A/n
Hiiii!!!! Hahahahaha.
Oh, gusto mo yung umpisang-umpisa pa lang nitong chapter ay napaka-energetic ko na? E kasi naman hahahahaha. Meron na akong bagong keyboard na gagamitin pagsulat 😂 medyo pasuko na kasi yung una kong ginagamit hahahaha. Kaya medyo tinamad akong magsulat dahil doon, so ngayon na may bago na akong keyboard ay BAKA sipagin na ako. Note, baka hahahahaha. Hindi, susubukan ko na po talagang mag-update regularly, kasi alam ko namang na-miss nyo ako kahit hindi nyo sabihin hahahaha.
Hala, ang haba na ng A/n 😂 Sige na, start na tayo.
********
Tom's pov"Dada, saan po tayo pupunta?" Tanong ni Simon sa akin isang umaga.
"Baby, naaalala mo pa ba sina ate Arlene?" I asked habang nilalagyan sya ng cologne.
"Ate Arlene? Yung nandoon sa, ummm.... Adoption?" "Yes my love, bibisita tayo sa kanila." I said with a smile.
"Hmmm... Bakit tayo pupunta doon dada?" Simon asked cutely.
"Wala lang anak, kukumustahin lang natin sila." "Ah, but you won't leave us there right?" "Ha? Of course not baby. Love kayo ni dada e, bakit ko naman kayo iiwan doon?" Hindi sya sumagot, nanatili lamang syang nakatingin sa akin. Oo, kahit na hindi ako nakakakita ay alam ko pa rin kung nakatingin sa akin ang taong kaharap ko o hindi.
"You promise dada?" I hummed in responds.
"Pinky promise ka muna. Yan, I love you dada. Love ka ni Simon." He said then kissed my cheek.
"Love na love ka rin ni dada baby. Let's go na?" "Yes dada, Lezgoooo!!!" He said.
*****
"Posporo ka ba?
E di posporo rin ako, para match
Kasi naman kasi...
Mahal kita, haaaa.
Bagay tayong dalawa
Papicture nga, haaaa.
Para mapadevelop kita
Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop...
Bagay tayo, bagay talaga, haaaaa
Pustiso ka nga, kasi...
I really really can't smile... With out youuuu."
Pagkanta ni mommy dito sa loob ng sasakyan. Papunta na kami ngayon sa adoption center, alam nyo bang simula noong maging kami ni Lea two weeks ago ay palagi na nilang kinakanta yang song na yan ni Nicole Hyala? Ganito kasi yan... Biglang nakita ni mommy yung tatlong album ng Tambalan na ibinigay nila mismo sa akin dati noong mag-guest ako sa program nila. Di yon, itong Wendy pinatugtog sa sterio ng bahay hahahaha. At hindi pa nakontento, ini-add din nya sa library ng Spotify ko yung tatlong album na yon. Doon nagsimula yang pagka-lss nila dyan sa Mahal kita kasi. Actually maraming song ang ginagamit nilang pang-asar sa akin, kabilang na doon yung Jowadik at Sana ikaw na nga hahahahahahah! Minsan hindi rin maganda yung meron kang sobrang supportive na family pagdating sa love life e, kasi kahit anong gawin mo... Aasarin at aasarin ka nila hahahahaha. Gayon man... Ipinagpapasalamat ko pa rin iyon kasi kung wala sila, malamang ay hindi ko rin naman magagawang umamin kay Lea. Speaking of... Mai-message nga sya, update ko lang...
"Hi Lea.
Papunta na kami sa adoption center... Love you."
Yan ang chat na sinend ko sa kanya on Facebook. Halos wala pang isang minuto ay narinig ko na syang nag-ta-type.
Lea Salonga said
"Okay my love, take care ha? Love you two. See you when ever you wanted to see me 😘
Hug the kids for me."
Napangiti na lamang ako sa message nya.
"Huy! Bakit may naririnig akong Lea Salonga dyan?" Tanong ni mommy.
"Nagtataka ka pa ba ate Anni? Malamang magkausap sila hahahahahaha!" Sabi naman ni ate Rose.
"Sobra ka naman. Para mo namang sinabing ang tanga ko ha? Hahahahahaha loka-loka." "Hoay wala akong sinasabi, ikaw naman masyado kang diffensive hahahaha. Ay sya nga ate, alam mo ba? Ay wag na hahahahaha, baka kasi maano e, sa susunod na lang..." Sabi ni ate Rose.
"Hoy! Parang alam ko ah, yon ay kung parehas man tayo ng sinasabi." Mommy replied.
"Tignan mo daw to te, nang magkaalaman na." Sabi ni ate Rose tsaka iniabot ang phone nya sa huli.
"Ay oo nga, ang tanga oh? Ang kapal ng mukha. Oo, oo, yan nga." Mommy said. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil doon."Ano ba yan? Yan ba yung si... Ano?" Tanong naman ni kuya Armand.
"Oo na oo na. Mamaya ka na maglabas ng keme mo, mag-drive ka muna at baka mapano tyo hahahahaha." Sagot naman ni ate Rose. Ano ba yung pinag-uusapan nang mga to at nagkakaintindihan sila?
"Matindi yang si Armando hahahahahahaha! Kanina para nang bubuga ng apoy e, galit na galit ang kuya mo Tom." Dagdag pa nya.
"Ano ba kasi yon? Hindi ko mmaintindihan." "Basta, sasabihin namin sayo mamaya." Si mommy.
*****
"Dyan kami galing Charlie." Sabi ni Stanley after a few minutes. Nandito na kami, nagpa-park na lang si kuya Armand.
"Simon, naaalala mo pa ba to?" Tanong pa nya.
"Di na kuya Tanley, onti na lang yung alam ko." "Dada! Parang si... Ano nga pong pangalan noon, yung isa pang ate.... Hindi ko po maalala e, pero sya po yung nagluluto dito. Nandoon po sya dada sa malapit, nakatayo." Stanley said.
"Magsibaba na kayo. Mag-e-sm ako mag-isa hahahahaha." Sabi ni kuya Armand, pero nauna naman na syang bumaba sa amin hahahahaha.
"Tanley, wait nyo ako dyan." I said tsaka bumaba na rin mula sa front seat.
"Come on." I said then unbuckled them from their booster seat.
"Grabe dada! Ang tagal ko na po pala kayong kasama?" Stanley said pagkababa nya sa sasakyan.
"Buti na lang po, inadopt nyo rin ako. Thank you dada, I love yu." Stanley said then hugged me tightly, kinarga ko naman sya. Si Simon ay pumunta na kina Noah, magkahiwalay kasi ang sasakyan namin nina Wendy since hindi kami kasya sa kotse ko.
"You don't have to thank me anak. Kasi wala namang pinagsisisihan si dada sa pag-adopt ko sa inyo." I said then kissed his cheek.
"Sir Tom? Kayo po ba yan?" Dinig kong sabi ng isang medyo may katandaan nang babae habang papalapit sa amin. Hindi ko kilala ang boses nya kaya naman hindi ko rin alam kung sino sya.
"Yes po, ako ito." "Sya po yung sinasabi ko kanina dada." Stanley whispered.
"Si Stanley na po ba itong batang ito?" Tanong muli ng babae nang tuluyan na syang makalapit sa kinatatayuan namin.
"Opo, sya na po si Stanley." "Ay kalaki na palang bata ano. Stanley, naaalala mo pa ba ako? Si ate Helen mo ito." "Ah, opo. Sorry po ate Helen, nakalimutan ko po kasi yung pangalan nyo kanina pero opo, naaalala ko po kayo." Stanley said while smiling.
"Ayos lang, nasaan pala si Simon?" "Nandyan po... Simon, come here anakk." Pagtawag ko. Kaagad naaman syang tumakbo palapit sa amin.
"Bakit po dada?" Anak, naaalala mo pa ba si ate Helen?" I asked.
"Onti lang po." "Sya yung nagluluto ng pagkain natin dati Simon." "Ah, um... Yung turon kuya Tanley?" "Oo, naaalala mo ba yon?" "Opo!!!" Simon answered happily.
"Hello Simon. Si ate Helen mo ito. Kumusta ka na?" "I'm okay po, happy si Simon. You po, kumusta? Happy ka po ba?" "Aba oo naman, binisita nyo kami e, masaya ang ate Helen." "Magandang tanghali po." Bati ni Wendy.
"Ay magandang tanghali naman hija, kapatid ka ni Tom, tama ba?" "Opo, ako nga ho." "Tita Wendy, sya po si ate Helen, yung nagluluto po ng pagkain namin dati." Stanley explained.
"Hello po, ako po si Anizza, lola ng mga bata, pero Anni na lang po ang itawag nyo sa akin." "Magandang tanghali Anni, hindi ka mukhang lola ha?" Natawa naman kami dahil sa sinabi ni ate Helen.
"Ay seryoso ako. Maganda ka, anong sikreto mo?" "Wala naman ho, palagi lang akong masaya at nakangiti kaya ganoon." "Ay naku, tama. Dapat laging ganyan." Pabulong na sabi ni ate Helen na noon ay nakatayo na sa tabi ni mommy, parang matagal na silang magkakilala hahahahaha.
"Ay, oo nga pala. Kumain na ba kayo? Tamang-tama kakatapos ko lang magluto, pasok na kayo. Nasa loob yung mga bata kasama sina Arlene." "Ay may dala ho kaming pagkain para sa inyo." Sabi ni ate Rose.
"Oo nga po, pagpasensyahan nyo na lang kung ito lang ang nailuto namin ha?" Sabi naman ni mommy habang ttumutulong kina kuya Armand na magbuhat ng mga pagkain.
"Naku ayos lang, dapat nga hindi na kayo nag-abala pa e, nakakahiya naman tuloy." "Okay lang po, ate Helen. Ipapatikim po namin sa inyo yung pagkain namin ni Simon. Masarap po yon, parang luto nyo rin, kaya nga po kami tumaba e.." Sabi ni Stanley na hanggang ngayon ay karga-karga ko pa rin.
"Ganoon? Naku excited na kaming tikman yan Stanley. Tara na, pasok na tayo roon." Sabi ni ate Helen tsaka nauna nnang naglakad. Ibinaba ko naman si Stanley tsaka sumunod na sa kanila.
*****
"Arlene, may mga bisita tayo." Sabi ni ate Helen pagkapasok namin sa loob.
"Ay opo ate, may appointment tayo before lunch di ba?" "Hindi. Halika kasi rito para makita mo kung sino. Hala dali, parine parine." Narinig ko naman syang naglalakad palapit sa amin.
"Sir Tom! Kumusta po?" She exclaimed.
"Hi miss Arlene. We're fine, kayo kumusta?" "Okay naman po ser, buti napadalaw ho kayo." "Yes, may nag-request kasi na bisitahin kayo e, anak. Come here." Pagtawag ko kay Stanley.
"Stanley! Kumusta ka? Grabe, ang laki mo na." Arlene said in surprise.
"Okay lang po ate Arlene. Sana po naaalala nyo pa kami." Stanley replied.
"Oo naman. Hindi namin kayo makakalimutan. Napanood nga namin yung christmas concert nyo e, ang galing-galing mong kumanta." He smiled.
"Ate, nandito rin po si Simon." "Talaga?" "Yes po, Simon? Anak halika." Kaagad naman syang lumapit.
"Do you remember her my love?" I asked.
"Opo dada, si ate Arlene." Napapalakpak naman ang huli matapos yon.
"Wow!!! Kilala pa nya ako. Kumusta ka na my dear?" "Okay lang po." Simon said shyly. I chuckled.
"Don't be shy anak, it's okay." I said while rubbing Simon's back.
"Hala, nahihiya sya." Sabi ni Wendy na noon ay nakatayo sa may left side namin.
"Sir, tuloy po kayo, nasa loob po yung mga bata. Magla-lunch na po kasi sila e, Stanley naaalala mo ba? Di ba dati kapag ganitong oras naghahanda na tayo ng pagkain." "Opo, di ba po minsan sumasama ako sayo kapag nagpupunta ka sa palengke ate Arlene?" "Oo, tapos bibili tayo ng panggawa ng turon, favorite mo yon di ba?" Stanley nodded hhis head, Arlene walked ahead of us.
"Dada, tara na po." Stanley said then guided me.
*****
Muli, katulad nang una kong punta rito ay ingay ng mga batang naglalaro ang sumalubong sa amin.
"Dada, si kuya Robin po o?" Stanley said. Naaalala ko itong batang ito, isa sya sa mga nang-aaway kina Simon noon, kumusta na kaya sya ngayon? Sana ay nagbago na sya nang tuluyan. Kasi noong sinundo ko si Stanley rito last year ay nag-sorry sya sa akin tsaka kay Simon e, so mukha namang mabait na sya.
"Stanley! Kumusta? Kilala mo pa ba ako?" Tanong nito pagkakita sa amin.
"Okay lang, kasama ko si dada tsaka si Simon, kilala mo pa ba si Simon?" "Oo naman. Palagi naming pinapanood yung mga videos ni sir Tom kasama kayo e, lagi rin naming tinitignan yung mga picture nyo." Robin said.
"Ang galing mong kumanta. Tsaka napanood din namin yung video ng birthhday mo, ang ganda aah?" Dagdag pa nito.
"Oo, masaya yon. Si dada ang nag-ayos noon e, sorry ha? Hindi na namin kayo na-invite." Stanley said while chuckling.
"Ayos lang yon. Ay oo nga pala, ako na yung natutulog doon sa dati mong kwarto." Sabi nii Robin.
"Talaga? Ikaw lang din ba doon mag-isa?" "Hindi, may kasama ako." "Ah, kasi dati ako lang doon e, pero ngayon palagi ko nang katabi mmatulog si dada." Stanley said then hugged me. Natutuwa ako kasi hindi sya nahihiyang ipakita ang pagka-clingy nya sa akin, sana ay hindi sya magbago.
"Gusto mo ba, ipakita ko sayo yung dati mong kwarto?" "Sige, pero... Magpapaalamm muna ako, dada pwede po ba?" Tanong nya habang nakayakap pa rin sa akin.
"Sure my love. Ingat kayo ha?" I said then smiled at Robin.
"Opo sir Tom." "Call me kuya Tom Robin, nagmumukha kasi akong teacher kapag tinatawag nyo akong sir." Natawa naman sila ni Stanley dahil sa sinabi ko.
"Dada, sama ka na lang po." "Oo nga po sir... Kuya Tom." "Hmmm... Baka kasi hindi pwede e, baka mapagalitan tayo." "Hindi po, magpapaalam ako kay ate Arlene ha? Dyan lang po kayo." Sabi ni Robin tsaka tumalikod na.
*****
"Okay lang daw po kuya Tom, tara na po." "Sige, sandali lang... Simon, halika anak." Pagtawag ko..
"Dada why po?" "Baby gusto mo ba sumama sa amin ni kuya Stanley? Titignan nya yung dati nyang kwarto." I said while crouching in front of him.
"Um... Sige dada, sama Simon." He answered cutely.
"Simon, naaalala mo pa ba si kuya Robin?" Tanong ni Stanley.
"Opo kuya Tanley, pero onti lang..." "Hi, Simon. Kumusta?" "I'm good po." Simon answered politely.
"Tara na po."
*****
"Wow, ganito pa rin yung hitsura ng kwarto." Stanley exclaimed pagkapasok namin sa isang pintuan.
"Dada, dito po ako natutulog dati." Dagdag pa nya.
"Kuya Tanley, naaalam ko to, di ba dati, lagi ka mag-isa dito?" Simon asked.
"Oo Simon, nandito yung kama ko dati, tapos yung bag ko nandyan lang.." "Dalawa na kami ngayon dito, kasama ko yung isang kaibigan ko. Pero nandoon sya sa labas e, mamaya Stanley ipapakilala ko sayo." Sabi ni Robbin tsaka lumabas na sa pinto. Maliit lang ang kwartong iyon. Sa sahig lang nakalatag ang dalawang kutson at may isa ring maliit na aparador.
"Tara po dada, labas na tayo."
*****
"Tom, halina kayo, kain na daw tayo." Sabi ni ate Rose pagkalabas namin sa kwarto ni Robin. Kaagad naman kaming sumunod sa kanya.
"Sir Tom maupo na po kayo." Sabi ni ate Helen.
"Sige po, nasaan na po yung mga bata?" Tanong ko dahil napansin kong kami-kami lang nina mommy ang nasa dining area.
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone Anymore
FanfictionThe story tells about a 29-year-old blind man named Tom Alfred Santos, who is a famous musician and theater actor in the Philippines and around the world. Despite his success, he feels something is missing in his life, which he believes is having a...