Wendy's pov
"So, mahal mo na talaga?" I asked.
"Oo Wendy, hindi pa ba obvious?" "Sandali, kailan pa ba nagsimula yan? Bakit parang wala naman kaming napapansin." Tanong naman ni mommy. Nandito kami ngayon sa room namin sa L'Fisher Hotel. Room 207 to be exact. Kasama ko rito sina mommy, ate Lea at ate Rose. Wala namang masyadong ganap, girls talk lang kumbaga. Mag-lunch na. Halos hindi na kami natulog. Nagchichismisan lang kami rito habang nag-aayos ng mga gamit. Si ate Lea ang tinatanong namin about sa lovelife nya.
"Hindi ko po alam kung paano at saan talaga nagsimula. Basta nagising na lang ako isang umaga, mahal ko na sya tita." Mahabang paliwanag ni ate Lea tsaka humigop ng kape.
"Hmmmm... Pero, matagal na?" Tanong naman ni ate Rose.
"Yes ate, kaya sorry kung halos ngayon ko lang sinabi sa inyo. I'll understand naman kung magagalit kayo sa akin, lalo na si tita." Malungkot na sabi naman ng huli tsaka naupo sa kama katabi ko.
"Gaga! Bakit naman kami magagalit sayo?" "Tita, bestfriend ko po si Tom, at alam ko pong hindi dapat..." "Hep!!! Tama na, yan ang salitang ayokong marinig mula sayo. Ang salitang hindi ka dapat mahulog at umibig sa kanya dahil sa matalik kayong magkaibigan." "Pero tita, natatakot po kasi ako sa mga pwedeng mangyari." "Lea anak, walang mangyayari kung hahayaan mo ang sarili mong lamunin at pangunahan ng takot na sinasabi mo, basta heto lang ang masasabi ko sayo. Hindi mo kailanman madidiktahan ang puso, lalo na kapag nagsimula na itong tumibok para sa isang tao. Paulit-ulit ka nitong guguluhin at bubulabugin hanggang hindi mo inaamin sa sarili mong mahal mo na nga talaga sya. Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin iyon ginagawa?" Mahinahong tanong ni mommy na sinagot naman ni ate Lea sa pamamagitan ng pag-iling.
"Nilalabanan ko po tita, kasi pakiramdam ko... Hindi kami bagay, parang hindi ako nararapat sa kanya. But kahit anong pigil ko... Nandoon pa rin sya, nandoon sa loob ng puso't damdamin ko. At parang wala syang balak na lumabas." "Hindi talaga basta-bastang maaalis yan Lea. At huwag kang matakot, dahil isa lang ang ibig sabihin nyan. Nagmamahal kang talaga." Sabi ulit ni ate Rose.
"Alam na ba ito ni ate Gay?" Tanong ulit ni mommy.
"Opo tita, kay mommy po ako laging nagkukwento tungkol dito. At alam nyo po ba? Parehong-pareho po kayo ng sinabi, kaso nga lang po... Mas excited po si mommy, kasal na po kaagad ang nasa isip nya." Natawa naman kaming lahat dahil sa sinabing iyon ni ate Lea.
"Teka, dahil nariyan na rin naman na tayo... Tanggap mo ba sina Stanley?" "Oo naman po ate Rose, simula noong dumating silang dalawa sa buhay ni Tom, sinabi ko na sa sarili ko na kung talagang mahal ko sya. Magagawa ko ring tanggapin ang dalawang bata, and I think I did. Tanggap ko silang dalawa bilang mga anak ni Tom." Napangiti naman ng malaki si mommy.
"Lea, ngayon pa lang ay masaya na ako para sa inyong dalawa ni Tom. Alam kong mahal ka rin nya." "Sinabi nya po sa inyo?" Gulat na tanong ni ate Lea.
"Hindi. Pero huwag mong kakalimutan na nanay ako ni Tom. Kilalang-kilala ko ang mga anak ko. Hindi pa man nila sinasabi sa akin ay alam ko na kaagad kung anong meron at kung ano ang nararamdaman nila." "Pero paano kung... Hindi naman po pala, paano kung wala namang feelings si Tom para sa akin at hanggang bestfriends na lang talaga ang kaya nyang ibigay." "E paano kung hindi." Natahimik naman si ate Lea dahil sa sinabi ni ate Rose.
"Sinabi na ba nya sayo na hindi ka nya mahal? Na ayaw nya sayo at hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya nyang maibigay?" Dahan-dahan namang umiling si ate Lea.
"O yon naman pala e, huwag mo munang pangunahan ang mga bagay-bagay. Oo maaaring walang pagtingin sayo si Tom, pero hindi pa naman natin alam e, hindi natin alam kung anong gagawin natin sa ngayon kasi nga wala pa..." "E ano na nga po bang gagawin natin ate." "Anong gagawin? MAGHIHINTAY." Mariing sabi ni ate Rose, may kasama pang pagkumpas ng kamay iyon. Tatawa na sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko at hinayaan na ulit syang magsalita.
"Maghihintay, huwag magbida-bida at pangunahan ang lahat. Kasi alam mo Lea. May takdang oras ang lahat ng bagay sa mundo." Napatulala naaman kaming lahat dahil sa sinabing iyon ni ate Rose.
"S-salamat po ng marami sa inyo." Sabi ni ate Lea tsaka kami isa-isang niyakap.
"Basta lea. Kung sakali mang kayo nga ni Tom ang magkakatuluyan... Alagaan mo ang anak ko ha?" Maluha-luhang sabi ni mommy.
"Titaaa, wala pa po ang kasal pero grabe na kayo kung makaiyak. Pero oo naman po, ipinapangako ko pong aalagaan at hindi ko pababayaan si Tom. Syempre ganoon din sina Stanley at Simon." Sabi ni ate Lea tsaka pinunasan ang luha ni mommy.
"Naku, ngayon pa lang excited na ako sa kasal hahhahahaha." "Ate Rose, pati ba naman ikaw?" "Pagpasensyahan mo na, ganito lang siguro talaga kami." "Wait, kumusta na kaya sina Tom sa kabila?" Biglang tanong naman ni ate Lea.
"Hmmm... Sandali, titignan ko kung naka-online ba si Kuya sa messenger. Active 5 hours ago? Tulog pa siguro sila." I said habang tinitignan isa-isa yung mga active sa messenger ko.
"Nai-imagine ko tuloy si Tom ngayon, tatay sya ng mga bata hahahahaha. Nasa kanya lahat e..." "Kaya ni Tom yan, tsaka ayaw mo ba noon Lea? May practice na si Tom para sa future nyo." Pang-aasar ni ate Rose. Namula naman ng todo si ate Lea.
"Kailangan pa ba ng practice ni Tom? Pero sabagay, puntahan mo na kasi Lea. Kunwari ka pa e, dali! Tapos tignan mo na rin kung gising na ba yung mga bata. Kain tayo sa labas." Sabi ni ate Rose habang itinutulak pa si ate Lea papunta sa pintuan.
"Sige na, sasamahan ka namin papunta roon." Sabi ni mommy tsaka sya hinila palabas ng kwarto.
*****
"O nandito na tayo, ikaw na ang kumatok Lea." Sabi ulit ni ate Rose.
"Ate, why me?" "Because I say so." Natawa naman ako dahil sa sinabi ni ate Rose. Nakahalukipkip pa kasi sya habang nagsasalita hahahahaaha.
"Dali na! Hindi mo naman sasabihing mahal mo sya e, tatanungin mo lang kung nagugutom na ba sila." Pang-uudyok pa ni mommy. Wala namang nagawa si ate Lea kundi ang kumatok.
*****
"Hala, tulog pa yata sila. Walang sumasagot e... Naku, kanina pa hindi kumakain yung mga bata." Ate Lea said worriedly.
"Hmmm... Kunwari ka pang concern sa mga bata e, si Tom lang naman talaga ang inaalala mo..." Sabi ni mommy tsaka mahinang siniko sa tagiliran ang huli.
"Syempre nag-aalala rin naman ako para kay..." Hindi na natapos ni ate Lea ang sinasabi nya dahil biglang bumukas ang pintuan ng kwarto nila kuya. Inaasahan naming sya ang lalabas pero hindi.
"Tita Lea?" Sabi ni Stanley habang nakatayo sya sa likod ng pintuan, halata ring bagong gising sya.
"Hi, Stanley. Tulog pa ba si dada mo?" Tanong naman ni ate Rose.
"Opo, tulog na tulog po si dada. Kawawa nga po sya e, sa sofa lang sya nakahiga tapos kaming lahat nasa kama. Maliit lang po yung sofa namin kaya po parang nahihirapan sya." Mahabang paliwanag ng huli.
"Ikaw pa lang ba ang gising dyan?" Tanong ko naman.
"Hmmm... Hindi ko po alam kung gising na si Noah, kasi nakikita ko po syang gumagalaw kanina e, ganoon din po si Simon." Tumango naman ako sa kanya.
"Nagugutom ka na ba Stanley?" "Opo lola, pero okay lang po yon. Kakagising ko lang naman po e, kaya ko pa." I almost cooed dahil doon, pinigilan ko lang ang sarili ko.
"Huy! Bakit ang tahimik mo riyan ate?" Bulong ko kay ate Lea. Nakatayo lang kasi sya sa gilid. Nagkukunwaring busy sa pagtingin ng phone nya pero hmmm! Alam ko namang si kuya talaga ang tinitignan nya.
"Kawawa naman si Tom doon sa sofa." Sabi nya pagkapasok namin sa loob ng kwarto.
"Hala hala hala!!! Si ate mo Lea o? In love hahahahhahaha." Pang-aasar ko sa kanya.
"Shhhhh Wendy. Nandyan si Stanley, baka marinig ka." Mariing bulong nya sa akin.
"Gusto mo bang kumain Stanley?" Tanong ni mommy.
"Um... Gusto ko po. Pero ayoko pong iwan si dada dito, baka po kasi hanapin nya ako e, baka po mapagalitan tayo." Natawa naman ako dahil sa sinabi nya.
"Ahahahahaha! Hindi yan Stanley. Ipagpapaalam ka na lang namin kay kuya, icha-chat ko sya. Sasabihin kong kasama ka naming kumain." I tryed.
"Tita Wendy. Ayaw ko po talaga. Mamaya na lang po ako kakain pagkagising ni dada, para po may kasama sya." We all smiled.
"Sige ganito na lang, bibili na lang kami ng food nating lahat. Tapos dito tayo kumain. Okay ba yon?" Stanley paused for a moment.
"Okay po." He said hesitantly.
"Lea, ikaw na lang ang bumili ng pagkain anak." Sabi naman ni mommy, alam ko na ito. May plano na naman syang asarin si ate hahahahahaha.
"Tita, bakit po ako?" "Kasi di ba, alam mo ang mga paburitong pagkain ni TOM? DI BA LEA?" Sinasabi ko na nga ba hahahaha. Tumingin naman si ate Lea sa akin.
"Wendy..." "Ikaw na ate. Para kapag..." "Sige na, ako na nga ang bibili. Huwag lang kayong maingay please please please!" Hindi naman namin mapigilan ang pagtawa.
"Oo nga po. Wag po kayong maingay kasi baka magising si dada. Kawawa naman po sya, pagod po." Napatango na lamang kaming lahat kay Stanley.
"Sige na. I'll be back in 10 minutes." Sabi ni ate Lea tsaka lumabas na ng kwarto nila kuya.
**
Lea's pov
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone Anymore
FanfictionThe story tells about a 29-year-old blind man named Tom Alfred Santos, who is a famous musician and theater actor in the Philippines and around the world. Despite his success, he feels something is missing in his life, which he believes is having a...