Chapter11

80 4 0
                                    

A/n
Hiii!!!
Kumusta na po kayo? Kung ako ang tatanungin... Heto, mataba pa rin hahaha.
Uy pasensya na po sa mga readers ko sa Wattpad kung inabot ng dalawang linggo bago ulit ako makapag update ha? Nag bakasyon po kasi ako hahahaha. So sorry po kung natagalan ang pagpo-post ng chapter11. Pero sa mga readers ko naman po sa facebook... Hindi nyo na kailangang maghintay hahahaha, halos araw-araw naman kasi akong nagpo-post ng mga chapters e, pero yon kasi yung mga nasulat ko na, so after kong i-post itong chapter na ito ay magsasabay na ang updates ko rito at sa Wattpad.
Anyways.... Balik na po tayo sa kasalukuyan okay? Tapos na ang flashback hahaha. Sige na, apaka haba na ng intro ko hahhaha. Are you ready? Let's start.
********
Stanley's pov
Tatlong buwan na po akong nakatira sa bahay ni Dada. Ang saya po rito, palagi po kaming naglalaro ni Simon, lagi rin po kaming kumakanta. Tsaka po tinuturuan kami ni Dada kung paano tumugtog ng piano, ang galing nga po nya e, meron syang tinutugtog sa piano na sobrang bilis, hindi ko lang po maalala kung anong title noon. Sa loob din po ng tatlong buwan ay natuto na rin po akong mag english, marunong naman po ako pero dahil lagi po silang nag e-english nahawa na rin po ako. Lagi pong dito natutulog sila tita Wendy, kaya lagi rin naming nakakalaro sina Cocob. Dito nga po sila natulog kagabi e.
"Good morning Stanley." Sabi ni dada pagkababa ko, nauna na siguro silang magising sa akin, kumakain na kasi sila.
"Kumain ka na rito, may surprise ako sayo." Sabi ni dada habang naka smile, hindi. Nakakatakot yung smile nya, ngayon ko lang po yon nakita, tsaka po parang mainit ang ulo ni dada, parang galit po sya.
"Hintayin lang natin sila, parating na yung mga yon." So, ibig sabihin. Tao?
"Dada sino po?" Tanong ko, excited na po ako.
"Si tita Lea?" "Shut up." Sigaw ni dada, nagulat naman ako, ngayon lang nya ako sinigawan. Maya-maya lang ay narinig ko na ang doorbell.
"Nandyan na sila." Sabi ni dada habang naka smile pa rin ng nakakatakot, natatakot ako sa smile na yon. Parang hindi maganda.
"Good morning Simon." Sabi ko tsaka sya niyakap.
"DON' TOUCH ME!!!" Sigaw ni Simon tsaka ako tinulak palayo.
"Simon bakit?" "DOON KA! AYAW KO SAYO!" "Simon ako to, si kuya Tanley." "NO! DOON KA!!!" Sabi nya tsaka ako ulit tinulak. Hinayaan ko na lang po sya, pero nagtataka na po ako. Bakit parang lahat sila galit sa akin? Kahit po sila ate Rose at kuya Armand ang sama ng tingin sa akin, ganoon din po si lola. May nagawa ba akong bad?
"Nandito na sila." Sabi ni dada pagkabalik nya. Tumingala naman ako para makita kung sino ba ang mga kasama nya.
"S sila p po?" Tanong ko habang nanginginig. Kasama ni dada yung dati kong mga magulang. Nakatayo sila sa tabi nya. P pero walang kasama na pulis.
"Surprise!!!" "D dada." "Huwag mo akong tawaging dada!" Sabi nya tsaka ako sinapak.
"Ow!!! Dada, bakit po?" "Sabi nang huwag mo akong tawaging dada e, ano hindi makaintindi?" "A akala ko po nakakulong sila?" Tanong ko habang umiiyak.
"Hindi ba halata? Syempre nag pyansa si Tom, sya pa mismo ang nag bayad para makalabas kami." Sabi ng nanay ko. Hindi ko maintindihan. Anong nangyari? Bakit ginawa sa akin to ni dada, akala ko ba mahal nya ako, kami ni Simon?
"Lumayas ka na rito hayop ka. Wala kang kwenta!" Sigaw ni dada sa akin.
"D dadaaa, bakit po?" "Kasi napag isip-isip kong hindi ka karapatdapat ampunin, wala kang kwenta. You are worthless!!!" Sabi ni dada tsaka ako sinipa.
"Isama nyo na yan." Sabi ni dada sa mga magulang ko.
"D dada ayoko p po." "Anong ayaw mo, sinong nag sabi sayong pwede mo akong diktahan sa mga gagawin ko?" "D d dada, a akala ko mahal mo a ako." "Naniwala ka naman leche ka! Hay nakuuuu!!! Lumayas ka na nga rito." "P paano p po si Simooon??? "Anong paano, ikaw lang ang pinapalayas ko. Hindi sya kasama." Sabi ni dada tsaka binuhat si Simon.
"YOU GO Aawon, YOU NOT MY BWOTHEW ANYMOWE." Sigaw ni Simon sa akin. Inaasahan kong papagalitan sya pero niyakap lang sya ni dada.
"Good job baby, that's my good boy." Sabi pa ni dada tsaka sya kiniss sa pisngi. Ang sakit! Ang sakit sakit, akala ko mahal nila ako, bakit nila ginagawa sa akin to?
"Huwag kang umiyak dyan. Narinig mo ba yung sinabi ng kapatid ko? LUMAYAS KA NA!" Sigaw ni tita Wendy sa akin.
"O paano ba yan Aaron, lumayas ka na raw." Sabi ng tatay ko habang nakangiti ng malaki.
"Wala kang dadalhin na kahit ano sa mga gamit mo! Punyeta ka ang dami kong nasayang na pera sayo, pati atensyon ko kay Simon nahati na simula nang i-adopt kita." Sabi ulit ni dada tsaka ako sinuntok.
"T tama na po. S sir T Tom, aalis na po ako." Sabi ko, tumigil naman sya sa pambubugbog sa akin.
"Mabuti naman. Sige na, makakaalis na kayo." Sabi nya sa mga magulang ko. Binuhat ako ng tatay ko, hindi katulad ng pagbuhat sa akin ni dada. Mahigpit, hindi ako makahinga.
"Humanda ka sa akin pagkauwi natin. Sige na Tom, salamat ulit." Sabi nya tsaka kami lumabas, iyak lang ako ng iyak.
"Tumigil ka nga! Ang sakit mo sa tenga." Sabi ng nanay ko. Wala na akong nagawa. Malayo na kami sa bahay ni dada, hindi na ako makakatakas pa.
********
Tom's pov
"T tama na po. S sir T Tom, aalis na po ako." Nagising ako sa mga sigaw ni Stanley.
"Dada? What appenin?" Nagising na rin si Simon.
"4:45 AM." Yan ang oras ng tignan ko mula sa talking watch ko. Stanley is shaking, he is turning and tossing on the bed. Nananaginip na naman sya. Pero anong napapanaginipan nya? Bakit ganoon?
"Kuya Stanley is having a bad dream baby. Pwede mo bang gisingin si tita Lea? Tapos magpasama ka sa kanya, kuha kayo ng water for kuya Stanley." "Otay dada, i go wake up tita Lea." Sabi nya tsaka mabilis na lumabas, mabuti na lang ay madali syang utusan. Dito nga pala natulog si Lea, actually noong isang araw pa sila nandito. Kaya rin sya ang pinagising ko kay Simon dahil sa alam kong morning person itong si Lea, at sya ang pinaka makakatulong sa amin ngayon.
"Stanley, Stanley gising. Stanley." Sabi ko habang marahan syang inaalog.
"Stanley, nananaginip ka.
**
Stanley's pov
"Stanley, nananaginip ka." Nang marinig ko iyon ay kaagad akong umupo pero hindi ko idinilat ang mga mata ko. Alam kong si dada yung gumising sa akin, ibig sabihin. Panaginip lang yon?
"S sir T Tom. Sorry p po. P please, huwag nyo po akong saktan. S sir Tom, t tama na p po."
**
Tom's pov
Nagulat ako sa tinawag sa akin ni Stanley. Sinubukan ko syang hawakan but he flinched.
"Anak, what's wrong? Anong nangyari." Mahinahong tanong ko sa kanya.
"D d dadaaa." He cryed loudly.
"Shhhh, baby. Dada's here." Sabi ko. Ganoon ko pinapakalma si Simon, kaya sinubukan ko kung gagana rin kay Stanley.
"Can I pick you up?" Tanong ko, gusto ko kasi kapag binuhat ko sya, okay lang sa kanya.
"O opooo." He sobbed. Kaagad ko naman syang binuhat atsaka tumayo, I bounced him on my hip, trying to calm him down.
"Shhh, dada's here baby. You're safe." I cooed while rubbing his back. I bounced him hanggang sa kumalma sya, his sobbs dyed down into quiet sniffles.
"Stanley, anong nangyari? Ano ba yung napanaginipan mo?" Tanong ko sa kanya, muli naman syang humagulgol ng iyak pagkatanong ko noon.
"B bumalik p po s sila, kinuha nila a ako." He choked out. Sakto namang pagdating nina Simon at Lea.
"Tom anong nangyayari?" Lea asked frantically.
"Bad dream Lea, naka kuha ba kayo ng tubig?" Tanong ko tsaka umupo sa kama.
"Yes dada, we got watew. Hewe kuya Tanley, can you dwink? Pwease?" Sabi ni Simon kay Stanley na noon ay nakaupo sa lap ko.
"Pwease kuya Tanley? You dwink fow Simon." Sabi pa nya, inilapit ni Simon ang baso sa bibig ni Stanley. Uminom naman sya, Simon rubbed his back comfortingly.
"It otay kuya Tanley, Simon hewe." He cooed, ganoon kasi ang ginagawa ko kapag umiiyak sya, natuwa naman ako sa ginawa nya.
"Can you tell us what happened in your dream sweetheart?" Tanong ni Lea makalipas ang ilang minuto.
"Y yung dati ko p pong mga m magulang. B bumalik p po s sila. Nag bayad daw po si d dada para makalabas sila sa k kulungan. T tapos p po galit sa akin si dada. S sabi po nya, wag ko daw sya tawaging d dada. T tapos s sabi po ni Simon, hindi nya daw po ako k kapatid, galit po kayong lahat sa a akin." Paputol-putol na sabi nya, nadurog naman ang puso ko nang ikwento nya ang panaginip nyang iyon.
"Tapos p po. Pinalayas nyo p po a ako, isinama po nila ako pero doon na po ako nagising." Dagdag pa nya.
"Stanley, that will never happen. Di ba sabi ko sayo, love na love ka ni Dada?" He nodded his head in responds.
"Hindi ko hahayaan na mangyari ang kahit isang bagay na napanaginipan mo." "Yeah kkuya Tanley, I no huwt you. You awways my bwothew." Sabi ni Simon   tsaka sya niyakap, niyakap naman sya pabalik ni Stanley.
"I love you d dada." "I love you two Stanley." Sabi ko tsaka sila hinalikan sa noo.
"Sorry po kung nagising ko kayo." Sabi nya sa amin ni Lea.
"It's not a problem Stanley. Besides, nag toothbrush na rin naman ako noong pinuntahan ako ni Simon e." Sagot naman ng huli.
"Ano kaya kung lumabas tayo? Hindi na rin naman ako inaantok e, Kain tayo." Sabi ko.
"Ayyy sigeee!!! Wait lang, magbibihis lang ako." Sabi ni Lea tsaka tumakbo palabas." Babaeng yon talaga. Napangiti naman ako dahil magkayakap sina Simon at Stanley habang nakahiga sa kama.
"Tara na, bihis na tayo." Sabi ko sa kanila. Inuna kong bihisan si Simon, he is wearing a red shorts and a green Batman shirt. Si Stanley naman ay naka blue shorts and white Superman shirt.
"Bakit ang tahimik mo Stanley?" Tanong ko matapos ko syang bihisan.
"D dada I'm scared." He said, his voice so small.
"Why are you scared baby?" "K kasi po baka mangyari yung panaginip ko." "Aww Stanley, hinding-hindi mangyayari yon okay? Hindi yon gagawin ni dada sayo." I said while brushing my thumb on his cheek.
"Nag sinungaling na ba si dada sa inyo ni Simon?" I asked.
"No dada." "O yon naman pala e, huwag ka nang matakot. Smile ka na, namimiss ko na yung Stanley ko na palangiti at makulit." "He giggled in responds.
"There, are you okay now?" "Opo dada, thank you." Sabi nya tsaka yumakap sa akin.
"Dadaaa!!! Tagal nyo daw sabi ni tita Lea, she hungwy na daw." Sabi ni Simon habang tumatakbo papasok sa kwarto.
"Shhh baby, quiet lang tayo because people are still sleeping. Maaga pa, tara na." Sabi ko tsaka sila binuhat ng magkasabay.
"Sa wakaaas!!!! After 25 years of waiting..." Lea exclaimed dramatically.
"Ang OA naman Lea, tara na nga. Nakakahiya naman sayo hahahaha." Sabi ko tsaka pumunta na sa sasakyan.
********
"Ano gusto  nyong kainin?" Tanong ko sa kanila. Nandito kami sa isang breakfast bar malapit sa amin, actually it's more of a breakfast buffet, eat all you can.
"Bahala na, eat all you can naman e, kukuha na lang ako hahaha." Sabi ni Lea.
"Kayo Stanley, anong gusto nyo?" Tanong nya sa mga bata.
"Tita Leaaaa! Can I have pancake? Pweaseee??? Dada, can I?" Sabi ni Simon, ang cute.
"You sure can baby, ikaw Stanley, anong food mo?" "Ganoon na lang din po, katulad kay Simon." "Yaaayyy!!! Pancake! Pancake! Pancake!!!" Sabi ni Simon while bouncing on his seat.
"Tom ito na yung food mo." Sabi ni Lea pagkabalik nya sa table namin.
"Nasa 6:00 mo yung sinangag, may tapa and egg sa 9:00, tapos yung bacon mo naman nasa 3:00 mo, then may sossage ka sa 4:00, tapos yung coffee mo nasa 12:00." Sabi pa nya. Ito ang isa sa mga bagay na gusto ko sa pamilya at mga kaibigan ko. Kapag kasama nila ako, talagang sinusubukan nilang maging accessible sa akin. Pero sobra akong na a-amaze kay Lea, kapag kasi nanonood kami ng mga musical sa theater at walang available na audio discription, sya mismo ang nag discribe ng mga nangyayari sa akin, hindi ko nga alam kung naiintindihan pa nya ang story e, kapag naman sinasabi ko sa kanyang huwag na nyang i discribe yung mga nasa stage para makapag focus sya... Hindi sya pumapayag. Kapag naman nanonood kami ng Netflix sa bahay, sinisigurado nila na naka onn ang audio discription. At isa pa ang clock method na yan, lagi nilang ginagamit yan sa akin, kaya nga sobra akong nagpapasalamat dahil sinusubukan talaga nilang maging accessible kapag kasama nila ako.
*****
"Tom, gusto mo chocolate cake?" Tanong ni Lea pagkabalik nya sa table namin, actually nakakailang balik na sya sa buffet table. Ang dami na nga naming nakain e, tapsilog, bacon, hotdog, pancake at marami pang iba. Pero iniiwasan ko talaga ang chocolate cake na yan kahit gustong-gusto ko, kasi alam mo naman. Bawal sa aming mga mang-aawit ang mga matatamis tulad nyan.
"Hoy MARIA LEA CARMEN IMUTAN SALONGA! Baka nakakalimutan mong SINGER KA! SINGER TAYO! At bawal sa atin ang mga makasalanang pagkain kagaya nyan." Sabi ko sa kanya.
"Grabe naman tom, kailangan talaga buong pangalan ko ang gamitin? Hayaan mo na, wala pa namang concert o performance e, tsaka hmmm... Wag ka ngang mag panggap, alam kong gusto mo rin ng cake." Nang-aasar na sabi pa nya.
"Haaaayyy!!! Kahit kailan ka talaga, napaka pasaway mo, pero... Sige na nga, penge ako hahaha." "Kita mo na? Gusto mo rin e, sige. Wait lang ha? Ikukuha kita." Sabi nya tsaka muling tumayo para kumuha ng masarap, ngunit makasalanang chocolate cake.
********
"Grabe ang busog ko!!!" Sabi ni Lea pagkalabas namin sa breakfast buffet na iyon.
"Me twooo!!! Busog din Simon, and kuya Tanley two." "Did you enjoy the food baby?" Tanong ko sa kanya.
"Yes dada! Sawap yung cake." "Ikaw Stanley, nabusog ka ba?" "Opo dada, thank you." He answered quietly.
"Grabe! 6:30 na pala? Halos dalawang oras din tayo sa breakfast bar na yon." Sabi ni Lea pagkasakay namin sa sasakyan.
"E sa takaw mo ba naman e, aabutin talaga tayo ng dalawang oras doon hahahaha." Sabi ko matapos kong ilagay si Stanley sa car seat nya.
"Sobra ka ha? Sumakay ka na nga at nang makauwi na tayo.
********
"Tito Tooooom!!!! Saan kayo galing? Bakit di nyo kami sinama?" Salubong agad ni Jacob sa akin pagkapasok ko ng bahay.
"Sowwy kuya Cocob, we eat bweakfast, with dada and tita Lea and kuya Tanley." Tuloy-tuloy na sabi ni Simon.
"Saan kayo kumain kuya?" Tanong ni Roman.
"Dyan sa breakfast bar na malapit sa atin." "Ah, yung bagong bukas? Masarap ba ang food?" Si Wendy.
"Sa tingin mo ba magtatagal kami roon kung hindi masarap ang pagkain? Nakailang balik nga si Lea sa buffet table e, so ibig sabihin masarap hahahaha." "Bakit nga pala ang aga nyong gumising?" Tanong ni Mommy, ibinulong ko naman sa kanya ang dahilan.
"Simon play muna kayo ni kuya Stanley roon, isama nyo sina kuya Cocob and kuya Noah okay ba yon?" Sabi ko para mas maikwento ko sa kanila ang panaginip ni Stanley.
"Otay dada, can we go to music woom? We pway music, dada pwease?" Mahilig kasi silang tumugtog ng mga instruments, yon na nga ang nagiging bonding nila.
"Okay baby, be careful ha?" "Otay dadaaa!!!" Sabi nya tsaka hinila sina Jacob at Noah.
"Kuya Tanley lezgooo!!!" Wala na itong nagawa kundi magpatianod sa kanya.
*****
"Hala, seryoso ba?" Wendy exclaimed.
"Oo, nagulat nga rin ako noong ikwinento nya sa amin ni Lea e, pero alam ko naman sa sarili kong hindi ko gagawin yon. Jusko mahal na mahal ko ang mga batang yan, and I would do anything to protect them." Sabi ko.
"Alam naman namin yon kuya, yon pala yung naririnig kong umiiyak kanina, nagising ako ng mga 4:30 e, pero tinamad akong bumangon hahahaha." Si Roman.
"Oo nga e, kaya nga si Lea kaagad ang pinagising ko kay Simon kasi alam kong morning person sya." "Speaking of morning person... Kailan ka nga pala babalik sa teatro Tom?" Tanong ni mommy.
"Siguro after two or three months? Wala pa namang show e, pero may concert ako sa december. Christmas concert with the Philippine Philharmonic Orchestra." "Ayyy pwede ba kaming mag perform dyan? Solo concert mo ba kuya?" Tuwang-tuwang tanong ni Wendy.
"Oo Wends, pero may ibang guest ako na artist, sige ba. Mag arrange na kayo ng song na ipeperform nyo." "Magpeperform din ba sina Simon kuya?" "Oo sana, kaya lang wala pa akong naiisip na song para sa mga bata e." "Kuya christmas wish, yung sa One Voice Children's choir?" "Suggestion ni Roman.
"Pwede, sige sige. Isasama ko na sila. Hindi pa sure ang venue e, pero baka sa CCP ulit. Sabihan nyo na lang ako kapag may naisip na kayong song ha? Para mailagay ko na."
********
"Halina kayo rito, luto na ang lunch." Sabi ni mommy.
"Lolaaa!!! Ano po ulam?" Sabi ni Noah habang tumatakbo.
"Beefsteak Noah." Yon o? Favorite ni kuya yan. Ano, pustahan kung makakailang sandok sya ng kanin?" Paghahamon ni Wendy.
"Ah!!! Sige, pusta ko... Anim." Sabi agad ni Lea.
"Ang taas naman agad, sige, walo sa akin hahaha." Pati si mommy, nakisali na rin? Juskolord!!!
"Wala. Sa akin sampu hahahaha." Si kuya Armand.
"12 sa amin ni Roman." "Wends, masyadong mababa, delikado tayo hahaha. Gawin mong 14." Sabat ni Roman.
"Sige sige, 14 daw hahahaha." Sabi ni Wendy.
Okay ganito." Panimula ko, wala na e, heto na yon.
"Kung sino ang mananalo... Manlilibre ng pizza mamayang hapon." "O di ba? Hindi pa nga nakakakain may plano na kaagad sya hahahaha. Pero sige Tom, gusto ko yan." Si ate Rose.
"Sige go ako dyan." Sabi ni Lea.
"Go rin kami. Ano, kainan na." Sagot naman ni Wendy.
********
"Nanalo si kuya Armand!!!" Sigaw ni Lea, napatili naman si ate Rose dahil doon.
"Yeeeessss!!! Makakapag pizza na rin ako, noong isang araw ko pa sinasabi kay Armando na bumili na e, ayaw hahahahaha. At least ngayon wala na syang takas." Sabi pa nya tsaka inilabas ang dila, inaasar si kuya Armand.
*****
Ganoon nga ang nangyari noong miryenda. Bumili si Kuya Armand ng limang box ng Pizza Hut.
"O baka pati yan pagpustahan nyo pa kung ilan ang makakain ko ah?" Inunahan ko na silang lahat.
"Hindi na Tom, kasi parang alam naman na namin kung ilan ang makakain mo hahahaha." Biro ni ate Rose.
"Oo nga ate, noong manila production nga ng Miss Saigon... Sya halos ang nakakaubos ng pizza sa dressing room hahahahaha." Segunda ni Lea.
"Grabe to. Kumain ka na nga lang dyan."
********
"Stanley, sleep ka na. Gabi na o?" Sabi ko sa kanya dahil halos isang oras na syang nakahiga pero hindi pa rin sya natutulog.
"I'm scared dada, baka po mapanaginipan ko na naman sila." "Aww listen to me Stanley, hindi mo na ulit mapapanaginipan yon, at kung maulit man ang nightmare na yon... Lagi mong tatandaan na nandito si dada, okay? Babantayan kita." "O okay dada. Good night po." "Good night my love, gusto mo ba kantahan ka ni dada para mas makatulog ka?" "Opo dada, please?" Sabi nya tsaka inihiga ang ulo nya sa braso ko.
"Okay Stanley, dada will sing a song for you. Close your eyes, sleep ka na.

"It will all be alright
There’s a way through this night
Stay strong
On this long road
We bury our pain
There’s a word we will say
To help get through each day
We will bear any nightmare
With a simple refrain."
Mahinang pagkanta ko habang hinahaplos ang buhok nya.

"Gaman, Gaman
Sturdy and sure, keep faith and endure
Gaman, Gaman
Hold your head high, carry on, Gaman."
Hindi ko pa man natatapos ang kanta ay nakatulog na rin sya.
"Good night Stanly." Sabi ko matapos ko syang halikan sa noo. Niyakap ko silang dalawa ni Simon atsaka pumikit. Hinayaan ko na ang sarili kong lamunin ng antok.

********
A/n
Hi ulit hahahaha.
Sa mga napeke/naloko ng panaginip ni Stanley... Sorry na pooo😂
Sa tingin nyo ba gagawin ni Tom yon sa kanya? Love na love nga nya ang dalawang baby nya e.
Anyways... Sana po nagustuhan nyo ang chapter na ito.
As usual. Vote, Comment and share.
Maraming salamat po ❤
Klo.

You Are Not Alone AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon