi ay matapang ang personality nya e, pero ngayon mukhang ibang Aaron ang nakikita ko.
"Miss Arlene! Kumusta? Ano nga palang ginagawa nyo rito?" "May binili lang po kami ni Stanley, nagpasama ako kasi may gaganaping children's party sa adoption center, birthday po kasi ng mayari sa sabado." Naguluhan ako sa pangalang binanggit nya, sino si Stanley? May iba pa ba silang kasama?
"Sino si Stanley miss Arlene?" Naguguluhang tanong ko.
"Ah, si Aaron. Ayaw na raw kasi nyang tawagin sya sa second name nya." Pagpapaliwanag ni Arlene.
"I see. Hi Stanley, kumusta ka na?" O okay lang po." Nahihiyang sagot nya.
**
Stanley's povHi po. I am Stanley Aaron Dela Cruz. I'm 8 years old. Hindi naman po talaga ako bad boy, gusto ko lang magkaroon ng mga kaibigan sa ampunan kaya ako ganoon. Lagi po kasi akong binubugbog ng mga magulang ko noon, pareho po silang masama sa akin. Kaya lang po ako nakaalis sa bahay na yon dahil may isang kapit bahay na nakarinig ng mga sigaw ko habang binubugbog po ako, tumawag sila ng mga tao, nakalimutan ko po yung tawag sa kanila pero sila po ang nag alis sa akin sa bahay na yon, doon po nila ako dinala sa ampunan. Noong una po ay ako ang binubully nila, pero noong dumating po si Simon ay pinagkaisahan po sya, doon ko po kinaibigan yung mga batang bad, sinabi po nila kapag hindi ko raw po inaway si Simon hindi daw po nila ako bati. Pero ayaw ko po yon, wala lang po akong nagawa dahil gusto ko po ng kaibigan. Hindi ko po gustong sinasaktan nila o namin si Simon, nakikita ko po kasi ang sarili ko sa kanya. Yon pong pag tulak ko kay Simon noong nandoon si sir Tom, inutusan lang po ako ni Robin, sya po kasi yung siga doon sa ampunan, at tinakot nya po ako na bubugbugin daw po nya ako kapag hindi ko tinulak si Simon. Nainggit po ako sa kanya kasi sya ang pinansin ni sir Tom, Kaya nga po noong nalaman ko na i a-adopt sya tinakot ko sya e, ako po talaga ang may gawa noon. Pero alam ko pong hindi gagawin ni sir Tom yon sa kanya. Pero hinihiling ko po na sana, may mag adopt din sa akin na kagaya ni sir Tom, yung hindi ako sasaktan. Kaya nga po ako nagpapakabait para may mag adopt na sa akin, yon po kasi ang sabi ni ate Arlene sa amin. Kaya rin po sinabi ko na Stanley na lang ang itawag sa akin kasi ayoko na ng Aaron, pakiramdam ko po kasi masama ako kapag yon ang gamit kong pangalan. Iniwasan ko na rin po si Robin at mga kaibigan nya, ayoko na po kasing maging katulad nila. Pero mukha pong wala talagang mag a-adopt sa akin.
A/n
Bakit ko ba binigyan ng pov si Stanley? Hmmm... Basta malalaman nyo na lang sa mga susunod na chapters.
Anyways. Yon lang po muna sa ngayon. Vote, comment and share. Maraming salamat po ❤️
Klo.
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone Anymore
FanficThe story tells about a 29-year-old blind man named Tom Alfred Santos, who is a famous musician and theater actor in the Philippines and around the world. Despite his success, he feels something is missing in his life, which he believes is having a...