Chapter18

130 4 1
                                    

A/n
As promised... Pasko naaa!!!!
Sana po ay magustuhan nyo.
********
Tom's pov

"Dadaaa!!! It chwistmas!!!!" Tuwang-tuwang sabi ni Simon.
"Baby not yet. Bukas pa hahahahaha." I said while laughing.
"But kuya Cocob said today dada. We eat daw later and then it's chwistmas na." "Oo nga baby, kakain tayo mamayang gabi. Yon yung tinatawag na noche buena." "Ooo. Noche buena? Like our song?" Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa sinabi nya.
"Oo anak. Parang ganoon." "And then tomowwow, chwistmas na?" "Yes!!! Very good Simon." I said tsaka sya niyakap. Ngayon ay hapon na. December 24, lahat kami rito sa bahay ay naghahanda na for our grand and special noche buena raw ayon kay Wendy hahahaha.
"Nak, iabot mo nga sa akin yung baboy sa reph. Yung nasa tabi ng galon ng ice cream." Utos ni mommy mula sa kusina.
"May ice cream tayo mommy?" "Wala. Bangus yan hahahahaha." Hanubayan! Akala ko pa naman ice cream ang laman, bangus pala! Kaagad ko namang iniabot ang hinihingi nya.
"Yan ba yung pang lechon kawali ma? O yan yung sa adobo." "Hindi. Pang pork steak ito. Napalambot ko na yung para sa lechon kawali tsaka yung pang adobo. Ito o, hawakan mo." Sabi ni mommy tsaka kinuha ang kamay ko. Ipinahawak nya sa akin ang karne na nakalagay sa lalagyan. Mainit pa iyon, halatang bagong kulo.
"Maaaa!!! Kadiriii." Sabi ko tsaka inilayo ang kamay ko.
"Ang arte mo ba. Samantalang ikaw nga minsan nagluluto rito e, tapos naggagaganyan ka hahahaha! Nakahawak ka na ba ng tenga ng baboy?" Natawa naman ako sa tanong ni mommy. Pero na-curious ako. Ano kayang hitsura noon?
"Hindi pa hahahaha." "Ngayon makakahawak ka na, sandali hahaaha. Ito o..." Sabi ni mommy.
"Ganyan ang hitsura ng tenga ng baboy." Dagdag pa nya. Hawak-hawak nya ang nasabing parte ng baboy sa kamay nya.
"Ang laki hahahahaha." "Pang dinakdakan yan. Maliit pa yan nak, dapat nga mas malaki pa riyan yung bibilhin namin e, kaya lang naalala ko... Ayaw mo nga pala ng may tenga ng baboy sa dinakdakan hahahaha." Pagpapaliwanag nya.
"Edi paano yan me. Buong baboy yung tinitinda roon?" "Oo. Pero tinatadtad na nila yon, tapos ikaw na yung pipili ng parte na bibilhin mo... Pero iba yung para sa isang buong lechon ha? Yon naman... Buong baboy yung bibilhin mo, pwedeng luto na. Pero kadalasan sa mga probinsya ikaw mismo yung maglelechon." Napangiti naman ako.
"Dada. Ligo na ako, pleeease." Sabi ni Stanley. He is still wearing his white Superman shirt.
"Tom paliguan mo na. Kanina pa nya gustong maligo e, kawawa naman." Sabi ni mommy habang naghihiwa ng sibuyas.
"Sige na nga, hindi ka naman mabaho Stanley e, amoy pa nga sayo yung cologne ni Simon o?" Sabi ko sa kanya habang papaakyat kami sa taas.
"Pero dada. Gusto ko na po maligo. I, I want to be clean." Natawa naman ako sa sinabi nya.
"Hahahah. Very good Stanley." I said after hugging him.
"Dadaaa, seryoso naman ako eee." He whined.
"Oo nga. Paliliguan na nga kita e, pero mukhang nagtatampo ka kay dada. Ayoko na nga." I joked.
"Dadaaa!!!! Hindiii, sorry na po." He said cutely.
"Dadaaa. Sorry na." Sabi ni Stanley habang nakayakap sa akin.
"Sige na nga. Tara na." "Yesss!!!! Maliligo na akooo." "Pero may sinat ka pa Stanley di ba?" "Dada wala naaaa!!!" Hindi ko naman mapigilang matawa. Ang cute kasi nya kapag naaasar hahaha.
"Joke lang Stanley. Tara, ligo ka na."
*****
"There. Okay na?" Sabi ko matapos ko syang paliguan. He is wearing a gray shorts and a red t-shirt na may nakalagay na MERRY CHRISTMAS sa harapan.
"Opo dada. Thank you." Stanley said then hugged me tightly. I kissed his head.
"No problem anak. Sige na, laro ka na ulit doon. Magluluto pa kami nina tita Wendy." Sabi ko tsaka kami lumabas ng kwarto.
********
"Kuya, pakihiwa naman nitong hotdog. Pang spaghetti yan ah?" Sabi ni Roman sa akin.
"Sige sige. Nasaan si Wendy?" "May binili lang kuya. Kasama sina ate rose." Nagulat naman ako nang biglang mag ring ang phone ko.
"Kuya, ako na sasagot." Sabi ni Roman.
"Hello po. Sino po sila? Hindi. Asawa po ako ng kapatid ni kuya. Bakit po? Ano pong pangalan nyo." Dinig kong pagkausap ni Roman sa tumawag.
"Kuya. May naghahanap sayo. Eluna raw." Nagtaka naman ako sa pangalang binanggit nya. Isa lang ang kilala kong Eluna. Si ate Ev. Isa na lang sya sa mangilan-ngilang nakakausap ko mula sa blind comunity ngayon. May mga nangyari kasi noon kaya ako nag decide na lumayo sa kanila. Pero isa si ate Ev sa mga taong hanggang ngayon ay nakakausap ko pa rin. Simula kasi nang magpunta ako ng London for Miss Saigon... Naging iwas na sa akin ang mga kaibigan ko sa blind comunity. At hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang dahilan.
**
Flashback.
No one's pov

You Are Not Alone AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon