Chapter9

88 5 0
                                    

Tom'S pov

Isang buwan na ang nakalilipas mula ng i-adopt ko si Stanley. At ang laki na ng improovment nya mula noon. Nasanay na syang tawagin akong dada, madalas na syang ngumiti at tumawa. Nawala na rin ang takot at mga nightmares nya. At higit sa lahat, comfortable na sya sa amin. Hindi na sya nahihiyang mag sabi na nagugutom sya, medyo tumaba na nga sya ngayon e, he loves cuddles, lalo with Simon. Pero madalas din syang mag lambing at magpabuhat sa akin, silang dalawa ni Simon actually. Hindi naman na mahirap kapag binubuhat ko silang dalawa, sabi ko nga, Stanley is small for his age, kaya hindi na problema ang bigat kung dalawa silang bubuhatin ko. Madalas din silang yumakap sa akin, tipong nakaupo ako sa sofa tapos bigla silang lalapit at yayakap. Simon, on the other hand is adjusting very well, gusto nyang lagi silang magkayakap ni Stanley pag natutulog sila. Napakalambing nya rito, ganoon din naman si Stanley sa kanya. Palagi silang kumakanta, at gusto rin nilang kumakain ng magkasabay, hindi sila pumapayag na kumakain ang isa at ang isa ay hindi. Napabalik naman ako sa riyalidad ng mag ring ang phone ko, kasalukuyan kaming kumakain ng almusal. Kaya naman tumayo muna ako saglit para sagutin ang tawag na iyon.
"Hello?" Bungad ko.
"Hello sir Tom, this is Jane. Natatandaan nyo pa po ba ako? Ako po yung social worker ni Stanley." Nagulat naman ako sa bigla nyang pag tawag.
"Yes miss Jane, may problema po ba?" "Hindi naman po problema sir Tom, pero..." Nag simula akong kabahan.
"Nahanap na po ang mga magulang ni Stanley." Kumabog naman ng mabilis ang dibdib ko.
"S so, i ibig bang sabihin..." "No sir Tom, di po ba tumakas sila noong tumawag ng DSWD yung mga kapitbahay nila noon? Sir Tom, nahuli na po sila ng mga pulis, ang dami pong kaso sa kanila. Bukod po sa child abuse ay mga drug addict din po sila, may mga kaso rin po ng murder na nakapatong sa kanila." Napa buntong-hininga na lamang ako sa mga narinig ko, hindi ako makapanniwala na ganoon na pala kalala ang mga magulang ni Stanley.
"Kailangan nyo pong pumunta sa police station sir Tom, don't worry, sasamahan ko po kayo, kailangan po kasing mag bigay ng statement ni Stanley." Paliwanag nya.
"P paano po ang custody ni Stanley miss Jane?" Tanong ko.
"Hindi po sya mawawala sa inyo, no worrys po." Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko, at least.
"Anong oras po kami pupunta miss Jane?" "Mga 1:00 po sir Tom." "Okay, see you."
********
"Stanley halika, may sasabihin si dada sayo." Sabi ko matapos naming kumain, kaagad naman syang sumunod sa akin.
"Anak, nahanap na nila ang mga dating magulang mo." Dahan-dahan kong sabi sa kanya, natahimik naman sya at hindi nakapagsalita.
"D dada, p please. W wag mo akong ibalik sa kanila." He said, his voice barely a whisper.
"A ayoko po d doon, kung ayaw nyo na po sa akin, sa ampunan nyo na lang po ako ibalik. Okay lang po, wag nyo lang po akong ibigay sa kanila." Nadurog naman ang puso ko sa sinabi nyang iyon.
"Stanley no, makinig ka sa akin. Hindi kita ibabalik sa ampunan, at mas lalong hindi kita ibibigay sa kanila. Nakakulong na sila anak, huwag ka nang matakot. Kailangan lang natin pumunta sa police station para mag bigay ng statement sa kanila." Mahinahong pagpapaliwanag ko.
"Promise po, hindi nyo ako palalayasin dito?" "I promise Stanley." Sabi ko tsaka nag pinky promise pa sa kanya.
"Mamaya raw tayo pupunta roon, kasama naman natin si ate Jane e, naaalala mo pa ba sya?" Tumango naman si Stanley.
"Magpapasama rin tayo kay tito Roman tsaka kay kuya Armand, okay?" "O okay po." Sabi nya while sniffling.
"Don't cry, smile ka na for dada. Please? Can I see that smile of yours?" Sabi ko, ganoon talaga ako. Kahit hindi ko nakikita ay gusto ko pa rin na ginagamit ang mga sighted terms gaya nito. I tickled his sides, turning him in to a giggling mess, grabe ang tawa nya, akala mo hindi na sya makahinga.
"D dada tama naaa!!!" Sabi nya while laughing so hard.
"Sige na nga, tama na." Hindi pa man sya nakakahuma ay biglang tumakbo si Simon palapit sa amin.
"Tickle monstew attack!!!!" Sabi nya, he tickled Stanley, hindi naman maipinta ang malaking ngiti na nammutawi sa mga labi ko. Ang sarap panoorin ng dalawa kong anak na masaya lang na naglalaro.
"S simon t tama na, suko na ako." Sabi ni Stanley habang hinihingal pa.
"Wuv you kuya Tanley, sabi naman ni Simon tsaka sya niyakap ng mahigpit. They stayed like that for nearly 10 minutes, favorite kasi nilang gawin ang cuddling, or cuggles kung tawagin ni Simon.
"Simon? May pupuntahan kami ni kuya Stanley later, okay lang ba kung maiwan ka muna rito? Hindi ka kasi namin pwedeng isama e, don't worry, papupuntahin ko sina kuya Cocob. Is that okay?" Sabi ko habang palihim na nagdarasal na sana ay pumayag sya.
"It otay dada! We pway hewe." Napangiti naman ako ng malaki dahil sa sinabi nya.
Sige, dyan lang kayo ha? Tatawagan ko lang si tito Roman."
*****
"Hello?" Sabi ni Roman mula sa kabilang linya.
"Hello Roman, busy ka ba?" "Hindi naman kuya, bakit?" "Magpapasama kasi kami ni Stanley sa inyo ni kuya Armand." "Sige ba, kailan ba kuya? Saan pupunta." Sa prisinto Roms." "Ha??? Bakit." "Nahuli na kasi ang mga magulang ni Stanley, kailangan namin pumunta roon para makapagbigay sya ng statement. E naiisip ko sanang magpasama sa inyo ni kuya Armand para mas safe, kung okay lang naman sayo at kung hindi ka bisy, pero kung hindi naman okay lang din." "Hindi kuya, sige sasama ako, ngayon ba?" "Oo roman, isama mo na rin pala si Wendy tsaka yung mga bata. Para dito muna sila maiwan, tapos mag overnight ulit kayo." "Kuya sigurado ka? Nakakahiya na kasi sayo." "Ano ka ba Roman, syempre ayos lang sa akin. Sige na, punta na kayo rito para maaga rin tayong makabalik.
********
"Kuya ingat kayo roon ha?" Sabi ni Wendy bago kami umalis.
"Oo naman Wends, kayo na munang bahala sa mga bata ha?" Gagawa raw ng cake at cookies sina mommy at ate Rose. Sige na, aalis na kami." Sabi ko tsaka lumabas na ng bahay. Ngayon ay medyo iba ang ayos namin sa sasakyan. Isang car seat lang ang nasa likuran, sa tabi ako ni Stanley umupo dahil na rin sa request nya, nasa kabilang gilid naman si Roman, at mag-isa si kuya Armand sa harapan.
*****
"Nandito na tayo." Sabi ni Roman.
"Stanley ready ka na?" Tanong ko sa kanya.
"N natatakot po ako." Mahinang sabi nya.
"It's okay to be scared. It means you're about to do something really brave." I recited, cupping Stanley's cheek in my palm.
"Kasama mo kami Stanley, huwag kang matakot." Sabi ni kuya Armand.
"Tara na?" "O okay p po." Pagkababa namin ay kaagad na sumalubong sa amin si Jane, kasama nya ang isang police officer na nagpakilala bilang si Police officer Rivas. Mukha naman syang mabait, may katangkaran ito, medyo may kaputian at matangos na ilong.
"Good afternoon po. Mister Tom Alfred Santos?" "Yes that's me." Hi po sir Tom, Sya po ba si Stanley?" Tanong nya.
"Opo." "Okay po, just follow me sir." Sabi nya tsaka nauna nnnnang magg lakad.
** Warning.
Mention of abuse, drugs and swearing. Kung hindi po komportable ay paki lagpasan na lang.

You Are Not Alone AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon