Chapter16

263 4 0
                                    

Tom's pov

"8:14 AM."
Yan ang sabi ng talking watch ko. Puyat man dahil sa concert kagabi, kailangan ko pa ring gumising ng maaga. Nakatanggap kasi ako ng tawag mula sa ABS-CBN, tinatanong kung pwede raw ba akong mag guest sa It's Showtime mamaya kasama ang ilan sa mga artistang kasali rin sa concert. Gustuhin ko mang tumanggi dahil pagod pa ako, tinanggap ko na rin dahil sayang naman kung hindi. At dahil nga roon ay heto, ngarag ako ngayong umaga.
"Tom, tara na?" Sabi ni kuya Armand pagkababa ko sa sala. Ang naabutan ko lang doon ay sina mommy, ate Rose at Wendy. Tulog pa kasi ang mga bata, si Roman naman... Nag exercise, routine nya na kasi talaga yon tuwing umaga.
"Sige sandali lang kuya." Sagot ko naman tsaka muling umakyat sa taas para magpaalam kina Stanley. Gusto ng ABS na isama ko sila pero hindi na ako pumayag. Sinabi ko na hindi ko sila maisasama dahil sa napagod sila kagabi, totoo naman yon. I kissed Stanley and Simon on the forehead pero may napansin ako. Mainit si Stanley... Pero hinayaan ko muna, hindi kaagad ako nag-isip ng kung ano-ano. Ganoon din kasi ako minsan, alam mo yung para kang lalagnatin pero hindi naman? At isa pa... Nakakumot silang dalawa ni Simon, kaya inisip kong dahil lang doon kaya medyo mainit ang katawan nya.
********
Pagkarating namin sa ABS-CBN ay kaagad kaming sinalubong ng mga staff.
"Sir Tom, dito po ang dressing room nyo." Sabi ng isang babae na mukhang nasa 30s na. Sinundan naman namin sya ng lakad. Naka sighted guide ako kay kuya Armand, hindi ko kasi sinasama si Toffee kapag may mga ganito akong lakad. O kung isasama ko man sya ay bihira lang. Nang makarating kami sa dressing room ay kaagad ko nang inayos ang sarili ko. Nag bihis na ako at nag vocalize. Alam ko kasing pakakantahin kami roon mamaya. Jusko sa loob ng 20 years ko sa industriya ay kabisado ko na ang mga ganyan. Papupuntahin ka sa mga TV/radio stations pagkatapos na pagkatapos ng concert mo, tapos kahit alam naman nilang napagod ang lalamunan mo ay pakakantahin ka pa rin nila. At minsan nga ay may mga challenge pang kasama.
"Hi Tom, hindi mo sinama sina Stanley?" Tanong sa akin ni tito Robert.
"Hindi po tito. Sobrang pagod po kasi nila kagabi e, nakatulog na nga po si Stanley habang nasa dressing room kami." "Ay oo. Nakita nga namin yung picture nyo, yung karga mo sya? Ang daming nagpo-post sa Twitter hahahaha. Pero ang cute noon." Sabi naman ni tita Isay.
*****
No one's pov

"Dada?" Sabi ni Stanley. Ngayon lang sya nagising, 10:45 na. Hindi naman talaga ganito ka late ang oras ng gising nya, maaga nga syang nagigising e, pero napagod talaga sya sa concert. Umupo sya mula sa pagkakahiga sa kama, noon nya lang napansin na wala nang tao sa kwarto. Siguro ay bumaba na silang lahat. Tatayo na sana sya mula sa kama nang maramdaman nya na parang may mali. Parang hindi tama.
**
Stanley's pov

Kinapa ko ang noo ko. At doon ko nga po nalamang nilalagnat ako. Ang sakit po ng ulo ko, ang init din po ng katawan ko. Tapos pawis na pawis din po ako. Alam ko po ito e, may sakit ka po pag ganito. Nagsimula po akong kabahan. Noon po kasi, sa dati kong bahay. Pag may sakit ako... Imbes na alagaan po ay binubugbog pa po nila ako. Hindi po nila ako hinahayaang lumapit sa kanila kasi raw po baka mahawa ko sila ng sakit ko. Lagi po nila akong sinisipa pag ganoon. Tapos hindi rin po nila ako pinagpapahinga, pinaghuhugas pa po nila ako ng plato pero hindi po nila ako pinapakain. Hindi rin po nila ako pinapainom ng gamot. Kaya po kapag may sakit ako ay hinihintay ko munang makaalis sila, tapos tsaka po ako lalabas ng bahay para humingi ng gamot at pagkain sa mga kapitbahay namin. Mababait po kasi sila sa akin, sila nga po ang tumawag ng mga tao para makaalis ako doon. Pero iniisip ko po... Paano kung ganoon din ang gawin nila sa akin dito? Paano kung bugbugin din nila ako. Paano kung...
**
No one's pov

Tears streamed down from Stanley's eyes. Natatakot sya, iniisip naman nyang hindi nila iyon gagawin sa kanya. Nag promice si dada sa kanya di ba? Pero kinakabahan pa rin sya. At dahil sa sama ng pakiramdam ay hindi nya na napigilan ang sarili. Nasuka sya sa sahig ng kwarto nila.
**
Stanley's pov

Halaaa!!! Paano na ito? Nasukahan ko ang kwarto namin. Lagot ako kay dada, iyak lang po ako nang iyak. P pati po yung Superman ko na damit nasukahan ko rin. Bigay po sa akin ni dada ito e, ito rin po yung favorite ko na damit. T tapos ngayon... Wala na, nadumihan ko na. Magagalit sa akin si dada.
"D dada. Dada sorry po. Hindi ko po sinasadya." Pwede ba yon? Patatawarin kaya ako ni dada pag yon ang sinabi ko? Hindi kaya nya ako bubugbugin? Kakargahin nya kaya ako at yayakapin? Pero wala na po akong oras para mag isip kung ano ang gagawin. Kasi bigla na pong bumukas ang pinto.
**
Wendy's pov

You Are Not Alone AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon