A/n
Hiii!!! Heto na ulit ako.
Uy oo nga palaaa... 1K Reads na tayoooo!!!!
Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa kahit hindi ko naman talaga pinagpaplanuhan ang mga events sa story na ito. Siguro dahil na lang sa charm ng mga kids kaya kayo nagbabasa hahahahaha. Pero seriously speaking... Maraming salamat po. Kung tutuosin ay maliit at kaunti lang ang 1K reads. Pero para sa akin na first time magsulat dito. Malaking bagay na po iyon. Lalo pa at mahal na mahal ko ang librong ito.
Anyways.... Tama na nga. Marahil ay galit na galit kayo sa akin dahil sa pagbitin ko sa chapter 18 hahahahahaha. Kaya naman ipagpatuloy na natin ang naputol na eksena.
********
Tom's pov"A ate E.v, ate Eluna. Ikaw ba yan?" "Hmmm... Oo ako to. Sandali. Aaron???" Gulat naman ang rumihistro sa akin. Magkakilala sila?
"Ate E.v!" Saway ko rito. Alam ko kasing ayaw nang marinig ni Stanley ang dati nyang pangalan.
"Dada, okay lang po." "Sandali... Stanley, kilala mo si ate E.v? Paano." Naguguluhang tanong ko.
"O opo dada. Dati po namin silang kapitbahay." Stanley answered quietly.
"Teka ah. Ibig sabihin.... Si Aaron at Stanley, iisa? Paanong nangyari yon. E ang narinig kong pangalan na binanggit sa concert mo Tom, Stanley Christ Santos. Yung doon sa Santos pwede pa, pero yung Christ? Aaron? Naguguluhan ako." "Ate." Pagputol ko sa sinasabi nya.
"Yung Stanley... First name na nya yon noon pa, tapos yung Christ naman, yon yung ipinalit sa Aaron." "Oh." Manghang tugon naman ng huli.
"Hindi ko kasi alam yung first name mo Stanly, sorry. Pero paano kang napunta rito?" Dagdag pa nya.
"Kasi po... Nagpunta po si dada noon sa ampunan kung saan ako dinala ng mga tao na tinawag nyo noon." "Sandali. Sila ate E.v ang tumawag ng DSWD?" I asked.
"Opo dada. Sila po ng kapatid nya.." "Kami yon Tom. Grabe na kasi e, hindi na namin kaya yung." Kaagad ko namang pinutol ang sasabihin pa sana ni ate E.v, tinapakan ko ng bahagya ang paa nya na kaagad naman nyang naintindihan.
"Sila po yung nagpapakain sa akin noon dada. Tapos po kapag may sakit ako, sa kanila po ako humihingi ng gamot." Stanley explained.
"Tapos ate doon po ako nakita ni dada. Kasi po si Simon yung una nyang inadopt. Tapos po nagkita kami sa mall, yon." Dugtong ni Stanley.
"Doon ikwinento sa akin ng isang staff ng adoption center yung nangyari kay Stanley. Simula noon, hindi na ako mapakali, hindi na sya nawala sa isip ko. At yon. Nag disisyon akong i-adopt na rin sya." Pagtapos ko sa kwento ni Stanley.
"Kumusta ka naman dito Aa... Stanley." Pagtatama ni ate E.v sa sarili.
"Okay lang po ate. Masaya po ako dito." Sagot ni Stanley tsaka umupo sa lap ko, I hugged him.
"Hindi ka naman pinapabayaan ni Tom?" Biro pa ni ate.
"Hindi po. Baby nga po nya ako e, lagi po akong karga." Stanley answered while giggling.
"Kagagaling nga lang nya sa lagnat ate e, napagod sa concert." I said while holding Stanley's hands.
"Oo nga. Napanood ko sa Showtime noong nakaraang araw. Kumusta na pakiramdam mo ngayon Stanley?" "Okay na po. Hindi po ako pinabayaan ni dada noong may sakit ako, inalagaan nya po ako." "Ang clingy nga nya ate e, ayaw nyang magpaiwan sa isang lugar." "Dadaaaaaaa!!!" Stanley whined. Natawa naman kami ni ate E.v dahil doon.
"Sobrang laki ng pinagbago mo Stanley. Naaalala ko noon, hindi ka pa ganyan. Sobrang tahimik mo at... Medyo tumaba ka na!" Ate E.v gushed.
"Masarap ba ang food dito?" Tanong pa nya.
"Opo!!!" Sabi ni Stanley tsaka tumayo.
"Dada, wait lang..." Habol na sigaw nya.
"Masaya ako Tom dahil ikaw pala ang nakapag-adopt kay Stanley. Simula kasi kuhanin sya ng DSWD, hindi ko maalis sa isip ko kung nasaan na kaya sya, kung ayos lang ba sya at kung ano na kayang nangyari. Pero kampante na ako kasi alam kong nandito lang sya sayo. Halatang ang saya nya rito, at parang ang aliwalas na ng mukha nya." "Oo nga ate. Hindi sya ganyan noong mga unang araw at linggo nya rito. Pero mabuti na lang at mukhang nakakalimutan na nya ang mga pinagdaanan nya noon." "Naku Tom. Halos walang araw na hindi yan binubugbog ng mga magulang nyang walang hiya. Buti nga at nakulong na ang mga hampaslupa." "Hayaan mo na yon ate. Ang Lord na ang bahala sa kanila." "Uy speaking of... Kailan ka nga pala babalik sa church?" "Baka sa January na ate, after ng new year." "Dada, nandito na ulit ako." Sabi ni Stanley.
"Saan ka galing anak?" "Kumuha po ako ng pagkain, baka po gusto kasi ni ate E.v..." "Very good naman ang Stanley ko." "Ate, Hawak ko po yung plato mo, nasa, um.... 1, 2, 3, 4. Nasa 4:00 mo po." Hindi ko naman mapigilang matawa. Ang cute!!!
"Marunong ka ng clock method?" "Opo. Nagpaturo po ako kina tita Wendy." Sagot naman ni Stanley.
"May brownies po ate tsaka cookies." Sabi nya pagkakuha ni ate E.v ng plato mula sa kanya. Bumalik naman si Stanley sa pagkakaupo sa lap ko matapos yon.
**
E.v's pov
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone Anymore
FanfictionThe story tells about a 29-year-old blind man named Tom Alfred Santos, who is a famous musician and theater actor in the Philippines and around the world. Despite his success, he feels something is missing in his life, which he believes is having a...