A/n
Hiii!!!
Ito na po ang christmas concert.
Hindi medyo. Mahaba po talaga sya hahahaahahahaha. Pero nag enjoy po akong isulat ito. Sana po ay masiyahaan din kayo sa pagbabasa.
Kung ready ka na...
Let's start.
********
Tom's pov"Stanley, Stanley gising na." I said while rubbing his back. Ngayon na ang araw ng christmas concert namin. At kailangan namin gumising ng maaga para makapag prepair, kailangan pa kasi namin mag vocalize rito sa bahay. Tapos onting practice kahit papaano. Then mamayang hapon kami pupunta sa CCP. Dito natulog sina Wendy sa bahay, para sabay-sabay na kaming pupunta roon, may mga performance kasi sila, may isang solo si Wendy, ganoon din si mommy. Meron ding duet sina Wendy at Roman, tapos performance nina Stanley, yung Christmas Wish. May iba pang artist na kasama roon sa concert, makikilala nyo sila mamaya. Hindi ko rin pala nasabi sa inyo na ipapalabas din sa GMA ang concert namin. Hindi ko nga lang sure kung buo. Sa ABS kasi, i brodcast nila ng buo yung mismong concert.
"Good morning dada." Sabi ni Stanley tsaka ako niyakap.
"Good morning anak, are you ready for the concert?" "I asked then kissed his cheek.
"Dada, kinakabahan ako." "Huwag kang kabahan Stanley, isipin mo nandito ka lang sa bahay, huwag mong isipin na maraming nanonood sayo." Sabi ko sa kanya.
"Okay dada, kaya ko to." Napangiti naman ako sa sinabi nya.
"That's my Stanley. Sige na, kain ka na ng breakfast para makaligo na tayo." "Si Simon dada?" Tanong nya.
"Nasa baba na, tapos na syang mag eat." "Sorry dada, hindi po ako nagising." "Okay lang yon Stanley, tara na." I said, tumayo naman sya mula sa pagkakaupo sa kama tsaka lumabas.
********
""Kuya, paano nga ang pasok natin sa stage? After ba ng overture pasok agad tayo?" Tanong ni Wendy habang nakaupo kami sa sofa.
"Hindi pa, after ng overture may VO, tapos doon papasok yung Noche Buena/Mano po Ninong, Mano po Ninang." Yon kasi ang unang song number sa concert. Magkakasama kami roon. Ako, si mommy, sina Wendy at Roman, sina ate Rose at kuya Armand tsaka ang mga bata.
"Okay, so habang nagsasalita si VO papasok tayo ng stage, sinong mag guide sayo kuya?" Tanong ni Roman. Na practice naman na namin ito ilang beses na, pero papalit-palit kasi ang nag guide sa akin doon. Minsan si mommy, minsan naman si Roman.
"Ako na lang po. Pwede?" Sabi ni Stanley.
"Oo naman, magkatabi naman kayo ni Tom sa stage e, kaya mo ba i guide si dada mo?" Tanong ni mommy sa kanya.
"Opo lola." "O sige, ikaw ang mag guide kay dada mo later ha? Sabay dapat kayong lalabas ng dressing room." Opo." Nakangiting sabi nya.
"Dada, how about me?" Sabi ni Simon, medyo natawa naman kami dahil doon. Ang cute kasi nya.
"I guide you two dada. Pwease?" "Sure baby, mamaya kayo ni kuya Stanley mag guide kay dada ha?" Sabi ko sa kanya.
"Otay dada!!!" Simon said happily.
********
Kinahapunan.
"Tom!!! Ang aga nyo ah? Sabagay, lagi ka namang nauuna pag mga ganito hahaahah." Salubong sa akin ni direk Vince pagkarating namin sa lobby ng CCP.
"Syempre direk, hindi tayo pwedeng ma-late hahahaha." "Ano ka ba, ako nga na-late na ng ilang beses e, pwede naman yung ganoon hahahah. Ikaw pa kaya?" Sabi ni direk na naging dahilan ng tawanan naming dalawa. Totoo yon, may mga times na nale-late rin si direk Vince, madalas dahil sa traffic.
"Hi Anni." Sabi ng huli pagkakita kina mommy, nauna na kasi akong pumasok sa lobby.
"Hello direk, wala pang tao?" "Wala pa hahaha, pero pwede na kayong pumunta sa dressing room nyo." Sabi nya, nginitian naman namin sya tsaka naglakad na papunta sa backstage. Stanley is guiding me, habang si Simon naman ay nakasunod lang sa amin.
"Kuya, saan nga ulit dressing room namin?" Tanong sa akin ni Wendy pagkarating namin sa backstage.
"Sa room 3 Wends. Katapat ng dressing room ni ate Lani." Sagot ko naman. Heto ang pagkakasunod-sunod ng mga dressing rooms. Pagkapasok mo sa backstage ay una mong makikita sa kanan ang dressing room 1, nandito sina tito Robert, kasama nya rito si tita Isay Alvarez, yung asawa nya. Katabi naman nito sa kanan ang room 2, ang dressing room ni Lea. Solo nya ang dressing room, wala syang ibang kasama maliban sa mga makeup artist at wardrobe assistant. Katabi naman ng dressing room ni Lea ay ang room 3, dressing room nina Wendy. Kasama nya rito sina Roman, Jacob at Noah. Katapat naaman noon ay ang room 4, dressing room ni ate Lani. Katabi naman nito sa kaliwa ay ang room 5, ang dressing room ni Sarah Geronimo. Isa sya sa mga guest artists. Ngayon ko lang sya makakasamang mag perform. Pero base sa mga napansin ko kay Sarah noong rehearsal, mahiyain sya. Pero napakabait at napakagalang naman na tao.
Katabi ng dressing room nya ay ang room 6, ang dressing room ni mister Ronan Ferrer. Voice professor sya sa UST Concervatory of Music, sya ang kasama namin ni tito Robert sa O Holy Night. After naman ng dressing room ni sir Ronan ay may isang pasilyo, kakanan ka roon. At pag liko mo ay makikita mo ang room 7, ang dressing room ni miss Dulce. Isa rin kasi sya sa mga close friends ko sa industriya. Katapat naman ng dressing room nya ay ang room 8, dressing room ni mommy. Katabi noon sa kanan ay ang room 9 kung saan ang dressing room nina ate Rose at kuya Armand. At nasa dulo naman ay ang room 10. Ang dressing room namin nina Simon at Stanley. Bawat dressing room ay may isang guard na nakabantay kaya naman safe talaga kami.
A/n
Hindi ko po alam kung ganyan ba talaga ang setup ng mga dressing rooms sa backstage ng CCP. Galing lang po yan sa malikot kong imahinasyon hahahaha. Kung medyo naguluhan po kayo sa setup ay basahin nyo na lang po ulit.
*****
"Haaaaaaa!!! Haaaaa!!!!" I am vocalizing inside my dressing room. Arpeggio ang ginagawa ko ngayon, nasa B na ang key ko.
"Haaaaaaa!!!!" I hit C5. Yessss!!!.
"Bbbbbbb!!!" Lip trill naman from my lowest range tapos pataas. Isa yan sa mga favorite exercise ko, actually pati sina Stanley yan din ang madalas nilang gawin. Child friendly kasi ang lip trill e, alam nyo yung ginagawa nating sound noong mga bata tayo using our lips? Yung sound na madalas na gamitin ng mga bata kapag naglalaro ng sasakyan? Ganoon.
A/n
Sana naiintindihan nyo po hahahah.
**
"Mmmmmmmmm!!!" Ito naman ang ginagawa ko para i warm up ang tenor voice ko. Alam nyo yung sound ng letter M? Ganoon sya, slide mula sa mababang pitch, tapos pataas then slide ulit pabalik sa baba. Gagamitin mo lang ang classical sound ng voice mo
"Eeeeeeemmmm Biiiii Siiii!!! Eeeeemmm biiiii siiiiiii!!!" This time, nag hit naman ako ng D5. Isa ito sa pinaka gusto kong warm up na pang extend ng vocal range. Pero isa rin ito sa pinaka mahirap gawin, lalo kapag umaga. Last warm up na lang!!!
"Miiiii meeeee maaaaa moooooo muuuuuu!!!" Hinga ng malalim, nasa G Major na kasi ang key, so kailangan ko ulit mag hit ng D5. Juskolord!!!
"Miiiiiiii meeeeeeeee Maaaaaaaa Moooooooooo Muuuuuuuu!!!" Sa wakas, tapos na akong mag warm up, Nakakahingal hahahaha.
"Da-da dada dada da-da dada dada da-da dada." Warm up naman nina Stanley at Simon. Itinuro ko yan sa kanila noon, nnagustuhan nila kaya yan na ang palagi nilang ginagamit tuwing mag vocalize sila.
"Bbbbbbbb!!!" Natutuwa ako kapag naririnig ko silang mag lip trill. Para lang kasi silang naglalaro. Ang cute.
"Dada watew, pwease?" Sabi ni Simon after nilang mag vocalize.
"Sure baby, sip lang ha?" Sabi ko sa kanya, itinuro ko kasi sa kanila noon na kapag iinom ka ng water after kumanta or mag vocalize... Wag marami, sabi ko nga. Sip lang, kumbaga para malagyan lang ng tubig yung lalamunan mo, isa pa... Para hindi mabigat sa tiyan hahahaha.
A/n
Totoo po. Isa yon sa mga dahilan kung bakit kaunti lang akong uminom ng tubig kapag nasa concert. Mabigat kasi sa tiyan kapag marami e, ang hirap huminga ng malalim ahahahaha.
**
Dada, saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Stanley, kinuha ko kasi ang cane ko tsaka tumayo mula sa upuan.
"Lalabas lang ako anak, iikot ako sa theater. Gusto nyo sumama?" Gawain ko na yon noon pa, bago mag start ang show iniikot ko talaga ang venue. Una ay para siguruhin na ayos na ang lahat. At pangalawa ay para bumati sa mga crew.
"Pwede po?" "Oo naman, tara." Sabi ko tsaka nauna nang lumabas ng dressing room.
"Dada, si tita Wendy ba yon?" Tanong ni Stanley. May naririnig kasi kaming nag vocalize.
"Oo anak, si tita Wendy yon." Arpeggio ang ginagawa nya. Ang taas na nga e, coloratura kasi si Wendy.
"Hi sir Tom." Bati sa akin ng isang lalaki.
"Hi. Ano nga ulit name mo?" "Raffy po, from lapel station." Nginitian ko naman sya.
"May mga tao na ba sa labas?" Tanong ko sa kanya.
"Sandali lang po sir ah..." Sabi nya tsaka tumalikod sandali. Sumilip siguro sya sa stage.
"Wala pa po, hindi pa po nagpapapasok." "Okay, salamat Raffy ah?" Sabi ko tsaka tumalikod na.
"Hi sir." Bati naman sa akin ng mga usher pagkalabas ko ng stage. Si Stanley ang nag guide sa akin.
"Hi. Kapagod mag ayos no?" Tanong ko na ikinatawa naman nila.
"Sakto lang naman po sir, para po sa ikagaganda ng concert hahahaha." Ganoon talaga ang ginagawa ko. Nakikipagbiruan ako sa mga crew kapag may concert o performance. Gusto ko kasing pagaanin ang feeling ng mga tao. Hindi ako nag pressure. Isa pa... Mas gaganda kasi ang kalalabasan ng concert kapag lahat ng nagtatrabaho masaya.
"O Tom, naligaw kayo hahaha." "Sir Hermi, ikaw ba yan?" "Of course, sino pa ba hahahaa." Si sir Hermi ang conducttor ng orchestra. Nakarating kasi kami sa orchestra pit.
"Hindi po, iniikot namin ng mga anak ko ang venue." "Ay oo nga pala. Nakalimutan ko hahaha." Hi Stanley, hi Simon." Bati nya sa kanila.
"Hi po." They said in unison.
"Sige na po sir. Kinumusta lang po namin kayo rito hahahaa." "Sige Tom, break a leg!!!" Sabi ni sir Hermi tsaka ako tinapik sa balikat.
"Salamat po." Sagot ko naman tsaka tumalikod na.
"Balik na tayo sa backstage." Sabi ko sa kanila.
*****
"Hi sir Tom." My name is Heart. Ako po yung makeup artist nyo." Bati nito sa amin pagkabalik namin sa dressing room.
"Hi miss Heart, kumusta naman?" "Ayos lang po sir, excited hahaaha." Natuwa naman ako sa atitude na ipinakita nya.
"Mag simula na ba tayong mag makeup?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa man sya nakakasagot ay may biglang dumating sa dressing room.
"Sir Tom, kain daw po muna kayo. Dala ko na po yung food." Magiliw na sabi ng isang babae.
"Ikaw rin Heart. Kumuha ka na ng food mo..." Dagdag pa nito.
"Sir Tom, okay lang po ba?" Tanong ni Heart sa akin.
"Oo naman, sige. Kain ka muna roon." Pagkasabi ko noon ay lumabas na sya.
"Ito po yung food nyo sir." "Ano name mo?" Tanong ko sa babae.
"Carla po. Hawak ko po yung food nyo, ilalapag ko po rito sa lamesa ha? Nandito na rin po yung pagkain nina Stanley." "Sige miss Carla, salamat, kain ka na rin." "Sige po sir, salamat po." Sabi nya tsaka lumabas na rin.
"Dada, may chicken. Tsaka... Um.... Hindi ko alam kung ano to." Sabi ni Stanley. Inamoy ko naman ang nasa loob ng box.
"Beef yata yan anak? Hindi rin ako sure hahaha. Sige na, kain na kayo."
********
"Sir Tom. Nandito na po ako. Mag start na po ba tayo?" Sabi ni Heart makaraan ang halos 30 minutes.
"Sige miss Heart, tapos naman na kaming kumain." "Okay sir." Sabi nito tsaka sinimulan na ang makeup namin.
*****
Maya-maya lang ay may narinig kaming kumakaatok sa pintuan. Tatayo na sana ako para pagbuksan ang taong nasa labas pero inunahan na ako ni Heart.
"Ako na po sir." Sabi nito tsaka itinigil muna saglit ang ginagawa nya.
"Hi po. O MY GOD!" Bulalas nya. Nagtaka naman ako, sino ba yung nasa labas at ganoon sya kung maka react?
"Hi, nandyan ba si Tom?" Hindi ko makilala ang boses.
"Opo mam, nasa loob po si sir Tom, nag makeup po." "Ganoon ba? Pwede mo bang itanong kung pwede akong pumasok? Pero huwag mong sabihin kung sino ako ha?" Hala, huwag daw sabihin kung sino sya. E naririnig ko na nga ang usapan nila e, pero iniisip ko talaga kung sino yon, hindi ko kasi maalala e.
"Sige po, itatanong ko kay sir Tom." "Sige, salamat nak." Nak? Isa lang ang taong kilala ko na gumagamit noon, bukod kay mommy syempre.
"Sir Tom may naghahanap po sa inyo sa labas. Papapasukin ko po ba?" "Sige lang miss Heart." Sabi ko, tumalikod naman ito tsaka binuksan ang pinto.
"Hiiii!!!" "Tita Ibyang???" Noon ko lang na realize. Si Sylvia Sanchez pala yung nasa labas.
"Oo ako to. Kumusta ka na?" "Okay lang po tita. Kayo po kumusta?" Sabi ko tsaka tumayo para yakapin sya. Halos itinuring ko na kasing nanay si tita Sylvia. Matagal din kaming hindi nagkita dahil naging busy sya, ganoon din naman ako. Pagkauwi ko kasi galing sa London ay inasikaso ko na agad ang adoption process ni Simon e, tapos inadopt ko rin si Stanley. Kaya yon muna ang tinutukan ko.
"Ayos naman ako nak. Sila na ba ang mga anak mo?" "Opo tita, ito po si Simon, 3 years old." Hewwo pooo!!!" Sabi ni Simon.
"Ito naman si Stanley, 8 years old." "H hi po." Nahihiyang sabi nya.
"Hello. Ako si tita Sylvia. Kakanta ba kayo mamaya?" Opooo!!! Kakanta po kami chwistmas wish." "Sabi ulit ni Simon.
"O sige na Tom, babalik na lang ulit ako mamaya. Mag ayos na kayo. Galingan nyo ha? Break a leg!!!!" Sabi ni tita Ibyang tsaka lumabas na ng dressing room.
********
"Wooowww!!! Kuya Tanley, you look good. Ikaw rin dada." Simon said. Naka long sleeve polo kami, kulay white ito. Meron ding necktie. I helped Stanley And Simon sa clothes nila of course.
"Dada. Ang galing mag makeup ni ate Heart. Pantay kasi o?" Sabi ni Stanley na ikinatawa naman namin.
"Salamat Stanley. Ang gwapo nyo nga e, siguradong marami ang matutuwa pagkakita sa inyo mamaya."
"The concert will start in 5 minutes. Please prepair." Sabi ng babae sa intercom na nasa dressing room. Lahat kami meron nito.
"Ayyyy ayan naaa!!! Galingan nyo ha?" Sabi ni Heart sa amin.
"Stanley, Simon, listen to dada. Huwag kayong kakabahan okay? Tandaan nyo yung mga sinabi ni dada, okay lang magkamali. Pero gagawin natin ang best natin para huwag tayong magkamali okay?" Tumango naman silang dalawa.
"Kung ano man ang mangyari habang nagpeperform tayo... Tuloy lang, huwag nyong isipin yung mga pwedeng mangyari mamaya. Focus lang kayo sa kung ano yung ginagawa nyo. Naiintindihan nyo ba?" "Opo dada." Very good." Sabi ko tsaka sila niyakap ng mahigpit.
"Tom, punta raw tayong lahat sa backstage. Mag pray daw." Sabi sa akin ni Lea na nasa labas ng dressing room.
"Tara na." Sabi ko. Stanley guided me hanggang makalapit kami sa kanila.
"Okay nandito na sila. Tom pwede ba ikaw mag lead ng prayer?" Sabi ni direk Vince.
"Opo direk. Let's pray..."
"Lord... Father God maraming salamat po sa isa na namang pagkakataon na ibinigay mo upang makapagtanghal kami at makapagpasaya ng mga tao. Nawa po ay bigyan nyo kami ng sapat na kalakasan upang magawa namin ang concert na ito ng maayos. Bigyan nyo po kami ng vocal strength Panginoon upang makanta namin ng maayos ang aming mga awitin. Patnubayan nyo po kami o Lord. Samahan nyo po kami ngayong gabi, nawa po ay maiparating namin sa mga taong manonood ang mensahe ng bawat kanta. Nagpapasalamat po kami dahil hindi nyo po kami pinababayaan Panginoon. Patawarin nyo po sana ang aming mga pagkakasala. Kayo lamang po ang aming papupurihan panginoon, ang inyong ngalan lamang po ang aming pararangalan. Idinadalangin po namin ang lahat ng ito. Sa ngalan ng Panginoong Hesus..."
"Aaameeen!!!" Sabi ng lahat ng taong nasa backstage.
"Okay... Mag start na. Tandaan nyo lang yung mga queue nyo ha?" Sabi ni Direk sa amin.
"Balik muna kayo sa dressing room nyo. Ayusin ang mga dapat ayusin." Kanya-kanya naman kami ng takbo. Nakahawak ako kay Stanley habang hawak nya naman si Simon sa kabilang kamay nya.
"Miss Heart, okay na ba yung damit namin? Yung makeup." Tanong ko pagkapasok namin sa dressing room.
"Okay na po sir. Huwag po kayong mag alala." Umupo muna kami saglit. Maya-maya lang ay narinig na namin ang orchestra. Tinutugtog na nila ang Overture namin. Ang Carol of the Bells.
*****
"Singers of Noche Buena/Mano po Ninong, Mano po Ninang... Please proceed to the backstage now." Sabi ulit ng babae sa intercom. Kaagad naman akong tumayo. Hinawakan nina Stanley at Simon ang magkabilang kamay ko tsaka kami mabilis na lumabas ng dressing room.
"Okay ayos ayos. Kuya Katabi mo si Stanley ha? Tapos pag palabas na tayo... Kukunin ka nya." Sabi ni Roman.
"Stanley, alam mo naman ang gagawin di ba?" Dagdag pa nya.
"Opo tito Roman." "Okay good. Ready na raw sabi ni Direk." Matapos ang overture ay narinig na namin ang malakas na sigawan at palakpakan ng mga tao. Napuno kasi namin ang Tanghalang Nicanor Abelardo o ang main theater ng CCP. Meron kaming 1815 na audience sa loob kaya naman ganoon na lang kalakas ang sigawan nila.
"Good evening and welcome. To Tom Santos Christmas special!!!" Sabi ng lalaking voice over.
"Ladies and gentlemen, please welcome... Tom Santos and Family!!!" Mas lalo namang lumakas ang sigawan ng mga tao matapos yon. Kaagad akong hinila ni Stanley. Nang makalabas na kami sa stage ay mas dumoble pa ang palakpakan.
"Pwesto." Narinig kong bulong ni mommy.
"Dada, yung mic nasa 12:00 mo." Bulong ni Stanley, medyo narinig ito sa sound cistem dahil malakas ang sagap ng mga mic na gamit namin.
"Hi." Simon said in front of the microphone. Imbes na magalit ako o ang mga kasama namin ay natuwa na lang kami. Ang cute kasi nya, nag wave sya sa mga tao. The audience cooed. Maya-maya nga lang ay tumugtog na ang Noche Buena/Mano po Ninong, Mano po Ninang.
"Kay sigla ng gabi ang lahat ay kay saya.
Nagluto ang ate ng manok na tinola."
Kanta namin nina Roman at kuya Armand.
"Sa bahay ng kuya ay merong litsunan pa."
Kanta naman nina mommy, Wendy at ate Rose.
"Ang bawat tahanan may handang iba't iba."
Pagkanta naming lahat.
"Tayo na giliw, magsalo na tayo
Meron na tayong tinapay at keso.
Di ba Noche Buena sa gabing ito
At bukas ay araw ng pasko."
Sinabayan na kami ng mga bata sa chorus. May harmony kaming lahat.
"Tayo na giliw, magsalo na tayo
Meron na tayong tinapay at keso.
Diba Noche Buena sa gabing ito
At bukas ay araw ng pasko."
After ng chorus ay doon na pumasok ang intro ng Mano po Ninong, Mano po Ninang...
"Maligaya."
Panimula ko.
"Maligayang pasko kayo'y bigyan.
"Masagana
Masaganang bagong tao'y kamtan
Ipagdiwang
Ipagdiwang, araw ng Maykapal
Upang manatili sa atin ang kapalaran
At mabuhay na lagi sa kapayapaan."
"Mano po Ninong, Mano po Ninang.
Narito kami ngayo'y humahalik sa inyong kamay."
Pagkanta nina Jacob at Noah.
"Salamat Ninong, Salamat Ninang
Sa aginaldo po ninyong ibibigay."
Gusto kong maluha matapos kong marinig ang pagkanta nina Stanley at Simon. Napakaganda. Hindi mo kababakasan ng kaba o nerbyos man lang.
"Salamat Ninong, Salamat Ninang
Sa aginaldo po ninyong ibibigaaaaaaaayyyy."
May blending ang mga boses namin sa dulo, para kaming ensemble. Aakalain mo ngang may kasama kaming choir e, pero wala. Kami lang ang kumakanta. Malakas na palakpakan naman ang inihandog sa amin ng mga tao. Nag bow kaming lahat.
Matapos yon ay tumakbo na sila pabalik sa backstage. Duet na kasi namin ni Lea ang susunod. Wala na itong VO kaya hindi ko na kailangang pumunta sa backstage. Pero bago yon ay may time pa ako para makipag interact at kausapin ang audience.
"Good evening CCP." Sabi ko sa harap ng mikropono, Nagsigawan naman ang lahat.
"Those 2 adorable boys from Noche Buena/Mano po Ninong, Mano po Ninang. Aside from Jacob and Noah... They are my children. My 2 wonderful boys. Mister Stanley Christ Santos, and mister Francis Simon Santos." Nagpalakpakan naman ang mga tao pagkasabi ko noon.
"I would like to thank and acknowledge. The Philippine Philharmonic Orchestra." Muli silang nagpalakpakan.
"And our conductor... Dr.Herminigildo Ranera. The Orchestra director Mister Eugene Delos Santos. And our concert director... Direk Vincent M. Tañada. Thank you so much po, maraming salamat." Pinahupa ko muna ang palakpakan tsaka ulit ako nagsalita.
"At dito na po nagtatapos ang ating concert... Magandang gabi po." Sabi ko na naging dahilan ng malakas na tawanan ng mga tao.
"Hindi pa po tapos." Narinig kong sigaw mula sa audience.
"Ay ganoon ba? Ah, oo nga pala hahahaha. At this time ladies and gentlemen. I would like to call on stage. My best friend. Miss Lea Salonga." Nagpalakpakan naman ang mga tao pagkalabas ni Lea sa stage.
"Good evening everybody!!!" Bati nya.
"I don't know if ito bang si Tom ay sinasabutahe ako o... Ano." Nagtawanan na naman ang audience.
"Parang ayaw ako pakantahin." "Hey, you're here na nga e, nagrereklamo ka pa? O baka gusto mo pang... Hello po sa sound man natin. Paki patay naman po noong mic ni Lea hahahaha." "HOY! That's unfair hahaahah." "No, yon yung tunay na pananabutahe. Gusto mo yan ha?" Halos hindi na mahinto ang tawanan sa loob ng main theater ng CCP. Hindi ko nga alam kung bakit kapag kasama ako ni Lea sa stage... Lumalabas ang tunay na kakulitan nya, alam nyo namang seryoso syang mag perform di ba? Nandoon pa rin naman yung professionalism pero iba talaga yung kulit nya.
"Are we gonna sing ba o ano? Hahahaha." "Wag. Concert to e, magluluto tayo." "Ooooyyy namimiss ko nang maglutooo, ang tagal na rin noong last ko e, siguro mgaaa..." "Ano ba? Yung orchestra nakatulog na hahaaha. Sige na po... We are gonna give you the best of the Pilipino Christmas songs." Nagpalakpakan naman ang mga tao. Tumugtog ang Orchestra at nagsimula na kaming kumanta.
*****
Thank you." Sabi namin ni Lea tsaka kami tumakbo papunta sa backstage.
"Break a leg miss Lani!!!" Sabi ni Lea, nakasalubong kasi namin si Ate Lani na noon ay palabas na sa stage for her song Light of a Million mornings.
"Salamat Lea." Habol na sigaw nya bago makarating sa mismong backstage.
"You're here, babalik na ako sa dressing room ko ha?" Sabi ni Lea pagkahatid nya sa akin.
"Sige Lea, Thank you." "Dadaaa!!! We miss you." Salubong agad ni Simon sa akin pagkapasok ko sa dressing room.
"O! Namiss nyo agad ako? Kanina lang magkasama tayo ah." Tumatawang sabi ko.
"Nagpasaway ba kayo kay ate Heart?" "Naku hindi po sir Tom. Nag practice nga lang po silang dalawa dito e, hindi po sila nangungulit." Sabi ni Heart.
"Mabuti naman."
"The Light of a Million Mornings filled my heart
The sound of a million angels sang my song
The warmth of a love so tender
Touched my life, and suddenly
Oooo The light of a million mornings
Haaaa the light of a million mornings, has daaaaawned!!!
The light of a million mornings...
Has dawned.... In me.
In meeeeeeeeee!!!"
dinig naming pagkanta ni ate Lani. Grabe ang linis ng atake nya sa C sharp. Nagpalakpakan naman kami sa dressing room. Kasunod nyang magpeperform sina Wendy at Roman. Duet, This child is the one ang kakantahin nila.
*****
"Tom Santos and Ronan Ferrer... Standby for Do you here what I here/When you believe." Sabi sa intercom. Kaagad naman akong tumayo.
"Dada, i guide ka namin ni Simon." Hindi pa man ako nakakasagot ay hinawakan na ni Stanley ang kamay ko. Sya nga ang nag guide sa akin papunta sa backstage.
"Dada. Nandito ka na." Sabi nya.
"Thank you Stanley, balik na kayo sa dressing room. Kasunod na yung Christmas wish, prepair na kayo." Sabi ko tsaka sya niyakap.
"Okay dada, bye po." Sagot naman nya tsaka tumalikod na.
"Ang sweet ng mga anak mo Tom." Sabi ni sir Ronan na noon ay nakatayo sa tabi ko. Kumakanta pa sina Wendy, naka standby pa lang kami sa backstage. Tatlo kasi kaming kakanta ng Do you here what I here/When you believe. Ako, si sir Ronan tsaka si Roman.
A/n
Huwag po kayong malilito hahahaa. Si ROMAN po yung asawa ni Wendy. Magkaiba po ang spelling ng name nila. R O M A N. Po yung asawa ni Wendy, tapos R O N A N Po si Ronan Ferrer. Anyways... Hi po sir Ronan hahaha.
**
"Tara na Tom." Sabi ni sir Ronan tsaka ako ginuide papunta sa stage. Madalas namin yang pagkatuwaan. Magkatunog kasi ang pangalan nina Roman at sir Ronan. Kaya madalas nalilito ang mga tao, lalo na noong rehearsal.
"Said the night wind to the little lamb
Do you see what I see?
Way up in the sky, little lamb
Do you see what I see?"
Pagkanta ni Sir Ronan.
"A star, a star, dancing in the night
With a tail as big as a kite
With a tail as big as a kite."
Kanta ko naman.
*****
Nag bow kaming tatlo pagkatapos kumanta. Kaagad naman kaming pumunta sa backstage.
"Dadaaa!!! Hi." Sabi ni Simon. Naka standby na sila. After kasi ng Do you here what I here ay may video presentation pa, tsaka papasok ang Christmas wish.
"Hi baby, galingan nyo ha? Makikinig si dada." Sabi ko tsaka sila niyakap ng mahigpit. May kanya-kanya na silang lapel.
"Tito Tom, we have microphone two." "That's nice Jacob. Sige na, punta na kayo sa Stage." Sabi ko dahil patapos na ang video. May kasama rin pala silang children's choir sa song. Nag stay muna ako sa backstage habang kumakanta sina Simon. Hindi pa naman ako magpapalit ng damit e, Angels we have heard on high ang next song, yung version ni Andrea Bocelli. Sa O holy night pa ako magpapalit.
"So just imagine peace, on Earth this Chwistmas
Fow the children and the children yet to come
Just takes one day, like Chwistmas
To make the world a bettew place fow evewyone."
Kanta ni Simon." Solo nya ang unang chorus ng song. Hindi ko mapigilan ang sarili kong pumalakpak matapos yon. Si Stanley naman ang sunod na kumanta.
"Christmas is a time to look inside
Open up our hearts.
Open up our eyes.
See that we are brothers and sisters too
It's really not that hard, for us to do."
Napakaganda ng boses ni Stanley. Mas pinaganda pa ito ng grand choir na kasabay nya. Hindi ko maiwasang mapaluha.
"Ang laki na ng pinagbago mo Stanley. Kung alam mo lang kung gaano kasaya si dada para sayo." Sabi ko sa sarili ko.
"Christmas is a time for us to give.
To share a smile and feel like a kid."
"So won't you join us set up christmas wish.
That we could all, share a christmas gift."
Isa ito sa mga parts ng song na pinakahihintay ko. Ang part nina Jacob at Noah. Maririnig mo kasi sa boses nila na naka smile silang dalawa. Ginawa pa rin nila yung hug. Wala naman talaga sa instruction yon, pero gannoon kasi talaga sina Jacob at Noah. Hindi sila nahihiyang ipakita sa mga tao ang sweetness nila bilang magkapatid.
"Make the world a better place... For everyone."
"Bravooooo!!!" Sigaw ko mula sa backstage. Nagawa nila ng maayos ang dulo ng Christmas wish, medyo mahirap kasi para sa mga bata ang blending sa part na yon e, pero nagawa nila kaya naman sobra ang saya ko.
**
Stanley's pov
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone Anymore
FanfictionThe story tells about a 29-year-old blind man named Tom Alfred Santos, who is a famous musician and theater actor in the Philippines and around the world. Despite his success, he feels something is missing in his life, which he believes is having a...