A/n
Hiii!!!I'm backkkk. Kumusta na po kayo? Kung ako ang tatanungin... Heto, okay na.
Sa mga hindi po nakakita ng post ko sa facebook... Nagkasakit po ako. Three days lang naman. Medyo malungkot lang kasi kung kailan gumaling ako... Namatay naman ang aso ko 💔 kaya naniniwala akong sinave ni Max ang buhay ko 🙏
Pero sa ngayon naman po okay na ako. Kaya naman napagdisisyonan ko nang bumalik sa pagsusulat. Namimiss ko na kasi e, don't worry. Bumawi naman po ako sa mga panahong nawala ako. Medyo mahaba po ang chapter14 natin, so sana po magustuhan nyo ❤️
Kung ready ka na, let's start.
********
Stanley's povAnim na buwan na po akong nakatira sa bahay ni dada. At masasabi ko po na komportable na ako sa kanilang lahat, hindi na po ako natatakot, madalas na rin po akong naka smile. Dati po kasi hindi, alam ko naman po kasing hindi nila ako sasakktan. Napakabait nga po nila e, hindi po nila ako sinigawan kahit minsan. Nag practice na po pala kami para sa Christmas concert ni dada, kakanta raw po kami doon. Kinakabahan nga po ako e, dati po kasi napapanood ko lang yon, pero ngayon po kasama na po ako sa mga kakanta. Pero sobrang bait po ni dada, kahit po inaaral nya rin yung mga kakantahin nya. Hindi nya po kami pinababayaan, lagi po nya kaming tinutulungan kapag nahihirapan kami sa song namin.
"Very good Stanley. Careful ka lang minsan sa mga dots mo okay? Para hindi ka magkukulang o sosobra." Sabi sa akin ni lola. Nagpapaturo po kasi ako mag sulat at mag basa ng Braille. Malapit na po kasi yung birthday ni dada, tinandaan ko po talaga yon pag may mga interview sya. Gusto ko po kasing sulatan ng letter si dada sa birthday nya, mas mababasa po kasi nya kapag naka Braille ang sulat ko.
"Lola, matutuwa po kaya si dada pag nalaman nyang nag-aral akong mag Braille? Hindi po kaya sya magagalit pag nabasa nya yung sulat ko?" "Stanley bakit naman magagalit si dada mo?" "Kasi po pangit sulat ko e, baka hindi nya magustuhan." "Stanley huwag mong isipin yan, alam mo bang tuwang-tuwa si Tom noong unang beses mo syang ginuide? Noong papunta tayo sa park, naaalala mo ba yon?" Tumango ako sa tanong ni lola.
"Proud na proud sayo si Tom kasi ang galing mo nang mag guide. Ngayon pa kayang nag-aral kang mag Braille? Baka umiyak na naman yon sa sobrang tuwa." Sabi ni lola tsaka tumawa kaya natawa na rin ako.
"Huwag mong iisiping hindi magugustuhan ni Tom ang gift mo sa kanya, baka yan pa ang pinaka the best na regalong matanggap nya." "T the best na regalo? E sinulatan ko lang naman po si dada ah, paano po naging the best yon? Wala naman po akong pera para maibili sya ng mamahaling regalo." "Stanley makinig ka sa akin. Gumastos ka man ng mahal o hindi para sa isang regalo, effort pa ring matatawag yon. Tsaka hindi lang binabase sa presyo ang the best na regalo. Ang the best na regalo ay yung ibibigay sayo ng mga taong mahal mo o mahalaga sayo. Kahit anong regalo pa yan, basta galing sa puso mo... Yon na ang pinaka magandang regalo na pwede mong ibigay sa dada mo. At bilang anak nya, isa ka sa mga pinaka importanteng tao sa kanya, love mo si dada mo di ba?" Tumango ako ng maraming beses, love na love ko po kasi talaga si dada. Kaya nga po lagi akong nag I love you sa kanya e, palagi rin po akong nag hug sa kanya. Napapansin ko po kasing nag smile si dada pag niyayakap namin sya ni Simon.
"Opo lola, love na love ko po si dada." O yon naman pala e, isa pa yan sa pinaka magandang regalo na pwede mong ibigay kay dada mo, ang pagmamahal. Alam mo ba? Noong bata pa si dada mo tsaka si tita Wendy, lagi kong sinasabi sa kanila na hindi mahalaga ang matiryal na bagay. Ang mahalaga ay lagi mong kasama ang mga taong mahal mo. Kaya Stanley maniwala ka sa akin. Ito ang pinaka the best na gift na mattatanggap ni Tom ngayong birthday nya. Dahil ang pagdating nyo pa lang sa buhay nya ay isa nang napakagandang pangyayari." Sabi ni lola na nagpangiti sa akin.
*****
Simon, ano gusto mong sabihin kay dada? Magsusulat kasi ako ng letter." Tanong ko sa kanya habang naglalaro kami.
"I don' know how to wwite kuya Tanley, sowwy." "Ako magsusulat Simon, huwag kang mag alala. Matututo ka ring mag sulat, at pag marunong ka na. Tuturuan kitang mag Braille." "Kuya Tanley what that?" "Yon yung sulat ni dada, kasi hindi nya nakikita yung mga letters di ba? Kaya Braille writing ang gamit nya." Pagpapaliwanag ko.
"Ano nang gusto mong sabihin kay dada Simon? Isusulat ko na ito ngayon, malapit na kasi yung birthday ni dada. Ito na lang yung gift natin sa kanya." "Biwthday ni dadaaa???" "Yes Simon. Ano gusto mong sabihin? Bulong mo sa akin."
*****
"Yon lang." Cute na sabi ni Simon.
"Okay!!! Isusulat ko na. Simon huwag mong sasabihin kay dada na marunong na ako mag Braille ha? Huwag mo ring sasabihin na gumawa tayo ng letter, surprise natin yon kay dada." "Otay kuya Tanley, I don' tell dada." Sabi nya tsaka nag pinky promise sa akin.
"Wuv you kuya Tanley." Sabi ni Simon tsaka ako niyakap ng mahigpit.
"I love you two Simon. Dapat hanggang paglaki natin ganito pa rin tayo ha? Dapat lagi nating love ang isa't isa. Dapat din lagi tayong nag hug." "Of couwse kuya Tanley, you always my bwothew." Napangiti naman ako sa sinabi nya. Gagawin ko po talaga yung sinabi ko kay Simon. Lagi pa rin akong mag I love you sa kanya kahit malaki na kami, lagi ko pa rin po ssyang yayakapin. Nakikita po kasi namin yon kina tita Wendy tsaka kay dada e, sweet pa rin po sila kahit malalaki na sila. Kaya po dapat ganoon din kami ni Simon, hindi po dapat kami mag-aaway katulad nina Cj at Charlie. Ayaw ko po kasi ng ganoon, kaya nga po nagalit ako kay Cj noong nasuntok nya si Simon.
********
Tom's pov
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone Anymore
FanfictionThe story tells about a 29-year-old blind man named Tom Alfred Santos, who is a famous musician and theater actor in the Philippines and around the world. Despite his success, he feels something is missing in his life, which he believes is having a...