A/n
Hi po!!!
O my! Sobrang sorry po talaga kung ngayon lang ako ulit nag-update. Medyo naging busy po kasi ako noong April dahil nagkaroon kami ng theater show sa MET Noong April 4. Tapos naghabol din po ako ng mga requirements sa school. And lastly... Nag-join po ako sa summer workshop ng Philippine Stagers Foundation. Though hindi pa man nag-start ang workshop. Alam ko nang magiging sobrang busy na ako the next month dahil isang buwan po iyon. Kaya naman bago magsimula ang workshop ay maglalabas na ako ng kahit isang chapter man lang, or kung kaya two or more. We'll see po kung anong mangyayari.
Anyways... Siguro ay pinapatay nyo na ako sa mga utak nyo dahil sa ginawa kong pagbitin sa chapter 27 hahahahahaha. Well... Kilala nyo naman ako. Minsan lang ako mag-iwan ng cliff hanger kaya pagbigyan nyo na. Pero dahil mahal ko kayo... Mag-Flashback muna tayo. Parang gusto ko kasing ikwento yung love story nina Wendy at Roman e, simula noong mga bata pa sila.Hay. Sa susunod na nga lang, itutuloy ko na talaga yung eksena sa chapter 27 hahahahaha. Binibiro ko lang po kayo. Start na po tayo.
********
Lea's pov"Tom, mahal kita." What??? Bakit ko biglang nasabi yon? Actually... Hindi pa naman talaga dapat ngayon, pero wala na, and I mean wala na akong magagawa. I watched Tom's face intently. Waiting for his reaction pero wala, his face is emotionless. Wala kang mababakas na kahit anong ekspresyon. Blangko lang ang mukha nya habang nakatingin sa akin. Hindi rin sya nagsasalita. Heto na nga ba ang sinasabi ko. Dapat kasi hindi ko muna sinabi e, may perfect timing talaga para dito, at hindi ngayon yon.
**
Tom's pov"L-Lea, bakit?" Yon lang ang mga salitang lumabas mula sa bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa mga salitang narinig ng dalawa kong tenga mula sa kanya. Totoo ba ito? O nananaginip lang ako, kasi kung totoo ito... I would be very happy. Pero bakit nga naman ako mamahalin ni Lea? Oo mahal nya ako as a friend, pero more than that? I Don't think so. Hindi raw kasi ako kamahal-mahal ayon sa X ko. Hay! Bumalik na namang muli sa balintataw ko ang lahat ng masasakit na salitang natanggap ko mula sa babaeng yon.
**
Flashback.No one's pov
"Sabb, p-please. Ayusin natin to. Parang awa mo na, kakalimutan ko ang lahat nang narinig ko. Kakalimutan kong nagkaroon ng something sa inyo ni Joshua, basta bumalik ka lang sa akin." Sabi ni Tom habang umiiyak. Kasalukuyan silang nasa Plaza Mayor ng University of Santo Thomas. Nakaupo sya sa isang bench habang ang x girl friend naman nyang si Sabrina ay nakaupo sa tapat nya. Sa di kalayuan ay makikita sina Wendy, Roman at Lea na nakatayo habang pinapanood ang mga pangyayari. Hindi alam ni Tom na nag-stay ang tatlo roon kasama nya, maging si Sabrina ay wala ring kaalam-alam na pinapanood at naririnig din ng mga ito ang usapan nila.
"Tom, tama na pwede ba? Come to think of it. Hindi magiging kami ni Josh kung mahal pa kita. Hindi mo ba ma-gets? Alin sa mga salitang HINDI NA KITA MAHAL ANG HINDI MO MAINTINDIHAN? Ang alam ko matalino ka d ba? E bakit yung mga simpleng salita lang na yon hindi mo maintindihan." "Pero Sabb, mahal kita. Ayos lang sa akin kahit hindi mo na ako mahalin kagaya ng dati. Basta maging tayo lang ulit." Sabi ni Tom tsaka tinangkang hawakan ang kamay ng babae na kaagad naman nitong pinaalis.
"Get your hands off me. Pwede ba? Wag ka namang maging tanga. Alam ko mahal mo ako, walang duda doon. Pero kahit naman ngayon lang, wag kang maging bobo. Pwede ba yon? Kasi alam mo. Hindi naman talaga kita minahal." H-ha?" "Hindi kita sinagot noon dahil sa may feelings din ako para sayo. Sinagot lang kita dahil sa dare ng mga kaibigan ko. Pinagpupustahan ka nila. At alam mo kung ano ang deal? Kapag sinagot kita, ipapakilala nila ako kay Josh. Who unfortunately is one of your friends. Sya talaga ang gusto ko, hindi ikaw. Kasi hindi ka kamahal-mahal Tom. Tandaan mo yan, walang magmamahal sayo kasi bulag ka. BULAG KA. Pero magpasalamat ka pa rin kasi may pumatol sayo kahit plastikan lang, kasi hindi natin alam kung after ko, may susunod pang magmamahal sayo. Ay mali hihihihi. Hindi natin alam kung after ko, meron pang makikipagplastikan sayo. Kung meron pang makikipaglaro sayo ng mahal-mahalan at girl friend girl friendan. Maging kontento ka na sa nakuha mo Tom. Kasi walang magmamahal sayo nang totoo. Kasi nga, HINDI KA KAMAHAL-MAHAL. Dyan ka na nga. Kanina pa kasi nagte-text sa akin si Josh e, kakain pa kami ng lunch. Bye. O wait... Sinayang mo ang oras ko. Pero sige, for the last time gagawin ko ito." Dahan-dahang lumapit si Sabrina kay Tom na noon ay wala nang patid ang pagbuhos ng luha.
"I love you MAHAL." Sabi nito tsaka hinalikan si Tom sa labi.
"Bye bye, my dear X BOYFRIEND." Pagkasabi nya nang mga salitang iyon ay tumalikod na rin sya sa kaawa-awang si Tom habang nakangiti nang malaki. Pagkalayo ni Sabrina ay tsaka naman iniangat ni Tom ang ulo nya. Nakayuko lang kasi sya habang nakaupo sa bench. At ngayon nga ay grabe na ang iyak nya. Sumigaw si Tom nang ubod lakas. Lahat ng emosyon nya ay inilabas nya sa pamamagitan ng pagsigaw. Wala na syang pakialam kung pagtinginan sya ng mga istudyante o kahit na may makakita pa sa kanya na proff. Basta gusto lang nyang mailabas ang bigat sa kalooban nya. Fortunately for Tom, marami ang nakakita at nakarinig sa pangyayaring iyon. Sakto kasing lunchbrake na noong mag-usap sila ni Sabrina. Kaya naman hindi na nagulat ang mga istudyante at proffessor na naroon nang sumigaw sya. Matinding awa ang mababakas sa mukha ng mga nakasaksi. Sikat kasi ang relasyon nila ni Sabrina. Sa buong university ay maraming nakakaalam ng tungkol sa kanila. Marami ang boto sa kanilang dalawa kaya naman ganoon na lamang ang awa at simpatyang nararamdaman ng mga tao ngayon sa paligid para sa kanya.
*****
"Shhhh. Tom, tama na." Sabi ni Lea makalipas ang halos sampung minuto nyang pag-iyak. Tinabihan sya nito sa bench tsaka niyakap. Naupo sa kabilang gilid nya si Roman, habang si Wendy naman ay nakatayo sa harapan nila.
"Kuya Tom, okay lang yan. Di ba kapag umiiyak ako, ikkaw ang nagpapatahan sa akin? Sabi mo pa nga... Ayaw mong umiiyak ako, ganoon din ako kuya. Ayaw kong umiiyak ka. Kaya ngayon ako naman ang magpapatahan sayo." Sabi ni Roman na noon ay 12 years old pa lang, si Wendy ay 13, habang si Tom naman ay 16. Niyakap sya ng batang Roman. Noon pa man kasi ay sobrang naging attached na ito sa kanya. Mula nang dalhin sya ni Wendy sa bahay nila isang beses ay tuwang-tuwa na si Tom sa kanya. Gusto kasi nitong magkaroon ng kapatid na lalaki.
A/n
Para po mas maintindihan nyo... Si Roman po ay halos parang Stanley kung ituring ni Tom noon.
**
"Kuya Tom, ngiti ka na. Hindi bagay sayo kapag nakasimangot ka." Sabi pa ni Roman habang nakayakap sa kanya.
"Oo nga kuya. Smile ka na. Kahit na gigil na gigil na ako kay Sabrina... Sasamahan ka na lang namin ni Roman." Sabi naman ni Wendy.
"Tom. Hindi totoo lahat ng sinabi nya okay? Huwag na huwag kang maniniwala sa brat na yon. Isa't kalahating tanga sya noong pinakawalan ka nya. Kaya tama na yan. Plus I already tought that BITCH a lesson kaya nakabawi ka na sa lahat ng pang-iinsulto nya sayo kanina." Napaharap naman si Tom kay Lea matapos nyang sabihin iyon.
"H-ha? Anong ginawa mo?" "Sinampal ko." Simpleng sagot naman ng huli.
"What? Lea, hindi mo dapat ginawa yon." "Bakit naman hindi dapat kuya, ayos lang yon. Ang saya ngang panoorin ni Sabrina kanina e, gustong-gusto ko nang matawa pero pinipigilan ko lang hahahahahahahaha!" Sabi ni Wendy sabay hagalpak ng tawa.
"Wendy, hindi maganda yan." Sabi naman ni Tom sa kapatid.
"Yan ang hirap sayo e, masyado ka kasing mabait kaya hayan." Sermon ni Lea sa kanya.
"Ano, gusto mo na bang umuwi? Since naman wala na tayong klase pareho." Dagdag pa nito. Sa magkaibang university sila pumapasok. Sa UST si Tom habang sa Ateneo naman nag-aaral si Lea. Pero kahit ganoon ay palagi pa rin itong nag-e-effort na puntahan sya roon.
"S-sige, umuwi na tayo. Kayo namang dalawa, wala na rin ba kayong klase?" Baling naman nito sa dalawang bata.
"Wala na kuya, foundation day ng school ngayon, rememba? Kaya okay lang kung umuwi na rin kami ni Roman. Ayaw rin naman naming mag-stay roon kasi ang daming tao." Sagot naaman ni Wendy habang nakapamewang pa.
"Kuya Tom. Wag ka nang malungkot. Doon ako matutulog sa inyo mamaya hanggang sa susunod na linggo." Sabi ni Roman na nakayakap pa rin sa kanya hanggang ngayon.
"Talaga? Baka isang gabi lang yan." Pang-aasar ni Wendy.
"Hindiiii, isang linggo nga. Nagpaalam na ako kay mama kanina, ayaw mo pang maniwala. Dala ko na nga yung mga gamit ko o?" Sagot naman ni Roman sabay pakita ng Spiderman na backpack nya.
Gamit ko lang to lahat. Hindi na ako nagdala ng mga notebooks tsaka libro kasi nga wala rin naman tayong gagawin." Sabi nito habang isa-isang ipinapakita sa kanila ang mga dinala nya.
"O yan Tom ha? Doon daw matutulog si Roman sa inyo nang isang linggo. Siguro naman that's enough to cheer you up." Sabi ni Lea.
"Oo nga kuya Tom. Tabi ulit tayo ha? Tapos kapag hindi ka na malungkot mag-piggyback ako sayo." Sabi ni Roman sa kanya. Hilig kasi nitong sumakay sa likod ni Tom. Maliit pa rin kasi sya para sa edad nyang labing dalawa.
"Sige. Okay na ako. Tara na." "Hindi pa kuya. Hindi ka nga nakangiti o?" Sabi ni Wendy sabay turo sa mukha nyang malungkot pa rin.
"Oo nga kuya Tom. Sige ka, hindi tayo aalis dito hanggang hindi ka ngumingiti." Roman said.
"I agree with them Tom, smile ka na kasi." Sang-ayon pa ni Lea. Wala namang nagawa si Tom kundi ngumiti.
"Mas malaki pang smile kuya. Yan, kaya mo naman pala e... Sige, tara na." Sabi ni Roman tsaka sya hinawakan sa kamay.
**
End of flashback.
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone Anymore
FanfictionThe story tells about a 29-year-old blind man named Tom Alfred Santos, who is a famous musician and theater actor in the Philippines and around the world. Despite his success, he feels something is missing in his life, which he believes is having a...