Tom's pov
Today is the day kung kailan magssisimula ang theater workshop namin. Kaya naman abala kaming lahat sa pag-aayos dito sa theater na ipinatayo ko. Dito namin idadaos ang workshop proper at ang recital ng mga magsisipagtapos. Hindi kasi kakayanin ng home theater namin dahil maliit lang iyon, Medyo marami rin kasi ang interested na mag-join na ikinatuwa ko naman nang sobra. Kasi alam kong marami rin ang mga visually impaired na nangangarap na pasukin ang mundo ng pag-arte sa entablado at pelikula. Kaya naman nandito kami ng pamilya at mga kaibigan ko para tulungan silang maabot ang pangarap nila.
"Direk, may mga participants na sa labas. Magpapapasok na ba kami?" Tanong ni ate Rose. Simula makarating kami sa theater kanina ay direk na ang tawag nilang lahat sa akin. Lahat sila, maging si mommy at ang mga anak ko. Sinabi ko namang huwag na nila akong tawaging direk pero sila ang may ayaw hahahahaha..
"Marami na ba sila ate?" "Apat pa lang yung nandoon." "Huwag muna. Hintayin muna natin na dumami sila, pero pagsulatin nyo na sila ng attendance, para mabilang na agad natin." "Okay direk. Sa Braille ko ba pagsusulatin? O yung mga kasama na lang nila ang magsusulat sa booklet." "Hindi wag Wendy. Sila mismo ang mag-a-attendance sa sarili nila, pero ipasulat nyo na rin yung pangalan ng mga guardian nila sa booklet ha? Para maisama natin sa food." "Okay copy." Sabi ni ate Rose tsaka tumalikod na kasama si Wendy. Sila kasi ang nakatoka sa front house.
"Direk, nandyan na yung mga pagkain tsaka yung iba pang mga pinabili mo, aayusin na lang muna namin sa backstage para hindi nakakalat dito." Tumango naman ako sa sinabi ni kuya Armand. Inutusan ko kasi sila nina Roman at tito Guils na lumabas saglit para bumili ng mga pagkain at kung ano-ano pang kakailanganin namin. Don't get me wrong ha. Inutusan ko sila nang maayos.
"Aayusin na rin ba namin yung stage direk?" "Huwag muna Roman. Kahit dito muna natin sila papwestuhin sa platform sa baba, pero i-clear nyo na rin yung stage area para kung sakaling kailangan nating gamitin maayos na." I said.
*****
"Guys company." Malakas na pagtawag ko sa mga tao. Naririnig ko kasing medyo marami-rami na ang mga participants na nasa labas kaya naman maya-maya lang ay magpapapasok na kami. Isa-isa namang naglapitan sa akin ang lahat ng tao sa loob. Nakaupo kasi ako ngayon dito sa stage.
"Dito na lang din kayo maupo." Sabi ko tsaka itinuro ang paligid ng stage. Kaagad namang tumabi sa akin sina Stanley at Simon.
"Sinara nyo ba muna yung lobby?" Tanong ko.
"Yes Direk, pero nandoon na yung mga participants. Papapasukin na lang sila sa theater after natin dito." Tumango naman ako bilang tugon.
"Okay. So this is it. Makakapagsimula na rin tayo sa wakas. Alam nyong matagal ko nang pinaplano itong ganitong activity para sa mga visually impaired na katulad ko. And now at last nandito na tayo. Alam nyo na yung mga gagawin nyo ha?" Sabay-sabay naman silang sumagot sa akin.
"Kayo rin Tanley, Simon. Kailangan ko kayo ha? Stanbye lang kayo kung anong ipapagawa ko. Kung pwede... Less muna ang laro at kakulitan okay? Focus muna tayo sa workshop ngayon." "Opo, direk." Stanley answered quietly. Hindi ko talaga mapigilang matuwa at matawa nang bahagya sa tuwing tinatawag akong direk ng mga anak ko hahahahaha.
"Ngayon ba tayo magpe-perform?" Tanong ni Lea.
"Pwede naman. Titingnan natin kung anong mangyayari. Tapos kapag pwede na nating isingitt yung performance gawin na natin. Siguro naman alam nyo na ang part nyo?" They all answered in unison.
"Good. Hindi ko na uulit-ulitin sa inyo yung mga gagawin, gusto ko tuloy-tuloy tayo. Lea, kayo nina Tala, mommy at tita Linda ang bahalang mag-assist sa mga participants okay?" "Yes direk. Saan ba natin sila ipupwesto?" "Doon sa harap hanggang sa gitna, tapos yung mga guardian tsaka parents kahit sa gilid na lang muna. Basta wala muna sanang papapwestuhin sa mezannine tsaka sa balcony ha?" "Okay. Pero pwede sa side ng orchestra?" Lea asked na sinagot ko naman sa pamamagitan ng pagtango.
"Sure. Basta huwag lang muna sa taas tsaka sa balcony." "Copy." "Direk, stay ba kami sa lobby?" Tanong ni Wendy.
"No. Kapag napapasok nyo na silang lahat pwede na rin kayong pumasok dito. Basta make sure na nakasara ang lobby ha?" "Surebells! Yakang-yaka natin to." Ate rose said na naging dahilan para mapangiti ako.
"Okay na ba? Any questions?" "Paano po direk kapag may nag-ask ng picture or anything?" Tanong ni Sarah, as in Sarah Geronimo. Isa rin kasi sya sa mga nag-volonteer na magturo at tumulong sa amin sa workshop.
"Good question. Pwede nyo namang pagbigyan as long as nag-ask nang maayos. Pero feel free na tumanggi ha? Lalo kapag nasa klase talaga." "Naku direk, mahihirapang tumanggi yan si Sarah, mabait yan e.." Sabi ni Lea na naging dahilan naman para magtawanan kaming lahat.
"Okay na? Let's pray para mapapasok na rin natin yung mga participants." I said.
*****
"Amen!!!" Magkakasabay na sabi naming lahat.
"Let's do this! Start na kayong magpapasok." Sabi ko na kaagad naman nilang sinunod.
"Dada... Direk, pwede po kaming tumulong sa kanila?" Tanong ni Stanley.
"Anak, pwede nyo pa rin naman akong tawaging dada ahahahaha. You sure can help them." I said while giving him a quick hug.
"Okay po direk, I love you." Sabi nya tsaka tumalikod, ang cute hahahaha. Maya-maya lang ay narinig ko na ang mga participants na isa-isang nagsisipasukan sa loob ng theater kasama ang kani-kanilang magulang o guardian.
"Yung mga mag-wo-workshop po... Dito natin ipwesto sa mga seats na nasa gitna hanggang sa harap." Dinig kong sabi ni Tala habang ina-assist nila ang mga parents sa pagpapaupo ng mga participants.
"Gitna lang po tsaka harap, please." Dagdag pa nya.
"Stanley paki-guide naman sila, doon mo sila ipwesto sa harap, sa may left side." Sabi naman ni mommy.
"Wala po munang mauupo sa taas or sa balcony ha? Dito lang po tayong lahat sa baba." Wendy said.
"Hala nasaan na yung cane ko?" Dinig kong tanong ng isang babae.
"Nandito sa akin. Tinago ko muna." Sagot naman ng nanay nya yata? Hindi ko rin alam hahahahaha.
"Ang ganda ng mga upuan oh? Ang lambot tsaka ang lakas maka-VIP hahahaha." "Oo nga e, malapit kasi tayo sa harap kaya ganito yung upuan natin. Mahal kaya ang ganitong seat kapag nanood ka ng musical." "Oo ah. VIP itong pwesto natin e, kaya nga ang swerte natin kasi naranasan nating makaupo rito hahahahaha." "Huy sandali. Pakakantahin ba tayo?" "Oo yata? Hindi rin ako sure e, basta ang sabi sa akin ni ms. Wendy mag-prepair daw para kapag nag-ask si direk Tom meron tayong maibibigay." "Ay si ms. Wendy nakausap mo? Si ms. Lea sa akin." Sabi naman ng isang lalaki.
"Edi ikaw na ang nakausap ni ms. Lea hahahahaha!" Sabi naman ng babaeng naghahanap ng cane kanina.
"Nandyan na kaya si direk Tom?" Tanong ulit nya, opo nandito po, hanapin nyo kung nasaan ako ahahahahahaha. Sabi ko sa loob-loob ko. Syempre hindi ko naman pwedeng sabihin yon nang malakas dahil baka magsisugod sila papunta rito hhahaha.
"Oo, nandoon sya sa stage. Nagbabasa ng papel." "Talas pa rin talaga ng mata mo besh. Basta si direk Tom talaga nakikita mo agad no." "Gaga! Sinagot ko llang yung tanong mo hahahaha." Ang kulit talaga ng mga bulag kapag magkakasama hahahahahahaha! Maging ako kasi ay hindi mapigilang matawa sa kanila.
"Huwag kayong magulo, nasa harap nyo lang yung direktor." Saway ulit noong nanay yata ng naghahanap ng cane. Hindi ko pa kasi alam ang mga pangalan nila hahahahaha, I mean... Alam ko naman, dahil nga sa registration pero hindi ko pa alam kung sino si ano sa kanila hahahahaha.
A/n
Very bulag po hahahahahaha!
**
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone Anymore
FanfictionThe story tells about a 29-year-old blind man named Tom Alfred Santos, who is a famous musician and theater actor in the Philippines and around the world. Despite his success, he feels something is missing in his life, which he believes is having a...