Tom's pov
"Wamp-wamp. Wamp! Wamp-wamp. Wamp-waaaaaaamp!!! Tito Tom, excuse me po, hindi kasi makadaan yung train ko." Napabalik naman ako sa sarili nang marinig ko ang sinabi ni Noah. Gumagapang kasi sya sa sahig habang itinutulak ang mahabang tren na regalo ko noong birthday nila ni Jacob. Kanina pa sya naglalaro, at kanina pa rin ako lutang, kaming dalawa lang ang naiwan sa loob ng bahay ngayon, medyo unusual nga kasi ayaw nyang lumabas para makipaglaro kina Stanley, kadalasan kasi ay mauuna pa syang tumakbo palabas, si Wendy ang kasama nila roon. Sila mommy naman ay nasa supermarket kasama sina tita Linda at ate Rose para mamili ng mga pagkain.
"Sorry Noah." Ang tanging nasagot ko na lamang.
"Tito Tom, are you okay?" Tanong nya ttsaka tumigil sa paglalaro.
"H-ha? Oo naman, mukha bang hindi?" I asked while chuckling.
"Opo, kanina ka pa kasi hindi nagsasalita e, hindi ka sumasagot kapag tinatanong kita. You want a hug?" Napahinga ako nang malalim tsaka pilit na ngumiti, sa totoo lang ay hindi ako okay. Ngayon ko na kasi balak sabihin kay Simon ang tungkol sa amin ni Lea. Pero syempre hindi ko yon pwedeng sabihin kay Noah, alangan namang magdrama ako sa harapan nya, kapag ginawa ko yon... Parehas lang kaming iiyak hahahahahaha.
"I'm okay Noah, pero kung bibigyan mo si tito Tom ng hug... Hindi ko tatanggihan yan my love, alam mo namang gustong-gusto ko ang hug nyo ni Cocob di ba?" I said then picked him up from the floor.
"Ang bigat mo na." Sabi ko sa kanya, Noah giggled in responds.
"Mas mabigat ka, tito Tom. Ang taba mo kaya." He said, naupo naman ako sa sofa habang karga pa rin sya. I sighed, hindi ko kasi talaga alam kung anong magiging resulta ng sasabihin ko kay Simon mamaya. Ni hindi ko pa rin nga alam kung paano, o kung anong mga salitang gagamitin ko para maipaliwanag nang maayos sa kanya. Jusko! Ganito ba talaga kahirap yon? My gad!
"Hello, tito Tom?" Noah said in front of my face.
"Huh? Ano ulit yon?" Sabi ko po... Will you sleep with me? Inaantok na ako." He whined.
"Ah... Sure, oo naman... Kalan ba? Tsaka alam ba yan ni Jacob?" "Tito Tom, what are you saying?" Sabi ko po... Will you sleep with me. Inaantok po ako, tsaka nasa labas si Cocob, bakit nya malalaman? Hindi naman sya magagalit." Ano bang iniisip ko? Napakalayo ng sagot ko sa sinasabi ni Noah... Siguro nga ay kailangan ko lang itulog to, baka mas makaisip ako ng paraan kung paano kakausapin si Simon pag nakapagpahinga ako.
"Okay. We'll sleep, gusto mo ba sa room namin? Or gusto mo doon sa inyo." "Nuh uh, sa room mo tito Tom, nami-mmiss ko na yon."
*****
"Gusto mo ng milk Noah?" I asked pagkarating namin sa kwarto. Lagi kasi silang umiinom ni Jacob ng gatas bago matulog.
"No po tito Tom, I jus' wanna sleep." He answered tiredly.
"Is Simon not drinkin' milk in glass yet?" Tanong pa nya na sinagot ko naman sa pamamagitan ng pag-iling.
"But why, ayaw nya? Gusto nya sa bottle lang?" "Yes. Siguro kasi hindi pa sya ready." "Oh, but when will he be ready?" "I don't know Noah e, maybe soon." I said habang inaayos ang mga nakakalat na laruan sa sahig.
"Sure ka ayaw mo ng milk? Titimplahan kita sa baso..." Nooo nga tito Tom, sleep na tayo, tabihan mo ako." He whined tsaka nahiga na, nakaupo lang kasi sya sa kama kanina. Kaagad din naman na akong nahiga sa tabi nya, sa totoo lang kasi ay gusto ko nang matulog.
"Nighty night tito Tom. I love you." Noah mumbled na ikinangiti ko naman kahit papaano.
"I love you too, sleep ka na." I said then kissed his forehead.
*****
30 minutes, 30 minutes na akong nakahiga ngunit hindi pa rin ako makatulog. Tila ba kasi ayaw akong dalawin ng antok, hindi tulad ni Noah. Hayan at tulog mantika na. Ganito ba talaga yon? Alam ko namang matalinong bata si Simon, at isa pa... Napaka-understanding nya, pero hindi ko pa rin kasi maiwasang isipin kung anong magiging reaksyon nya e, kung tutuusin nga... Dapat mas mag-worry ako kay Stanley kasi alam nyo naman kung gaano sya ka-attach sa akin pero okay naman, hindi sya nagalit or nag-react in a negative way, actually he did the opposite. Masaya sya, nakikisali pa nga sa pang-aasar nina Wendy di ba? So dapat mappanatag na ako pero hindi. Ang daming paano, paano kung ganito, paano kung ganyan, paano kung... Hay! Hindi ko na alam. Bahala na mamaya.
**
Stanley's pov"Tama naaaaaaa, pagod na ako hahahahahaha. Simooon!!! Akin na yan, baka masiraaa. Aaralin ko pa yan e, lagot tayo kay dada kapag hindi natin yan nakabisado." Sabi ko habang hinahabol si Simon. Kinuha po kasi nya yung script na pinahiram sa akin ni tita Wendy. Naglalaro po pala kami dito sa labas, kaso lang po hindi namin kasama si dada tsaka si Noah. Si tita Wendy lang ang nagbabantay sa amin, sina Cocob na lang po yung naglalaro, pagod na po kasi ako e, kaya naupo na lang ako sa tabi ni tita Wendy, nagbabasa po kasi sya ng script. Yon po yung gagawin namin sa acting workshop ni dada. Magpe-perform din daw po kasi kami doon, pero acting po ang gagawin. Kinakabbahan nga po ako e, hindi naman kasi ako marunong umarte tulad nina tita Wendy, kaya po inaaral ko na ngayon pa lang yung script. Medyo mahhaba po kasi sya, pero alam nyo po? Mas mahaba yung script ni dada sa Phantom of Opera, nakita ko sa office nya noon nakaraan, grabe! Naka-braille sya tapos sooooobrang kapal. Marami po kasi syang papel, tapos ang haba pa ng mga nakasulat. Nakalimutan ko na nga kung ilang page yon e, pero madami po talaga, pramis. Buti nga hindi ganoon karami yung script na inaaral namin. Tatlong page lang po sya, tapos meron pong naka-braille nito na 6 pages. Sabi nga po pala ni dada... Ako daw po tsaka si Simon yung instrumental ng dula, instrumental ng dula? Kami po ba yung tugtog? Hahah! Kasi instrumental daw po e, di ba yon yung tugtog sa kanta? Parang minus 1 po ganoon. Pero hindi naman siguro, baka iba yung ibig sabihin ng instrumental na sinasabi ni dada.
"Eto na kuya Tanley, sorry. Gusto ko din kasi mag-aral nyan." Sabi ni Simon tsaka ibinalik na sa akin yung script. Bigla po nya kasing kinuha yon habang binabasa ko hahahahaha!
"Okay lang, gusto mo ba tulungan kitang magkabisado? Sabay nating aralin to, tapos isunod natin yung mga kanta." "Yes kuya Tanley, di ba kasama ako dyan?" "Oo ngaaa hahahahaha, tutulungan nga kitang mag-aral ng script e, halika dito, tabi tayo." Naupo na rin si Simon sa tabi nnamin ni tita Wendy. Isa pa nga po pala yung mga kakantahin namin. Puro bago po lahat yon, ginawa nila dada. Hindi ko pa po nakakabisado, sina tita Wendy kasi yung gumagawa ng mga demo. Yon daw po yung papakinggan ng mga magwo-workshop para makabisado nila yung kanta. Sa bahay po sila nagre-record kaya kahit papaano naman medyo alam na namin. Pero hindi pa lahat.
"Stanley,kasama ka rin daw ba sa production?" Tanong ni tita Wendy.
"Oo daw po sabi ni dada, pero paano yon? Di ba tita Wendy magpe-perform tayo?" "Oo nga, pero kasama rin tayo sa production para doon sa mga magwo-workshop, kaya natin yan, multitasking ang solusyon bebe hahahaha." Natawa na rin ako sa sinasabi ni tita Wendy.
"Ooww, exciting. Tsaka po di ba doon tayo sa bagong theater na pinagawa ni dada?" "Yezzzz, ito ang first time na magagamit natin ang stage doon. Kaya dapat ibigay natin ang best natin hindi ba?" Tumango naman ako sa sinabi nya.
"But, how about me. Ano pong gagawin ko?" Tanong ni Simon.
"Ahahhaha, syempre bebe tutulong ka rin sa amin. Di ba nga, tayo ang mga superheroes sa backstage? You will help us para maging maganda ang show natin." Napangiti naman po si Simon dahil sa sinabi ni tita Wendy.
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone Anymore
FanfictionThe story tells about a 29-year-old blind man named Tom Alfred Santos, who is a famous musician and theater actor in the Philippines and around the world. Despite his success, he feels something is missing in his life, which he believes is having a...