Q and A

44 3 0
                                        

A/n
Bago po tayo magsimula, nais ko po munang pasalamatan ang lahat ng mga nag-send ng tanong para sa ating Q and A. Nakakatuwa pong isipin na ganoon nyo kamahal ang mga characters ng story na ito. Kaya naman ipinapangako ko pong ipagpapatuloy ko pa ang pagsusulat ng libro na ito hanggang sa makarating tayo sa dulo. Maraming salamat po ❤️
********
"First question para kay sir Tom, ano po ba ang feeling na mag alaga ng mga anak na sighted?"
"Hmmm... Okay lang, masaya. Kasi hindi naman sobrang kulit nina Stanley e, so hindi ko na masyadong problema na baka tumakbo sila or anything like that kapag nasa labas kami. In fact... Ayaw nga nilang humiwalay sa akin e, lalong-lalo na si Tanley, so okay naman. Masarap sa pakiramdam."
"Okay po, so next question sir Tom. Ano po ba ang mga pros and cons sa pag aalaga ng mga anak?"
"Hah! Una kasi... Dapat talaga may time ka. Kahit anong mangyari. Yan ang isa sa mga bagay na hindi dapat mawala sa iyo bilang isang magulang. Pero ganito na lang... Minsan mahirap talaga, hindi ko naman ikinakaila yon. Lalo na para sa akin na totally blind pa, challenging talaga ang parenting. Especially kapag nagkakasakit ang isa sa mga kids. Pero worth it naaman lahat ng pagod at hirap kapag nakikita kong masaya sila."
"Gusto mo po bang ma-experience mag alaga ng baby talaga? Since kasi si Simon 3 na nang ma-adopt mo..."
"Ahahahaha! Okay. Nagulat ako sa tanong na yon but yeah. Sige sagutin na rin natin. Siguro for now... Hindi ko pa sure. Kasi may 9 years old na ako, meron pang 4. So okay na ako roon. Plus may twins pa, nandyan din sina Cj at Charlie. Parang anak ko na rin naman na ang mga batang yon. So ngayon hindi ko pa alam kung ano ang isasagot. Kasi hellooo! Saan manggagaling yung baby? Ahahahahahaha!!!" "Hahahahahha. Isang question pa po sir Tom, kung umamin po si miss Lea sa inyo, ano sa tingin mo yung magiging reaksyon mo?"
"Woah! This is unexpected. Pero hmmm... Hindi ko rin alam. Kasi nga Lea Salonga yan. So malabong magkagusto sya sa akin kung yon man ang gusto mong iparating." "Maraming salamat po sir Tom." "No problem. Thank you."
"For Simon naman, ano wish mo para kay Dada? Same goes to Tanley rin. May mga wishes ba kayo para kay dada na gusto niyo makuha niya in the future?"
"Um... Sana po laging safe si dada. Lalo kapag hindi nya po kami kasama. Kasi po lagi ko pong pinapanood yung mga video nya noong wala pa ako dito, kasama nya po si Toffee tapos po muntik na syang mabangga ng sasakyan. Kaya po yon ang lagi kong prayer, sana laging safe si dada."
"Stanly, kumusta ka na after one year na andiyan ka kay dada mo?"
"Um, sorry po. Mali po kasi yung pangalan ko. May E po yon bago yung Y... Yon po kasi ang itinuro sa akin nina ate E.V noon. Tapos ganoon din po yung nakikita ko kapag si dada ang nagsusulat ng pangalan ko. Pero okay naman po ako dito. Masaya po ako." "Ako na po?" "Ahahahahaha! Oo Simon, pwede ka nang sumagot." "Um... Sana po makakita na si dada." "Oh. What a nice wish. Pero sure naman ako na kahit hindi na makakita si dada nyo, happy pa rin sya kasi nandyan kayo ni kuya Stanley. Hindi ba yon naman ang mahalaga?" "Opo, gusto po namin palaging masaya si dada. Kuya ano po palang pangalan mo? Tsaka kilala mo po ba si dada?" "Ako si kuya Klowie, friend ko si dada nyo." "Ah, so friend ka din po namin? Kasi po yung mga friends ni dada, friend na rin namin ni kuya Tanley." "Oo naman Simon, friend nyo rin ako. May isa pang question para sa inyo. Okay lang ba sa inyong dalawa kung magkakaroon kayo ng mommy?" "Hmmm... Hindi po namin alam." "Okay lang, thank you sa pagsagot ha?" "Welcome po."
"Next naman po kay ate Wendy, kumusta buhay-buhay ate? Parang hindi ka po mommy of two no. Sexy pa rin. Ano po tips? hehe."
"Ahahahahaha Hi. Heto okay naman. Paminsan-minsan sumasakit ang ulo dahil sa kakulitan ng twins pero yakang-yaka natin yan, nandyan naman ang tito Tom para sumalo ahahahaha, mas nakikinig kasi sina Jacob sa kanya. Pero doon sa pangalawa mong tanong... Wag ako! Lakas mong mang-uto Klowie ahahahah, ano ba gusto mo, brownies?" "Ahahahahah, hindi naman po sa akin nanggaling yan ate, may nagpapatanong po. Tagabasa lang po ako ng questions sa inyo ahahahahaha." "Ah, kung sino man yung nagpapatanong nyan... Tigil-tigilan mo nga ahahahaha." "Sige na nga ate, dito na lang tayo kay kuya Roman, hi kuya. Pogi natin ah. Bagay kayo ni ate Wendy. Para kayong ano, pinagbiyak na buko. hahaha!"
Ay buko ba? Akala ko kasi langka ahahahahahahahaha!" "Siraulo ka Roman, umayos ka nga." "Sorry. Heto na. Okay naman. Sabi nga ni Wendy... Minsan sumasakit ang ulo dahil sa kambal. Kasi naman. Minsan ayaw sumunod, lalo na si Noah. Pero kapag si kuya naman na ang nagsalita... Sunod agad, nanginginig pa ahahahahaha. Ewan ko ba. Parang meron talagang sikreto si kuya kung bakit napakalapit nya sa mga bata. Siguro sinusuhulan nya ahahahahaha.!" "Naku parehas po kami ni sir Tom. Hindi ko rin alam kung bakit ang lapit ko sa mga bata, mukha ba akong mascot? Ahahahahaha! Okay serious na. Narinig ko po kasi na childhood sweethearts kayo ni ate Wendy. Ano po advice nyo sa mga feeling child at mga feeling sweethearts?"
"Okay, seseryosohin namin ni Wendy yan. Simple lang... Huwag kayong atat. Wait lang sa tamang panahon. Kasi ganyan din kami ni Wendy noon. Alam mo na, medyo nagmamadali. Pero kahit papaano naman hindi rin. Takot kasi kami kay kuya ahahaha. Mas takot pa kami sa kanya kaysa kay mommy. Sya kasi support lang e, ipinagtutulakan pa nga kami ni Wendy. Pero si kuya Tom ang strikto noon ahahaha. Kasi jusko naman. Grade 4 pa lang yata kami noon? Or grade 3, hindi ko na maalala ahahaha. Tapos 9 years old pa lang ako. Pero sweet sya. Naaalala ko nga, lagi rin akong yakap ni kuya noon. Pinanggigigilan nya ako kasi chubby ahahahahaha. So noon pa lang, napansin ko na na mahilig talaga sya sa bata." "Oo jusko. Natatandaan ko pa nga, kapag nag-sleep over si Roman sa amin noon. Gusto nyang katabi matulog si kuya ahahahahaha. Ang clingy nya rin." "Okay po. Maraming salamat sa pagsagot." "No probs!!!"
Hi Jacob, hi Noah. May question lang ako sa inyo, okay lang ba?" "Hmmm... Sasagot din po ba si Cocob?" "Of course Noah, para sa inyo itong question na ito." "Kung mag-a-answer si Cocob, okay po. Basta wag po marami ha?" "Ahahahahaha, isa lang ito Noah. Heto na ang question para kay Jacob muna. Jacob, gaano mo ka-love si Noah?"
"Love na love ko po si Noah. Kaya nga po lagi ko syang niyayakap e, basta love ko po sya." "How about you Noah?" "I love Cocob lots and lots po." "Awww, ang sweet nyo naaman, nag-hug pa... Thank you sa pagsagot ha?" "You're welcome po."
"Kay idol Lea poooo eeee! Kinikilig po talaga ako sa magiging takbo ng kung mayroon man, eh love story niyong dalawa ni sir Tom. Isa po ako sa magiging number one supporter ng Tomlea. Bagay po kayo. Question ko, ano pong song ang gusto niyo i dedicate kay Tom at bakit? Saka kung pwede po kantahin niyo yung kahit chorus noong kanta?"
O my gosh! Tomlea? I like that ahahahaha. Sure ka? Bagay kami? Hihiiii!!! Anyway... Song... Siguro ano na lang... Someone like you from the musical Jekyll and Hyde. Yah, I'll sing the chorus for you..."
"But if someone like you, found someone like me
Then suddenly, nothing would ever be the same
My heart would take wing
And I'd feel so alive!
If someone like you, found me."
""That was Someone like you. You can see naman sa lyrics kung bakit yon ang pinili kong song. Ah... Ayoko na ahahaaha. Let's not talk about it."
"May question pa po. Miss Leah, gaano mo kahandang punan yung mga pagkukulang ng Nanay ni Stanly kung sakaling magkatuluyan kayo ni sir Tom?"
"My name doesn't have an H on it, it's just L E A, but it still happens. Anyway... I'll answer the question na lang... I think I'm 100% ready if ever. Kasi ngayon pa lang naman mahal ko na yung kids. So I think I will be a hundred% ready for that." "Okay, maraming salamat po miss Lea." "Okay."
"Kay ate Rose naman. Ano po ang feeling ng tinuturing na family ng pinagsisilbihan niyong pamilya? Same goes with kuya Armand na rin po."
"Oh. Syempre masaya. Kasi sa tinagal-tagal ko na kina Tom. Ni isang beses hindi ako nakarinig ng hindi magandang salita. Marami namang mababait na amo riyan. Pero sobrang bihira yung ituturing ka talagang pamilya." "Oo nga. Noong maging driver ako nina Tom, akala ko talaga masungit sila. Pero totally mali naman ang inaakala ko. Kasi hello! Tatagal ba kami ni Rose dito kung hindi maganda ang pakikitungo nila sa amin? Tsaka isa pa... Ang sasarap at ang daming pagkain ahahahahaha." "Ay naku Armando, umayos ka nga! Pero totoo. Ang dami at ang sasarap nga ng mga pagkain ahahahahaha. At nakakatuwa kasi free kaming kumuha roon kapag gusto namin." "Tama. Ang sabi kasi ni ate Anni. Ang prayoridad daw talaga nila ay kami, ayaw nila kaming gutumin ahahahaha." "Okay po. Nag-enjoy po akong tanungin kayo, maraming salamat po." "Walang problema."
"Para naman sa mga magulang ni Tanley. Dito talaga ako may pinakamaraming gusto itanong e... Una sa lahat, bakit po ang gago nyo? Di nga seryoso. Bakit niyo ba sinasaktan ang walang muwang niyong anak? Ano po ba mema lang yung pananakit niyo? Or may matinding dahilan kayo kung bakit niyo sinasaktan ang kawawang bata? Kung may dahilan man kayo, ano yun at bakit? Marami pong mga magulang ang naghahangad na ingatan at bigyan ng magandang buhay  mga anak nila pero kayo parang tuta lang na tinatapon at ginugutom ang anak niyo, bakit po?"
"Ang dami mong gustong malaman. E sa gusto namin e, may magagawa ka? Nasa amin ang bata, kaya wala kang pakialam sa kung anong gusto naming gawin. Tsaka huwag nga kayong magpakita ng simpatya dyan. Bakit sino ba kayo? Kilalanin nyo muna kung sino ang binabangga nyo. Meron kaming malalim na dahilan kung bakit namin yon ginagawa. At sinisigurado ko sa inyo, sa oras na malaman nyo kung anuman ang dahilan namin... Magbabago ang pananaw nyo dyan sa lintik na batang yan." "Sandali nga. Kayong mga magulang ni Stanley, sorry nakalimutan ko mga pangalan niyong mga hinayupak kayo. Hindi ba kayo nakaramdam ng kahit kaunting pagsisisi sa ginagawa niyo sa kanya?" "Nyeta! Alam mo, hindi ako naniniwala sa katagang nasa huli ang pagsisisi. Simple lang ang sagot sa tanong mo... HINDE!"
"Hmmm... Tama na nga, wala akong makukuhang matinong sagot sa mga to. Dito na lang ako kay mommy Anni. Ano po ang pakiramdam ng may anak na sikat? Ano po yung feeling na nakakasalamuha mo ang isang Tom Santos, at take note anak niyo pa?"
"Ah... Ano ba? Hindi ko rin kasi alam ahahahahaha. Normal na tao lang naman si Tom e, medyo nakakatuwa lang kasi syempre,ang daming nakakakilala sa amin ahahahahha. Tipong naggagala lang kami, tapos may biglang lalapit kaya ang saya-saya."
"Paano naman po nabulag si sir Tom?"
"ROP ang case nya. Premature baby si Tom, 6 months lang sya noong pinanganak ko." "Ay parehas po pala kami. Ako naman po 7 months lang noong ipinanganak. Any tips naman po to those moms who are trying to hone their children to become a successful person someday?"
"Yan. Ano, support nyo lang kids nyo. Lalo kung alam nyo namang makakabuti para sa kanila ang bagay na gusto nilang gawin. Huwag nyo silang i-pressure na gawin yung hindi nila gusto. Basta dyan lang kayo sa likod nila para umalalay." "Maraming salamat po mam Anni." "Maraming salamat din, you can call me tita. God bless."
"Question naman po for mommy Ligaya. Boto po ba kayo kay Tom para kay Lea?
"Ay naku oo naman!!! Wala naman akong nakikitang dahilan para umayaw. Alam mo... Mas gusto ko nga kung sila ang magkakatuluyan. Alam ko kasing hindi sasaktan ni Tom ang anak ko. Lalo naman si Lea. Jusko mahal na mahal nya kaya si Tom. Kaya nga wala pang nagiging boy friend yon e, huwag kang maingay na sinabi ko sa iyo ha?" "Ahahahahahaha. Sige po, maraming salamat mommy Ligaya." "Salamat din hijo, God bless."
"General question po kahit sino pwedeng sumagot. Or pwede rin isa isa kayong sasagot kahit sino sa inyo. Anu ano ang mga minsahe niyo sa mga masugid na mambabasa ng kwento nyo?"
"Okay. On behalf of them... Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng mga nagmamahal at sumusuporta sa amin. Maraming salamat po dahil palagi kayong nandyan. Sobrang na-a-appreciate po namin ang inyong suporta. Dahil kung wala po kayo, wala rin kami rito." "Maraming salamat po sa oras sir Tom, Stanley, Simon at sa lahat po ng sumagot. Mahal na mahal po namin kayo.
********
A/n
Yan po ang mga sinend ninyong questions for the characters. Pero nag-ipon din po ako ng other set of questions na para naman sa akin as an author. At heto po ang mga iyon.

You Are Not Alone AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon