No one's pov
Aaron!!!" Sigaw ng isang lalaki pagkapasok ng bahay.
"Halika nga rito." Kaagad naman syang tumayo, nakita nya ang tatay nyang nakatayo sa pintuan katabi ang nanay nya.
"Wala ka talagang kwenta!" Bulyaw nito tsaka sya sinuntok sa mukha.
"B bakit po?" "Pinagsasalita ba kita? Ha?" Sabi nya tsaka sinikmuraan ang bata.
"T tay t tama na p po." "Huwag mo ako tawaging tatay hayop ka!" Galit na sabi nito, nagpatuloy ang pambubugbog sa kanya hanggang sa halos hindi kna sya makahinga. Iniwanan sya ng tatay nya sa isang sulok. Tumingin sya sa nanay nya, lasing din ito. Katulad ng tatay nya.
"O anong tinitingin-tingin mo riyan?" Sabi nya tsaka sya sinampal. Tumalikod din ito at sinundan ang tatay nya.
**
Tom's pov"T tama na p po, pakiusap. Tama na, hindi ko na po k kaya."
Nagising ako sa mga sinabing iyon ni Stanley. Kaagad akong umupo mula sa pagkakahiga at sinubukan syang gisingin.
"Stanley, stanley gising. Nananaginip ka." Kaagad naman syang bumangon.
"W wag po, please, t tama na." Halos pabulong na sabi nya.
"Kaagad ko naman syang binuhat atsaka kami lumabas ng kwarto, baka kasi magising sina Jacob.
"T tama na po." He sobbed.
"Stanley look at me." Sabi ko, ganoon kasi ako. Kahit hindi ako nakakakita, gusto ko pa rin may eye contact sa akin ang mga kausap ko, lalo na kapag bata. I put 2 fingers on his chin para tumingin sya sa akin.
"Listen to me Stanley. Wala nang mananakit sayo rito, okay? You're safe." Sabi ko while bouncing him on my hip, magaan lang kasi sya para sa edad nyang walo.
"Shhhh." Sabi ko while rubbing his back.
"It's okay Stanley, it's okay." "S sorry po." Mahinang sabi nya.
"Bakit ka nagso-sorry?" Tanong ko.
"Kasi po nagising ko kayo, s Sorry p po." He whimpered. 6:45 AM. Yan ang oras ng tignan ko ang phone ko.
"Stanley it's okay, ganitong oras naman talaga ako nagigising." Totoo naman yon, minsan nga mas maaga pa.
"Gutom ka na ba?" Hindi pa man sya nakakasagot ay may biglang sumulpot mula sa kawalan.
"Ako gutom na." Sabi ni Lea, muntik ko namang mabitawan si Stanley dahil sa sobrang gulat.
"Leaaaa!!! Nakakainis to, ang aga-aga e, nanggugulat ka."" Tawa lang naman ang sinagot nya.
"What happened Tom? Is he okay?" Nagaalalang tanong nya.
"He had a bad dream." "Awww, are you okay now?" Tanong nya kay Stanley.
"O opo." "Tara na, baba na tayo, gutom na rin ako e." Sabi ko.
"Sandali lang po." Sabi ni Stanley. He squirm out of my grasp, asking me to put him down. Kaagad ko naman syang ibinaba, pumasok sya sa kwarto, ilang sandali lang ay lumabas na rin sya.
"Okay na po." Sabi nya.
"Saan ka galing Stanley?" Mahinahong tanong ko.
"S sa kwarto nyo po, m may kinuha lang po ako sa bag ko." "Okay, let's go."
********
"Stanley? Halika na rito. Kakain na tayo." Pagtawag ko sa kanya.
"B busog po ako." Nahihiyang sagot nya. Marahan akong naglakad palapit sa kanya, nakaupo sya sa sulok. Ngunit ang mas nagpagulat sa akin ay ang hawak nyang isang pirasong biscuit.
"Okay na po ako rito." Sabi pa nya.
"Yan lang ang kakainin mo?" "Opo." "Saan mo nakuha yan anak." "S sa bag ko po. Pero isa na lang po ito e, s sorry po, pero okay na po talaga ako rito, ito na lang po ang kakainin ko. Bihira po kasi akong pakainin sa bahay noon." Malungkot na sabi nya na sya namang dumurog sa puso ko, umupo naman ako sa sahig tsaka kinuha ang kamay nya.
"Stanley no. Simula ngayon hindi ka na magugutom, pwede kang kumain dito kahit anong oras mo gusto. Itabi mo na yang biscuit mo okay? Sasabay ka sa amin kumain." "T talaga po? Okay lang po ba sa kanila?" Tanong nya.
"Oo naman. Maupo ka na roon, gigisingin ko lang sina Simon tapos kakain na tayo okay?" "Okay po." Nakangiting sabi nya.
********
Stanley's povHindi pa rin po talaga ako makapaniwala. Napakabait ni sir Tom. Oo sinabi nya pwede ko sya tawaging dada, pero nahihiya ako kay Simon. Nahihiya po ako sa kanila. Pero aaminin ko po sa inyo. Pakiramdam ko, safe ako kapag nandyan si sir Tom. Kaya nga po hindi ako pumalag noong binuhat nya ako e, kasi po halos hindi ko naranasan na kargahin ako ng mga magulang ko. Gusto ko pong binubuhat ako ni sir Tom pero nahihiya po akong mag sabi. Pero sana po hindi na ako ibalik ni sir Tom sa ampunan, gusto ko po kasi rito. Mababait yung mga tao tsaka hindi nila ako sinasaktan. Naniniwala po ako kay sir Tom na hindi nila ako sasaktan pero natatakot pa rin po ako minsan. Pero lahat naman po sila mabait sa akin. Hindi po sila naninigaw at nagmumura, tsaka po parang ang saya-saya nila lagi.
********
Tom's pov
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone Anymore
FanfictionThe story tells about a 29-year-old blind man named Tom Alfred Santos, who is a famous musician and theater actor in the Philippines and around the world. Despite his success, he feels something is missing in his life, which he believes is having a...