Chapter6

59 5 0
                                    

Tom's pov
Hindi ako makapaniwala, si Aaron ba talaga ito? Pero anong nangyari? I mean hindi ko naman sya sobrang kilala, pero base kasi sa mga kwento ni Simon ay lagi raw syang inaaway nito e, at noong una kong punta sa adoption center, matapang talaga ang batang ito pero bakit ngayon parang iba ang nakikita ko?
"Miss Arlene baka gusto nyong sumama sa amin mag lunch? Kung wala naman kayong gagawin at kung okay lang sa inyo." "Oo naman po sir, sige po."
********
"Dada?" Mahinang tawag ni Simon sa akin.
"Yes baby." "Aawon good, hindi na sya bad." Sabi nya.
"Hindi na baby, and call him kuya Stanley okay? Wag na Aaron." Otay dada." "W wag, wag mo akong kakagatin." Narinig naming sabi ni Stanley.
"Hindi ka nya kakagatin, bait yan." Sabi ni Simon dahil nilapitan ni Toffee si Stanley, inamoy lang naman sya nito ngunit dahil siguro sa laki ni Toffee ay kinabahan sya.
"Hindi ka kakagatin ni Toffee Stanley, don't worry."
********
"Kuya Tanley o." Sabi ni Simon tsaka sya binigyan ng kinakain nyang nuggets.
"H hindi na Simon, busog pa ako. Kainin mo na lang yan." Nahihiyang sagot nya.
"Stanley it's okay, kumain ka lang, nagpabili ako ng food mo." "S salamat po sir Tom." "Call me kuya Tom Stanley, wag sir." Sabi ko while chuckling.
"Kuya Cocob you wan' t'icken nuggets?" "Sabi ni Simon tsaka ibinigay ang nuggets kay Jacob.
"You give kuya Noah two." "Thank you, Simon." Magkasabay na sabi nina Jacob at Noah.
"Very good Simon ah." Noon ko lang napansin na kararating lang pala nina mommy. May binili kasi sila nina ate Rose kaya sila umalis kanina.
"Sino itong batang ito?" Tanong ni Mommy pagkakita kay Stanley.
"That's kuya Tanley wowa, my fwiend." "O your friend? Hi Stanley." "Hi po.
********
"Bye miss Arlene. Bye Stanley, be a good boy ha? Wag ka nang lalapit kina Robin." Sabi ko matapos naming kumain.
"Bye sir Tom, punta kayo ni Simon sa party sa sabado ha? Isama nyo si Mam Anni." Si mommy, Anizza kasi ang buo nyang pangalan, pero mas gusto nyang Anni ang itawag sa kanya.
"Bye ate Awlene, bye kuya Tanley." Umuwi na rin kami after naming bumili ng iba pang gamit ni Simon, kaunti lang kasi ang mga gamit nya.
"T'ank you dadaaa!!!" Masayang sabi nya, hindi pa rin ako makapaniwala na tatay na ako. May buhay nang nakasalalay sa akin ngayon, mahirap oo, pero hinding hindi ko ito ipagpapalit sa kahit anong bagay...
Pagkauwi namin ay hindi pa rin mawala sa isip ko si Stanley. Naikwento kasi sa akin ni Arlene ang nangyari sa kanya, hindi ko maalis sa isip ko na sana, may mag adopt din sa kanya.
"Anak, bakit parang hindi ka mapakali? Kanina ko pa napapansin yan habang pauwi tayo, may problema ba?" Tanong ni mommy habang nakaupo kami nina ate Rose sa labas ng bahay kinagabihan.
"Hindi ko lang kasi maalis sa isip ko si Stanley mommy, hindi ko alam pero parang may dapat akong gawin para sa kanya. Grabe kasi yung pinagdaanan nya e." Ikwinento ko sa kanila ang lahat ng nangyari, mula sa pambubugbog kay Stanley ng mga magulang nito, hanggang sa maialis sya sa bahay na iyon at madala sa ampunan.
"Susmaryosep!" Bulalas ni ate Rose.
"Grabe, totoo ba?" Tanong ni kuya Armand.
"Opo, kung alam nyo lang kung gaano raw nalungkot at nagsisi si Stanley pagkaalis ni Simon, hindi naman daw nya gustong binu-bully si Simon. Gusto lang naman daw nyang magkaroon ng kaibigan kaya nya ginawa yon." "Jusko po, Tom allam kong maaga pa, at kaka-adopt mo pa lang kay Simon. Pero iniisip mo bang i-adopt din si Stanley?" Tanong ni mommy.
"Oo ma, kakausapin ko si Simon tungkol dyan." Pero hindi na takot si Simon sa kanya kanina e, binibigyan pa nga nya ng nuggets. Noon kasi talagang ilag sya sa kanila." Oo tama. Kakausapin ko si Simon, at tatanungin ko sya kung gusto ba nyang maging kapatid si Stanley.
********
Pagdating ng sabado.
"Where we goin dada?" Tanong ni Simon pagkasakay namin sa sasakyan. Kasama namin sina Jacob at Noah, sina mommy, ate Rose at syempre si kuya Armand.
"Pupunta tayo kina ate Arlene baby, remember?" "I member dada, b but d dada. Wag mo ibalik Simon doon, dada pwease. I be weally good." He whimpered.
"Baby no. Hindi kita ibabalik doon, birthday ng mayari ng adoption center di ba? May party kaya tayo pupunta roon, hindi ka ibabalik ni dada, You're staying with me forever di ba? So hindi kita ibabalik doon." "Pwomise?" "I promise."
********
"Buti nakarating kayo sir Tom." Sabi ni Arlene pagkakita sa amin.
"Oo naman miss Arlene." Ipinakilala ko sa kanila ang mga kasamaa ko.
"Nasaan nga pala si Stanley miss Arlene?" Hindi pa man sya nakakasagot ay narinig ko ang grupo ng mga batang nagtatawanan sa di kalayuan. Noong una ay inisip ko na baka sina Stanley iyon, pero ng marinig ko ang iyak nya ay naalarma ako.
"O bakit ngayon duwag ka na? Akala ko ba matapang ka. Lumaban ka!" Rinig kong sigaw ng isang bata kay Stanley.
"Robin! Tigilan nyo yan." Saway ng isang staff sa kanila.
"Maguusap-usap tayo mamaya ha? Kung kailan talaga may tao tsaka kayo naggagaganyan." Dagdag pa nito.
"Binuhusan nila ng spaghetti si Stanley Tom, tapos sinuntok sya ng isa sa sikmura." Sabi ni mommy para i discribe sa akin ang mga nangyari.
"Sandali lang mommy ah?" Sabi ko tsaka tumayo para lapitan si Stanley na nakaupo sa isang sulok at tahimik na umiiyak.
"W w wag p po. Hindi na po ako iiyak, p p please. W wag nyo po akong sasaktan." He says while choking through his sobbs.
"Stanley? Stanley no, hindi kita sasaktan. Wag kang matakot." "Don' cwy kuya Tanley, dada no huwt you." Sabi ni Simon. Tinabihan nya ito sa sahig atsaka kinuha ang kamay nya.
"Don' cwy."" "N natatakot po ako, bubugbugin nila ako mamaya." "Don' be scawed of Wobin, isusumbong natin sila kay ate Awlene." "Yon ba si Robin?" Tanong ko sa kanila.
"Yes dada. He is a meanie, lagi nya aaway Simon." "Opo kuya Tom, lagi po nila akong binu-bully pagkaalis ni Simon." Napa buntong-hininga na lamang ako sa narinig ko.
"Stanley halika, lilinisan muna kita, puro spaghetti ka o? Tapos mamaya gagamutin ko yung mga sugat mo." Sabi ni Arlene. Kaagad naman syang sumunod.
"Simon halika muna doon, usap tayo." Sabi ko naman kay Simon tsaka marahang kinuha ang kamay nya.
"I in twouble dada? S sowwy." No baby, your not in trouble, may itatanong lang si dada sayo." "Otay." "Baby, okay lang ba sayo kung magkakaroon ka ng kapatid?" Mahinahong tanong ko kay Simon pagkapasok namin sa CR.
"Bwothew? Like kuya Cocob and kuya Noah?" "Yes baby like that, pero huwag mong iisipin na hindi ka na love ni dada ha? Love na love ka ni dada baby." Sabi ko atsaka sya niyakap.
"Weally?" Masayang sabi nya.
"Dada it otay!!!" "Baby, iniisip ko kasing i-adopt si kuya Stanley. Okay lang sayo?" "Dada adopt kuya Tanley pwease? Para hindi na sya away ni Wobin." Napangiti naman ako ng malaki dahil sa sinabi nya.
"Are you sure baby? Hindi ka magtatampo kay dada?" "Dada no, pwease? Adopt kuya Tanley. Pwease!!!" "Sige baby kakausapin natin si ate Arlene okay?" "Otayyyy!!!" Masayang sagot nya.
********
"Miss Arlene. Pwede ba akong mag adopt ulit?" "O! ULIT?" Magkahalong tuwa at pagtatakang tanong nya.
"Yes po, ulit." Sagot ko habang nakangiti.
"Sino ba ang maswerteng bata sir Tom?" Tanong ng staff na sumaway kina Robin kanina.
"Si Stanley po." Gulat naman ang naging expresyon nilang lahat.
"Sir Tom sigurado po kayo?" "Oo naman po, naikwento sa akin ni mis Arlene ang mga nangyari sa kanya, at simula noon ay hindi na ako mapakali. Para bang may dapat akong gawin para sa kanya. At ito nga siguro yon." Napaluha naman ang mga tao sa paligid namin, kasama sina mommy, ate Rose at kuya Armand. Sina Jacob, Noah at Simon naman ay nakaupo lang at naglalaro.
"Sige po sir Tom, tatawagin ko si Stanley, tatanungin natin sa kanya kung gusto ba nya, at kung gusto naman nya ay sisimula natin kaagad ang process." Sabi ni Arlene. Ilang minuto lang ang nakakalipas ay bumalik na rin sya kasama si Stanley.
"Stanley? May gustong mag adopt sayo." Sabi ni Arlene pagkalapit nila sa amin.
"S sino po?" "Ako." Gulat naman ang rumihistro sa kanya pagkasabi ko noon.
"B bakit po ako, marami pong ibang bata na mas dapat nyong ampunin, hindi po ako dapat sa inyo. Wala raw po kasi akong kwenta sabi ng mga magulang ko." Malungkot na sabi nya na sya namang dumurog sa puso naming lahat.
"Stanley listen to me. Ikaw ang gusto kong i-adopt, at hindi ka walang kwenta okay? Deserve mo rin ng mag a-adopt sayo." "P pero naging masama po ako kay Simon noon, hindi po ba dapat magalit kayo sa akin?" Si Simon ang sumagot sa kanya.
"I not angwy kuya Tanley, it' otay. Pwease? You be my bwothew." Sabi ni Simon tsaka sya niyakap, napangiti naman kaming lahat.
"Gusto mo bang i-adopt ka ni sir Tom Stanley?" Tanong ni Arlene sa kanya. Huminga sya ng malalim atsaka sumagot.
"Opo!!!" Medyo naguguluhang sagot pa nya.
"Sige, sisimulan natin kaagad ang adoption process okay? Pero baka medyo matagalan ito kumpara kay Simon sir Tom, iba kasi ang kaso ni Stanley e, kaya mas mahigpit ang process natin ngayon." Paliwanag ni Arlene.
"Opo miss Arlene, maraming salamat po." "Is kuya Tanley gonna be my bwothew now dada?" Mahinang tanong ni Simon.
"Yes baby. But we have to wait okay?" "Otay dadaaaaaaa!!!!"

Stanley's pov
Ako? Bakit ako ang gustong i-adop ni sir Tom. Mataas syang tao, alam ko. Lagi ko kasing pinapanood ang mga videos nya e, kapag wala ang mga magulang ko. Pero kapag nandyan po sila ay hindi ako halos makapanood ng mga videos nya, hindi ko rin po sya masabayang kumanta kapag nandyan sila dahil po sasapokin nila ako. Hindi raw po kasi maganda ang boses ko. Lagi ko rin pong pinapanood ang mga video nila ni miss Lea Salonga. Idol ko po kasi sila pareho.
Kaya nga po ako naguguluhan kung bakit ako gustong i-adopt ni sir Tom e, wala naman po kasi akong kwenta, baka magulo ko lang ang buhay nila. Pero ayos lang po sa akin kung gusto nya akong i-adopt, okay na po yon. Sana nga po ay i-adopt talaga ako ni sir Tom.
********
A/n
Hellooo!!! Do you miss me? Hahahahaha. Anyways, here's chapter 6. Medyo maikli po kaya pasensya na. Pero sana po ay magustuhan nyo.
Ano po sa tingin nyo ang mangyayari kay Stanley?
As usual vote, comment and share.
Maraming salamat po ❤️
Klo.

You Are Not Alone AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon