Tom's pov
"So Tom. Are you willing to accept the offer?" Napabalik ako sa riyalidad nang marinig ko ang tanong ni Ramin Karimloo. Hindi pa rin talaga ako makapagsalita, hindi ko naman kasi inaasahan ito e, hindi ko nga alam na napanood pala nya ang performance ko noon sa West End. Wala rin namang nababanggit si Cameron Mackintosh sa akin tungkol dito. So hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
"Y yes Ramin. I'm more than willing to accept the offer." Sabi ko matapos kong huminga ng malalim.
"Great! I'll update you soon okay? This is 100% true, so no need to worry. I'll call you again." Sabi ni Ramin.
"Okay Ramin. Thank you so much." Sabi ko.
"Woooo!!!! Ibang klaseeee!" Sigaw ni Roman pagkababa namin ng tawag.
"Grabe, na starstruck ako kay Ramin!!!" Wendy exclaimed.
"Totoo kaya yon?" Sabi ko makalipas ang ilang minuto.
"Oo tom. Mukha mismo ni Ramin Karimloo ang nakita ko e, imposible namang manloko yon. Tsaka yung ekspresyon ng mukha nya noong nag yes ka sa offer nila iba, ang laki ng ngiti nya." Sabi ni mommy.
"Dada, sya yung Phantom kanina di ba?" Tanong ni Stanley sa akin.
"Oo anak." "Ang gwapo pala nya kapag hindi mukhang Phantom." Sabi ulit nya na ikinatawa ko ng bahagya.
"Kuya, kapag nandoon ka na. Panood naman kami ng performance nyo ha? Kahit sa messenger lang." Sabi ni Wendy.
"Sinong nagsabing hindi ko kao dadalhin doon para manood ng live? Kung noong 2011 nga na hindi ako ang Phantom nakanood tayong lahat e, ngayon pa kaya? Jusko baka gawin ko pa kayong assistant sa back stage." "Dada, ako magbibigay ng tubig mo." Natawa naman ako sa sinabi ni Stanley.
"You flyin away dada?" Mahinang tanong ni Simon sa akin.
"Yes baby, pupunta tayo sa London, pero baka next year pa yon hahaha." Napatigil naman kami sa pag-uusap ng muling may tumawag sa skyp ko.
"Cameron Mackintosh is calling you on Skyp." Nang marinig ko iyon ay kaagad ko itong sinagot.
"Hi Tom." Bungad agad ni Cameron sa akin.
"Hi Cameron, how are you?" "I'm good. Did Ramin call you?" "Yes sir." "Great, I asked him to call you personally and tell you the news." "So, it's true?" "What, the restaging of The Phantom of the Opera at the Royal Albert Hall? Of course it's true, and It is also true that you are the chosen one to play the Phantom this time." Napangiti ako ng malaki dahil doon.
"Okay sir, when are we going to start the preparation for that big event?" "Actually... The plan is to do it by october next year, so you are gonna come over here, let's say... June or July. We're not sure yet, but I will let you know as soon as we finish the whole plan." Okay Cameron, thank you so much for the opportunity." It's not a problem my dear, talk to you again soon okay?" "Okay Cameron, bye."
********
"Ayyyy!!!! Totoo???" Sigaw ni Lea mula sa kabilang linya. Tinawagan ko na kasi sya para sabihin sa kanya ang magandang balita.
"Oo Lea, ako nga rin hindi makapaniwala noong una e, pero kakatawag lang ni Cameron Mackintosh, totoo nga raw." "Grabeee ka Tom! Uy ha? I need to watch it, kahit isang beses lang." "Jusko Lea, gusto mo isama pa kkita sa back stage e, kailangan ko kasi ng wardrobe assistant hahahaha." "Ayyy oo namaaan, bakit hindi?" "Syempre biro lang, si Lea Salonga, gagawin kong assistant sa back stage?" "Ito naman, para namang hindi tayo mag best friends. Tom seryoso, kapag kailangan mo ng tulong o assistant, sa back stage man yan, nandito lang ako ha? Kahit ano pang tulong ang kailangan mo, wala akong pakialam kahit na ako si Lea Salonga. Ang mahalaga ikaw, ikaw si Tom Santos. Ikaw ang bida riyan, hindi ako. Tom proud na proud ako sayo." Sabi ni Lea.
"Maraming salamat Lea ha? Kahit na dinaig mo pa si mommy, sya nga kalmado lang e, tapos ikaw paiyak ka na hahahaha." "Hoy ano ba, syempre masaya ako para sayo. Hindi madali maging theater actor ah? Lalo na at totally blind ka pa, sino ba namang mag-aakala na mararating mo yan di ba?" May punto sya, marami kasing nagsasabi sa akin noon na wala raw akong mararating sa teatro dahil bulag ako, mas mabbuti pa raw na sa bangketa na lang ako kumanta at mamalimos." At hindi lang isa, marami sila. Yung iba nga, kamaganak ko pa, pero hindi ko sila pinakinggan, gusto ko kasing patunayan sa kanila na kahit bulag ako, kaya ko pa ring gumalaw sa entablado.
"Sige na Tom, may gagawin pa kasi ako e, pupunta ako riyan sa weekends ha? Mag celebrate tayo." Sabi ni Lea makalipas ang ilang minutong kwentuhan.
"Sige Lea, maraming salamat ulit." Sabi ko tsaka ibinaba na ang tawag.
********
"Ligo na tayo?" Sabi ko kina Stanley at Simon.
"You're stinky na." Pang-aasar ko pa sa kanila.
"Nooo dada, hindi ako, kuya Tanley yon." "Si kuya Stanley ba Yon? Paamoy nga?" I said, sniffing his armpits, making him giggle.
"Hmmm, si kuya Stanley nga. E si Simon kaya." Sabi ko pa tsaka inamoy rin Sya, he laughed hardly.
"Dadaaa, it not meee!!! Kuya Tanley lang." Sabi nya tsaka tumayo mula sa kama.
"Baby, parehas kayo." "Dada, hindi kaya." "Yes Stanley, tignan mo." He sniffed.
"O di ba?" "Hmmm, no." He said.
"Yes." Sabi ko then tickled him.
"Dadaaaaaaa!!! Tama naaa." He squeaked.
"Okay okay, tama na. Pero ligo na tayo? Then we will sleep after." Sabi ko sa kanila.
"Otay dada, but no sleep, pwease?" Simon said.
"Baby hindi pwede, sige darating si Phantom kapag hindi ka nag sleep." Pananakkot ko pa sa kanila, baka sakaling gumana. Kina Jacob kasi effective yan.
"Ikaw si Phantom dada." Sabi ni Stanley.
"Oo nga, gusto nyo ba lumabas si Phantom? I'm here, the Phantom of the Opera." Kanta ko pa gamit ang Phantom voice ko.
"Okay lang dada, hindi mo naman kami sasaktan di ba?" Napangiti ako ng malaki dahil sa sinabi ni Stanley.
"Syempre hindi, pero mag sleep tayo after maligo, okay ba yon?" "Simon sighed dramatically, ang cute.
"Otay dada, we sleep." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nya.
********
"Dada, pwede ba kaming sumama sayo pagpunta mo sa London?" Tanong ni Stanley sa akin habang nakahiga kami.
"Oo naman anak, hindi ko kayo iiwan dito." "Pwede rin kami manood dada?" "Syempre, isasama ko kayo sa Royal Albert Hall." Napangiti naman sya nang sabihin ko iyon.
"I love you dada." Sabi nya tsaka yumakap sa akin.
"I love you sooo much Stanley, sleep ka na." Sabi ko habang hinahaplos ang buhok nya.
********
"3:31 PM." Sabi ng talking watch ko.
"Alas tres na pala? Maya-maya na ako babangon." Sabi ko tsaka kinnuha ang phone ko na nakapatong sa bedside table. Magtitingin muna ako ng social media, ang tagal ko na kasing hindi nagbubukas.
"Ramin Karimloo (@raminkarimloo)"
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone Anymore
FanfictionThe story tells about a 29-year-old blind man named Tom Alfred Santos, who is a famous musician and theater actor in the Philippines and around the world. Despite his success, he feels something is missing in his life, which he believes is having a...