Chapter25

90 3 0
                                    

A/n
Please, basahin nyo po yung isa pang a/n sa dulo ng chapter na ito. Salamat po 🥰
Stanley's pov

Tulog na po si dada. Nagising lang naman po ako ulit kasi naiihi po ako e, pero tulog na rin po ako kanina pa... Dahan-dahan po akong tumayo sa kama, tulog na po kasi silang lahat, nasa kaliwa ko po si dada, tapos po nasa kaliwa naman nya yung maliit na lamesa. Bedside table po yata ang tawag doon? Tapos nasa kanan naaman po ni dada ako, tapos ang nasa kanan ko po si Simon. Humihilik nga po silang lahat e, naisip ko rin tuloy kung humihilik din kaya ako pag tulog? Hahahahahaha! Nakakatawa. Yon nga po. Yakap po kasi ako ni dada kaya medyo nahirapan akong bumangon. Ang bigat po kasi ng braso ni dada e, mataba hahahahaha. Huwag nyo po akong isusumbong ha? Kikilitiin nya po kasi ako kapag sinasabi ko na mataba sya.
*****
Tapos na po akong umihi. Babalik na po sana ako sa kama pero, nagugutom po ako. Pwede kayang kumain? May tira pa naman pong pagkain sila dada kanina, sisig po yata ang tawag dito? Kaso lang po hindi ako kumakain noon e, titignan ko na nga lang po kung may iba pang food. Ay oo nga po pala. Tinuruan po ako nina tita Lea kung paano ba mag-discribe kay dada. Gusto nyo po ba, ipakita ko sa inyo? Sige po... Um, pagpasok mo sa pintuan ng kwarto... Nasa kanan may lamesa na gawa sa kahoy, hindi ko po alam kung bakit may lamesa pa roon, e meron naman na po sa may kusina, doon po nakapwesto sila dada kanina. Color white po pala yung table, tapos may halaman na nakalagay sa gitna. Tapos sa kaliwa naman po ng pinto, merong... Hindi ko po alam, pparang lalagyan yata ng mga bag. Kapag naman po dumiretso ka pagpasok mo sa kwarto, nandoon yung sofa na tinulugan ni dada kanina. Maliit lang po yon, color brown. Nasa harap naman po noon yung TV. Tapos po, sa tabi ng TV may reph. Hmmm... May laman kaya yon? Buksan ko kaya, kaso lang huwag na, baka po kasi mapagalitan ako. Nasa tapat po ng reph yung kama namin. Dalawa po yon, nagpadagdag si dada kanina pagkabalik namin. Di ba po kinuha namin yung sasakyan? Nasa kanan po ng reph yung lamesa na sinasabi ko kanina kung saan nakaupo sila dada habang umiinom. Nandoon po yung tira nilang pagkain, nakatakip. Wait lang po ha? Tignan natin kung ano pang nandito.
*****
May chocolate!!! Pwede kayang kumain nitto? Baka po kasi may bayad e, wala po akong pera hahahaha. Nasa tabi po ng lamesa yung lababo. Yon!!! May tubig pa pala, iinom na lang ako, pwede na yon. Bukas naman po kakain daw kami sa Manokan Country e, kaya po magpapagutom ako ngayon hahaaha! Nasa harap naman po ng lababo yung CR, tara po pasok tayo. Buksan po natin yung ilaw ha? Natatakot po kasi ako kapag madilim e, tsaka hindi ko po masyadong makita kasi walang bintana. Oooo!!! Meron din pong bath tub dito. Pero maliit lang po yon, hindi po katulad ng bath tub sa kwarto namin sa bahay. Yung bath tub po rito parang isang tao lang ang kasya, e yung sa bahay po... Kasya kami nina Simon at dada. Totoo po, promise. Labas na nga po tayo rito. Pagkalabas mo po sa pinto ng CR, nasa kaliwa yung maliit na kusina, may mga gamit po roon na nakikita ko rin sa bahay. Kaya lang... Nakalimutan ko po yung tawag sa iba e, ang naaalala ko lang po... Waffle maker tsaka coffee maker. Itatanong ko na lang po kay dada bukas kung ano bang tawag doon sa iba pang gamit. Babalik na po ako sa kama namin. Tulog na tulog po si dada, para pa rin pong nakayakap yung kamay nya, hindi nya po siguro napansin na tumayo ako. Hihiga na nga po ako ulit. Yan, okay na. Niyakap ko po si dada. Yon po palang nangyari sa akin kanina noong pagkalabas nina tito Roman... Wala lang po yon. Bigla ko lang po kasing naalala yung dati kong mga magulang. Kapag po kasi umuuwi sila ng lasing, nagpapakuha sila kaagad ng tubig. Kaya po ganoon din yung ginawa ko kay dada. Alam ko naman pong hindi nya ako sasaktan kaya ko sya nilapitan noong tinawag nya ako. Haaay! Inaantok na po ako... Matutulog na po ako ha? Bukas na lang po ulit. Good night.
********
"Tom's pov

Nagising ako kinabukasan dahil sa ring ng phone ko.
"Ugh! Anong oras na ba, 7:15?" Sino namang tatawag sa akin nang ganito kaaga. Sinagot ko na lang ang tawag kahit lutang pa ang isip ko, ang sakit din kasi ng ulo ko. Grabe, nakadalawang bote lang naman ako ng Smirnoff ah, hindi na ba sanay ang katawan ko sa alak?|
"Tom." Napabalik ako sa riyalidad matapos kong marinig ang boses ni mommy mula sa kabilang linya.
"Me, bakit? Ang aga pa..." I said sleepily.
"Anong maaga pa, 7:16 na. Kanina pa kami kumakatok sa pintuan nyo." Sabi nya. Napa buntong-hininga na lamang ako tsaka pinilit na tumayo.
"Sige, bubuksan ko na." Sabi ko habang naglalakad na parang zombie.
"Jusko Tom, isang oras na kami rito ahahahahaha." Sabi ni ate Rose pagkabukas ko ng pintuan.
"Tulog pa ba yung mga bata?" Tanong ni Wendy.
"Oo, pero parang nagising si Tanley kagabi e, hindi ko lang alam kung anong ginawa." Sabi ko tsaka sila pinapasok.
"Tom, nagdala kami ng kape, uminom ka nang mawala yang sakit ng ulo mo ahahahahahaha." Sabi ni mommy tsaka iniabot sa akin ang isang tumbler ng mainit na kape.
"Mmmmm!!! Ang sarap ah, sinong nagtimpla nito?" "Si ate Lea." Sabi kaagad ni Wendy.
"We, totoo?" "Oo nga, ayaw mo pang maniwala e, sabi kasi nya..." Kaagad namang tumigil si Wendy sa pagsasalita.
"Sabi kasi nya.... Anong oras na, baka hindi na natin maabutan yung breakfast buffet. Kaya nagkape na lang kami, idinamay ka na nya, wala bang thank you jan?" Sabi naman ni ate Rose. Huminga naman ako nang malalim.
"Thank you Lea." I said then smiled.
"Ayiiiieeee!!!!" "Shhhh, tulog pa yung mga bata." Saway ko sa kanila.
"Nasaan nga pala si Lea Salonga?" Tanong ko.
"Nandoon pa sa kwarto, nag-makeup." "Makeup? Bakit?" "Hindi ko alam, baka in love ahahahahahaha." Sabi ni mommy habang nagkakalkal ng kung ano-ano sa reph.
"Oo nga e, napapansin ko na rin yan kay Lea. Parang in love nga sya. Alam nyo ba kung kanino?" Tanong ko tsaka muling humigop ng masarap na kape.
"Hindi kaya kay Rob Chien?" Dagdag ko pa, Friend/fan sya ni Lea. Na-meet ko rin naman na si Rob, at masasabi kong bagay nga silang dalawa.
"Hindi kuya." Sagot ni Wendy.
"Wow, parang siguradong-sigurado ka wendy hahahaha." "Hindi kasi. Naikwento na sa amin ni ate Lea yan. Wala nga raw syang feelings para kay rob, siguro nga in love sya. Pero sa ibang guy." Hindi ko naman mapigilan ang malikot na paglalakbay ng isip ko. Sino kaya iyon? Hmmm... Malalaman ko rin yan. Natigil naman ang pag-iisip ko nang biglang may mag doorbell sa kwarto namin.
"Wendy buksan mo nga daw." Sabi ni mommy na kaagad naman nyang sinunod.
"Nax naman si ate Lea. Saan punta mo? Grabe ang makeup ahahahahahaha."" Sabi nya.
"Wala naman, bakit masama bang mag-ayos paminsan-minsan?" Sabi ni Lea tsaka nagmartsa papasok sa loob.
"Hindi naman. Lalo na kapag in love." Pang-aasar ko.
"Ano bang in love, kahapon ka pa ahahahahaha." Sagot ni Lea tsaka ako hinampas sa braso.
"Ayy iniinom mo pala yung kape?" Sabi nya tsaka naupo sa katapat kong upuan. Nandito kasi ako ngayon sa lamesa kung saan kami uminom kagabi.
"Oo, ikaw ba nagtimpla nito?" "Yup. Baka kasi hindi na natin maabutan yung breakfast buffet sa baba, maliligo pa tayo tsaka syempre yung mga bata. Ikaw na bahala sa kanila ha?" Sabi ni Lea tsaka kumuha ng chocolate sa lamesa.
"Hay naku! Ano pa nga bang magagawa ko hahahahaha." Sabi ko tsaka inubos na ang kape.
********
"Dada, saan po tayo kakain?" Tanong ni Stanley. Nandito kami ngayon sa elevator. Pasado alas otso na ng umaga. Naligo pa kasi kami, tsaka ko pinaliguan ang mga bata kaya hindi na namin naabutan ang breakfast buffet ng hotel.
"Hahanap tayo anak, ang dami namang kainan dyan malapit sa L'Fisher." Sabi ko. Sakto namang pagbukas ng pinto ng elevator. Nakaabang na silang lahat doon. Mga bata na lang ang kasama ko.
"Tom, sa Ceres Mart na lang daw tayo kumain." Sabi ni mommy.
"Oo nga sige. Masarap din ang food doon." Sabi ko naman. Nakakain na kami riyan before. At pinaka-favorite ko ang corned beef nila.
********
"Grabe ka Tom! Pangatlong order mo na yan ng corned beef at kanin hahahahaha." Sabi ni kuya Armand tsaka inilagay sa harapan ko ang plato.
"Ang sarap naman kasi. Tsaka okay lang yan, tignan mo mamaya gutom na naman sya." Segunda naman ni ate Rose.
********
"Saan tayo?" Sabi ni kuya Armand pagkasakay namin sa van na inarkila namin.
"San Sebastian Cathedral." Sagot naman ni mommy.
"Oo kuya, doon muna tayo pumunta." Sabi ko.
*****
"Ang ganda!!!" Sabi naming lahat pagkababa sa sasakyan.
"Dada, ang laki nya. Tapos parang matagal na syang nakatayo." Stanley said.
"Ang alam ko anak, 19th-century pa itinayo ang San Sebastian Cathedral." I explained.
"Tara, pasok na tayo sa loob."
*****
"Wow! Authentic pa yung mga material nito o? Tignan mo naman yung mga bato at kahoy." Sabi ni mommy.
"Pangarap kong dito ikasal." Biglang sabi naman ni Lea, dahilan para tuksuhin sya nina Wendy at ate Rose.
"Ikasal kanino, kay Rob Chien?" "Huy! Tom ano ka ba, friends lang kami ni Rob." Sabi naman ng huli.
"Oo na, friends na kung friends." "Uy si kuya, nagseselos hahahahaha!" "Anong nagseselos. Tumigil ka nga Wendy, nasa loob tayo ng simbahan, huwag kang maingay." Sabi ko para mailayo na ang usapan sa bagay na iyon.
"Dada, ang ganda ng pipe organ nila. Di ba po, marunong kang tumugtog nyan? Kasi napanood ko yung video mo dati dada, tumutugtog ka ng pipe organ sa simbahan din." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Stanley.
"Oo anak. Marunong akong tumugtog ng pipe organ. At yung nakita mong video ko... Sa Manila Cathedral yon." "Kailan po yon dada?" "Siguro almost 2 years ago. Ay hindi. Bago ako magpunta ng London last year. Kasi sa pipe organ concert yon anak." Stanley hummed in responds.
"Ano pong title noong tinugtog mo dada? Ang ganda po kasi e, tsaka ang galing din noong choir na kumakanta." I smiled again.
"The Power Of Your Love ang title noon Stanley. Tapos yung choir naman na kasama ko, yon yung choir ng Manila Cathedral."
*****
"Nandito na tayo sa Belfry, mag-picture na tayo dali. Habang hindi pa gaanong mainit." Sabi ni ate Rose.
"Dada, bakit po dalawa yung bells nila? Yung isa malaki, tapos yung isa naman small lang..." Simon asked.
"Good question baby. Yang dalawang bell na yan ay donation nina Father Mariano de Avila at father Mauricio Ferrero dito sa church. Yung malaking bell ay galing kay Father Mariano, yung maliit naaman galing kay Father Mauricio." I explained.
"Ginagamit pa ba yang mga bell na yan ngayon kuya?" Tanong ni Wendy.
"Hmmm... Hindi ko lang sure." Sagot ko.
"Pero buo pa sya e, so mukha namang ginagamit pa nila." Dagdag naman ni Lea.
********
"Saan tayo next?" Tanong ko habang nakaupo sa gitna ng van katabi sina Stanley.
"The Ruins." Sabi kaagad ni Wendy.
"Oo ngaaa!!! Hindi tayo nakapunta roon noong nakaraan e..." Segunda naman ni ate Rose.
********
"Grabe. Kahit sira at matagal na itong mansyon na ito... Kitang-kita pa rin yung italian style na architecture nya o?" Sabi ni Roman habang nakatayo kami sa labas ng Ruins.
"Oo nga. Pero bakit ba nasira itong mansyon na to?" Tanong naman ni Wendy. Ako na ang sumagot.
"Ang sabi roon sa nabasa ko... Sinunog daw ito ng mga Pilipinong Guerilla noong World War 2, para mapigilan nila ang mga sundalong Hapon na gawin itong opisina o bass nila." Pagpapaliwanag ko.
"Sabi pa nga, halos tatlong araw daw na dire-diretso ang sunog dito. Ganoon kapursigido ang mga Guerilla para labanan ang mga hapon. Sinunog nila ang mansyon ng mga Lacson para walang magamit na opisina ang mga kalaban." "E sino naman yung mga Lacson kuya?" Tanong ulit ni Wendy.
"Si Don Mariano Ledesma Lacson ay ang asawa ng babaeng Portuguese na si Maria Braga Lacson. Sya ang dahilan kung bakit ipinagawa ni Don Mariano Lacson ang Mansion na ito. Namatay raw kasi si Maria noong ipinapanganak nya yung 11th child nila ni Don Mariano." Mahabang pagpapaliwanag ko.
"Di ba, binansagan ding Taj Mahal of the Philippines itong The Ruins?" Tanong ni ate Rose.
"Opo ate." Hindi ko nga ma-imagine kung hindi ito nasunog noong World War 2. Ano kaya ito ngayon?" "Dada, ano po ba yung Guerilla?" Tanong ni Stanley.
"Hmmm... Ang mga Guerilla anak ay mga tao noong panahon ng mga Hapon. Nagtatago sila sa mga kabundukan para makipaglaban." "Ah, so masama sila? Kasi dada sinunog po nila itong malaking bahay e, tapos nakikipaglaban pa po sila." I chuckled.
"Hindi anak. Kasi isipin mong mabuti. Kung hindi nila sinunog itong Mansion na to... Malamang ay nasakop na ng mga hapon itong Talisay o baka yung buong Negros pa... At hindi sila nakikipaglaban para sa wala, ipinagtatanggol nila ang Pilipinas mula sa mga mananakop." Stanley hummed in responds.
********
"Waaaaa!!!" Nagulat naman ako sa biglang pagsigaw ni Noah. Nandito na ulit kami sa labas ng Ruins. Halos mag-iisang oras din kaming nandoon. Actually sandali lang naman talaga dapat, tumagal lang dahil sa picture taking ahahahahha. Hinihintay na lang namin si kuya Armand. Malayo kasi ang pinagparkan namin ng van kaya nauna na syang pumunta roon para susunduin na lang nya kami rito.
"Cocoooob, aaah!!!" Sigaw pa nya tsaka nagtago sa likod ni Jacob.
"Noah, ano ba yon hahahahaha." Sabi ko.
"Tito Tom, may chicken kasi. Lumilipaaad!!! Palapit dito. Lalapit syaaa!!!!" Hindi ko naman mapigilan ang pagtawa.
"Tito Tom, don't laugh. Masakit mangtuka yung chicken." Noah said while stomping his foot.
"Noah, kalma. Hindi lalapit yang chicken dito." "Dada, lalapit na nga eeee!!!" Sabi ni Stanley tsaka sila ulit nagsigawan.
"Tito Tom, paalisin mo yan dito. Please!!!" Sabi naman ni Jacob.
"Why are you scared of the t'icken? Mabait naman sila ah, kinakain nga natin yan e..." Mas natawa naman ako dahil sa sinabi ni Simon.
"Come here Mister t'icken." Dagdag pa nya.
"Siiimooon, wag kasiii." "Okay okay, tama na." "Tom, ano bang nangyayari sa inyo hahahahahaha!" Sabi ni ate Rose pagkalapit nila sa amin. Hindi ko napansin na umalis sila.
"Ano't nakakumpol lahat ng bata sayo?" Sabi pa ni mommy. Nakayakap kasi sa akin sina Jacob, Noah at Stanley.
"Lola look o? May t'icken." Simon said then pointed towards it.
"O MY GOD!" Lea exclaimed.
"Bakit may chicken dito??? I mean... Hindi na nakakapagtaka kasi may farm. Pero bakit nandito yaaan!!!" Sabi pa nya. Jusko mukhang dadagdag pa sa mga bata hahahahahaha.
"Eeeeeee!!! Tom, palapit sa atin." She squealed." Nagulat naman ako dahil bigla akong niyakap ni Lea. Normal lang naman sa amin yon pero ngayon parang iba ang naramdaman ko.
"Bakit po ba kayo takot sa manok? Sa amin nga po ang daming ganyan e, alaga namin ni Charlie." Sabi ni Cj.
"Oo nga po. Hindi naman sila nanunuka e, minsan lang kapag gutom sila." "O di naaman kaya kapag nasasaktan, di ba Charlie?" Napangiti naman ako kahit papaano. Ang cute at ang sarap lang kasing panoorin nina Cj at Charlie kapag hindi sila nag-aaway.
"Cj paalisin mo nga daw yung manok para matigil na itong mga to." Sabi ni mommy na kaagad naman nyang ginawa.
"Huy! Bakit nakayakap ka pa rin kay Tom? Mukhang nag-enjoy kang tunay..." Sabi ni ate Rose kay Lea.
"Ah, um... Hindi. Ano kasi, baka bumalik yung manok e, you know... Baka lumipad na lang bigla papunta rito." Lea answered awkwardly.
"Wala na, pinaalis na nina Cj." Sabi ni mommy, dahilan para bumitaw na rin si Lea mula sa pagkakayakap sa akin. Bakit ganoon. Bakit parang nalungkot ako. Normal na yakap lang naaman yon di ba? I mean... Ginagawa naman talaga namin yon as friends. And it feels normal nga lang, pero bakit ngayon it feels... Right.
"Earth to Tom Santos." "Ha?" Napabalikwas naman ako bigla dahil kay ate Rose.
"Kanina ka pa nakatulala riyan, nandyan na si Armand. Sumakay na tayo sa van." Sabi ni mommy.
*****
"Saan tayo kakain? Mag-12 na." Sabi ko habang bumabyahe kami.
"Kuya, may nakita kaming restaurant kanina sa labas lang ng L'Fisher. Balboa ang pangalan. Kaya lang sarado pa kasi sya e, baka ngayon bukas na yon." Sabi ni Roman.
"Sige, doon na lang tayo.
********
"Anong kakainnin nyo?" Tanong ni mommy. Nandito na kami sa Balboa.
"Sa akin... Yung tapa na lang..."" Sabi ni ate Rose.
"Beef steak sa amin." Sabi nina Wendy at Roman.
"Tom, may lechon kawali. Gusto mo ba yon? O beef steak na lang din sayo." Sabi ni kuya Armand.
"Ang hirap mag-decide hahahahaha." "Sige, lechon kawali tsaka beef steak ang orderin nyo para kay Tom ahhahahaha." Sabi ulit ni mommy.
********
Ganoon nga ang ginawa nila. Beef steak at lechon kawali ang food ko. Syempre kailangan ko yon ubusin.
"Kita mo na? Mauubos talaga ni kuya yan." Sabi ni Roman.
"Ano pa nga bang bago. Syempre dapat alam na natin yan ahahaha." Sabi ni ate Rose pagkainom nya ng ice tea.
"Gusto nyo na bang mag Calea cakes?" I asked.
"Pwede. Nandyan na rin naman na kasi e, pero pwede rin naamang mamaya na pagkakain ng dinner. Manokan country tayo di ba?" Sabi ni mommy.
"Yon naman talaga ang plano e, pagkakain sa Manokan Country tsaka tayo kakain sa Calea cakes. Si Tom kasi, excited ahahahahaha." Sagot ni kuya Armand.
"How about Campuestuhan, pupunta ba tayo?" Tanong naman ni Lea.
"Upon checking... Closed sila for 2 weeks. Parang under renovation daw." Sagot ko.
"Hala, parang ayaw tayong papuntahin doon. Kasi noong nakaraang punta natin ng Bacolod hindi tayo natuloy kasi umuulan. Tapos ngayon naman hindi rin tayo makakapunta dahil sarado. Jusko pong mahabagin... Nakakakilabot." Sabi ni ate Rose.
"Oo nga. Mukhang ayaw talaga tayong papuntahin, hayaan nyo na. It's better to be safe than sorry ika nga nila." Sabi naman ni mommy. Actually naiisip ko na rin yan. Pang-ilang punta ko na ba ito ng Bacolod, pangatlo? Pang-apat? Hindi ko na maalala. Pero palagi talaga yan. Tuwing magpaplano na kaming pumunta ng Campuestohan... Merong nangyayari na nagiging dahilan ng hindi namin pagtuloy. Kagaya na lang noong nandito kami para sa tour ng isa naming musical play. Nag-tour kasi kami noon sa buong pilipinas. So di yon na nga... Papunta na sana dapat kami sa Campuestohan. As in aalis na lang talaga kami ng hotel. Biglang umulan ng malakas, yung buhos talaga. Kaya yon, hindi rin kami natuloy dahil delekado. Tapos noon namang nag-unpack na kami at nagpalit ng damit na pambahay... Humina ang ulan at naging katamtaman na lang, e dahil nakapambahay na kaming lahat... Tinamad nang umalis at natulog na lang ang karamihan.
"Dada, ano po bang meron sa Campuestohan, ano po ba yon?" Tanong ni Stanley.
"Resort yon anak. Pero meron syang mga rides, pwede kang sumakay ng horse ganoon." "Ah parang swimming pool dada?" "Oo Simon." "E may swimming pool naman po sa hotel di ba?" Sabi naman ni Charlie.
"Oo nga. Actually sa bahay pa lang pwede na tayong mag-swimming e, gusto nyo bang mag-swimming sa hotel mamaya?" Sabi ni mommy.
"Pwede! Sige. May dala naaman kayong pang-swimming di ba?" "Meron. Ang alam ko isinama ko yon sa mga damit na tiniklop ko e, sana lang nailagay ni Tanley sa maleta." Sabi ko.
"Dada, nailagay ko po yon. Katabi pa nga po nya yung bare ko na unan e..." He replied.
"Nandoon ba? Bakit kahapon noong nagtingin ako ng mga gamit natin wala." I said jokingly.
"Nandoon po talaga dada, promise. Nailagay ko po yung damit natin na pang-swimming sa maleta." Stanley whined, ang cute.
"Sige na anak. Alam kong nailagay mo yung pang-swimming natin sa maleta, nakita ko kahapon." "Pero bakit sabi mo dada wala doon?" "Joke lang yon Stanley, inaasar ka lang ni dada mo." Sabi naman ni ate Rose.
********
Sleep muna kayo. Ang hindi matutulog hindi mag-swimming." Sabi ko sa mga bata. Nandito na kami ngayon sa kwarto. Kararating lang namin galing sa labas.
"Opo kuya Tom. Susubukan ko pong matulog. Pero si kuya kilala ko po yon, magkukunwari lang po yon na natutulog." Medyo natawa naman ako dahil sa sinabi ni Charlie.
"Ahahahaha. Matutulog naman siguro si Cj. Basta ikaw Charlie, try mong matulog okay?" He just hummed in responds. Alam ko na. Effective ito kina Stanley e, laalo kapag hindi sila makatulog. I played a gentle lullaby on my laptop na naka-setup sa dining table ng hotel room namin. Hindi ko alam kung anong title nito actually. Pero nakita ko lang sya sa Youtube kaya naman sinave ko sa laptop ko para pwede kong i-play anytime.
*****
All of them are sound asleep. Halos wala pang 10 minutes na naka-play ang lullaby na iyon pero bagsak na silang lahat. Kinuha ko naman muna ang phone ko para magtingggggin ng mga emails at messages na kailangan kong replyan. Una ko munang binuksan ang page ko sa Facebook.
*****
"Unread Jessica Matteo: Hi po sir Tom. Ako po si Jessica. Yung mother po ni Christian. Sya po yung blind na bata na lumapit sa inyo pagkatapos ng Christmas concert nyo sa CCP.
Dumating na po yung album ng concert sir Tom. Maraming salamat po. Sobrang saya po ng anak ko. Godbless po ❤️"
Grabe. Noong January 17 pa pala itong message na to. Ngayon ko lang nakita, natabunan na kasi tsaka hindi rin ako gaanong nagbubukas ng FB page ko. May sinend din syang dalawang videos sa convo namin.
"Hi po sir Tom. Si Christian po ito. Maraming salamat po sa regalo. I love you."
Napangiti naman ako nang malaki pagkarinig ko ng video. I played the second one. Video iyon ni Christian habang pinapakinggan nya ang album. Christmas wish ang naka-play na kanta, at sinasabayan nya iyon. Particularly yung part ni Stanley. Matapos ang video ay kaagad akong nag-type ng reply.
"Hello po. Salamat naman at na-appreciate nyo ang gift ko. Masaya po akong mapasaya ang anak nyo. You're welcome Christian. See you soon."
Yan ang reply ko kay Jessica. Ang laki pa rin ng ngiti ko hanggang ngayon. May naisip ako bigla. Paano kaya kung mag-conduct ako ng workshop for the visually impaired? Kaso lang... Anong klaseng workshop naman, singing workshop? Common na yon e, I mean... Marami nang nakagawa noon, ay wait! Acting workshop kaya? Pwede naman. Ang tagal ko nang plano yan, kaso lang hindi ko talaga maharap dahil sa sobrang busy, pero ngayon... Sige, itutuloy ko na talaga. Sasabihin ko ito kina Lea at sa iba ko pang kaibigan sa industttriya na pwedeng makatulong sa amin. I will be directing the said workshop. Sana magtagumpay, sana sa pamamagitan nito... Maiparanas ko rin sa mga kapwa ko visually impaired ang mga naranasan ko. Alam ko kasing marami sa kanila ang naghahangad na makapasok sa mundo ng teatro. Pero alam naman natin na marami pa rin ngayon ang may-doubt sa mga kagaya kong PWDs. Marami pa ring theater companys na hindi tumatanggap ng visually impaired kahit sa workshop lang, wala pa rin silang tiwala. At ang sakit noon para sa akin. Kahit na sinasabi nilang ako raw ang kauna-unahang bulag na nakaranas talagang mag-show sa teatro. Yung full show talaga sa malalaking production... Hindi pa rin ako masaya. Gusto ko kasing marami pang kagaya ko ang makagawa rin nito. Gusto kong malaman nila na hindi lang para sa akin ang teatro. Tutulungan ko sila. Ipaglalaban ko ang karapatan ng mga PWDs pagdating sa arts..
********
"Kuya Tom?" Napalingon naman ako kay Charlie matapos nyang tawagin ang pangalan ko. Siguro ay tatlong oras na silang natutulog. Naka-play lang ang lullaby sa loptop ko habang ako naman ay nagtitingin-tingin ng social media.
"Bakit Charlie." "Pwede na po ba tayo mag-swimming?" I chuckled a bit dahil sa tanong nyang iyon.
"Maya-maya ha? Tulog pa kasi sina Simon e, gigising na rin naman sila so hintayin na natin okay?" He hummed.
"Ano pong ginagawa mo kuya." "Nagbabasa lang ng mga messages, baka kasi may kailangan akong replyan, kaya tinitignan ko isa-isa." Sabi ko tsaka nag-log out na sa FB page ko. Bigla ko namang nakita ang pangalan ni Amber na naka-online sa messenger. Sakto! Ang alam ko... Gusto rin ni Amber maging theater actress. Sya ang una kong tatanungin kung gusto ba nyang mag-join sa workshop.
"Hi Amber. Kumusta ka na? Itatanong ko lang sana sayo kung gusto mo bang mag-join sa theater workshop na gagawin ko? Theater workshop sya for PWDs, particularly for visually impaired na gustong maging theater actor or actress. Kung interested ka... Sabihan mo lang ako. Tsaka pwede ka rin palang mag-recommend pa ng iba ha? Sabihan mo lang ako."
Yan ang voice message ko sa kanya. Nakakatamad kasing mag-type e, kaya voice clip na lang ang ginawa ko.
"Dada?" Stanley said softly. Kaagad namang napunta ang atensyon ko sa kanya.
"Bakit anak." "Pwede na po ba tayo mag-swimming?" Napangiti naman ako.
"Sige na nga. Pareho kayo ni Charlie ng tinanong pagkagising nyo. Gigisingin ko na sina Jacob ha? Para makapag-ayos na kayo."
********
"Saan ba ang swimming pool nila?" Sabi ni ate Rose habang nasa elevator kami.
"Nasa taas, halos lahat naman ng hotel sa roof top ang pool." Sagot naman ni mommy.
"Wow! Dada, dalawa yung swimming pool nila!!!" Stanley exclaimed happily.
"Yung isa maliit, tapos yung isa naman dada malaki." Dagdag pa nya.
"Pambata kasi yung isang swimming pool anak, tapos yung isa naman pangmatanda." "Pero pwede kaming magswimming sa malaking pool tito Tom?" Jacob asked.
"Basta dapat kasama nyo kami ha? Hindi kayo pwedeng pumunta riyan ng kayo lang kasi baka malunod kayo, understood?" "Opo." They all answered in unison.
********
"Tom, di ba kabisado mo yung one day more?" Biglang tanong ni Lea habang nag-swimming kami.
"Oo naman, bakit?" "Kanta tayong lahat while swimming." Medyo natawa naman ako dahil sa sinabi nya.
"Kulang tayo e, tsaka hindi bagay hahahahahaha. Kung kakanta tayo, dapat related sa tubig yung kanta." "Ay alam ko na, iisang bangka hahahahahaha!" Mas natawa naaman ako sa sinabi ni kuya Armand.
"Oo pwede naman yon. Alam nyo naman yung choir arrangement noon e... Sabi ko tsaka nag-float sa tubig.
"Sige tawagin nyo yung mga bata." Sabi ni ate Rose. Kaagad naman silang tinawag ni Roman.
"Ano pong gagawin natin?" Tanong ni Stanley pagkalapit nila sa amin. Nasa gitna kasi kami ng pool kung saan medyo malalim na ang tubig, habang sila naman ay nasa gilid.
"Kakanta tayo anak, alam nyo ba yung iisang bangka?" "Opo kuya Tom. Palagi po naming naririnig yon." Sabi ni Cj.
"Kaunti lang dada, alam ko po, pero hindi ko kabisado." "Okay lang yan Stanley, sabay na lang kayo sa amin ha?" Okay po." Magkakasabay na sagot ng mga bata. Nakapabilog kaming lahat. Magkakahawak ang mga kamay namin. Ang mga bata naman ay nakasakay sa kanya-kanya nilang salbabida. Ang balak namin ay iikot kami sa buong pool habang kumakanta. Marami pang nag-swimming bukod sa amin pero okay lang, sanay naman na kaming gumawa ng mga ganito hahahahahaha.
"Ready na?" Tanong ko sa kanila.
"Game na. Naka-video tayo kuya ha? Gamit ko yun gopro mo hahahahah." Sabi naman ni Wendy, nag-thumbs up ako sa kanilang lahat.
"1, 2, 3, Go." I said.
"Kay dilim at kay ginaw sa kalawakan ng dagat
Ubod lakas kung humiyaw ang galit na hanging habagat
Ngunit buo ang puso mo ang daluyong ay susugurin
Magkasama tayong katahimika'y hahanapin."
Nakapabilog kaming lahat. Sabi ko nga, magkakahawak ang mga kamay namin. Nasa kaliwa ko si Stanley, habang nasa kanan ko naman si Noah. Umiikot kami sa pool habang kumakanta.
"Saan ang tungo mo mahal kong kaibigan?
Saan sasadyain hanap mong katahimikan
Basta't tayo'y magkasama, laging sasabayan kita
Pinagsamaha'y nasa puso kaibigan kabarkada
Iharap natin ang layag sa umaawit na hangin
Kapit bisig tayong ang gabi ay hahawiin.
Dahon ng damo tangay ng hangin
At di mo matanaw kung saan ka dadalhin
Ngunit kasama mo ako nakabigkis sa puso mo
Daluyong ng dagat ang tatawirin natin.
Saan ang tungo mo mahal kong kaibigan?
Saan sasadyain hanap mong katahimikan
Basta't tayo'y magkasama, laging sasabayan kita
Pinagsamaha'y nasa puso kaibigan kabarkada
Iharap natin ang layag sa umaawit na hangin
Kapit bisig tayong ang gabi ay hahawiin.
Ating liliparin may harang mang sibat
Ating tatawirin daluyong ng dagat
Pagkat kasama mo ako iisang bangka tayo
Anuman ang mithiin ay makakamtan natin
Ating liliparin may harang mang sibat
Ating tatawirin daluyong ng dagat
Pagkat kasama mo ako iisang bangka tayo
Ano man ang mithiin ay makakamtan natin."
Pagkatapos kumanta ay nagulat kaming lahat dahil isang malakas na palakpakan ang narinig namin.
"Wohoooooo!!!!!" Sigawan ng mga tao sa swimming pool. Pati ang mga nakatambay lang sa gilid ay nakipalakpak din, ganoon din ang mga staff ng hotel.
"Waaaa!!! May pa-flash mob sila. Hindi ko kinayaaa!!!" Narinig kong sigaw ng isang babae. Napangiti naman kaming lahat.
********
"Nakakapagod." Sabi ko habang pabalik kami sa mga kwarto namin.
"Magbanlaw na kaagad kayo ha? Para pupunta na tayo sa Manokan Country pagkatapos." Sabi ni mommy.
*****
"Dada, gaano po kalayo yung Manokan Country?" Tanong ni Stanley habang binibihisan ko sila ni Simon. Stanley is wearing a red maong shorts and his favorite white Superman shirt, habang si Simon naman ay naka green na maong shorts and Captain America shirt.
"Sasakay ba tayo ulit ng airplane dada?" Natawa naman ako sa tanong ni simon.
"Hahahahaha. Hindi anak. Malapit lang yung Manokan Country, siguro mga 15 minutes away lang from L'Fisher." Mukha namang contented na sila sa sagot ko.
********
"Ayan naaaa!!!! Sabi ni Wendy pagkapark ng van namin sa harap ng Manokan Country.
"Ganito po pala dito dada?" Sabi ni Stanley.
"Akala ko po katulad noong mga kinakainan natin sa mall, yung naka-aircon, hindi po pala." "Walang aircon sa Manokan Country anak. Tapos mamaya... Nakakamay tayo kapag kakain." "Oooo!!! Hindi sila nagbibigay ng spoon and fork dada?" "Pwede naman, pero yon kasi ang culture dito, parang boodle fight ang kainan pero sa plato pa rin." I explained.
"Tom hanap na kayo ng pwesto nyo." Sabi sa amin ni ate Rose.
"Paano po yung mga orders ate?" "Kami nang bahala. Orderin natin lahat ng available riyan. Basta maupo na kayo." Natawa naman ako dahil sa sagot ni kuya Armand. Kaagad na rin kaming naghanap ng lamesa na pwede naming pwestohan. Kasama ko sina Wendy, Roman at Lea.
"Dada, dito na lang tayo." Sabi ni Stanley tsaka ako dinala sa isang malaking lamesa.
"Stanley, mas malaki ba yung table dyan?" Tanong ni Lea sa kanya.
"Opo. Parang mas kasya po tayo dito e..." Tugon naman ng huli.
"Sige, dyan ka na umupo kuya." Sabi ni Wendy tsaka inilagay ang kamay ko sa upuan na nasa bungad ng lamesa.
*****
Dumating na ang mga order namin. Wings, legs, isaw, atay, pitso, balunan... Name it. Hindi ko alam kung inorder ba nila lahat ng nandoon ahahahaha.
"Maghugas muna tayo ng kamay." Sabi ni Wendy tsaka nauna nang magpunta sa lababo, kaagad naman kaming nagsisunuran sa kanya.
*****
"Attack!!!!" Sabi ni kuya armand matapos naming mag-pray. Kaagad naman kaming nagsimula sa pagkain. Nilagyan nila ng legs at isaw ang plato ko, dagdag pa ang chicken oil na talaga namang napakasarap!!!
"Naka-unli rice ba to?" Tanong ko.
"Oo. Unli rice tayong lahat, pati yung mga bata." Sagot ni mommy.
"Dada, ang laki ng chicken nila." Stanley said while eating.
"Oo nga kuya Tanley, baka yan yung chicken na lumapit sa atin kanina." Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Noah.
"Sandali, na-curious naman daw ako ahahahaha. Ano bang kwento ng manok na yan?" Tanong ni mommy.
"Hindi ko rin alam. Basta bigla na lang sumigaw si Noah kasi may lumilipad na manok ahahaha." "Hindi po. Kasi nakita ko na yon bago pa lumipad papunta sa amin. E hindi ko naman po alam na lalapit pala sya, nagulat na lang po ako malapit na sa amin." Kwento ni Stanley habang tumatawa pa.
"Jusme! Hindi ako maka-move on doon kanina ahahahaha. Sayang, hindi ko nakunan ng picture noong nakayakap si ate Lea kay kuya." Bigla namang uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Wendy.
********
"Tom, kanin pa." Sabi ni kuya Armand tsaka dinagdagan pa ang kanin sa pinggan ko. Nilagyan nya rin iyon ng isang stick ng atay, dalawang stick ng isaw at isang hita.
"Sige lang kuya, kaya pa." Sabi ko tsaka nagpatuloy na sa pagkain.
*****
"Dada, busog na po ako." Sabi ni Stanley.
"Okay na yan. Ang dami mo na ngang nakain Stanley e, pahinga ka muna, may Calea cakes pa ahahaaha." Sabi ni ate Rose.
"Okay na rin ako. Dalhin na lang natin sa hotel yung tirang chicken." Sabi ko.
"Oo nga. Tapos bago umuwi ng manila... Daan ulit tayo rito. Magdala tayo ng manok hahaahahahha." Wendy said.
********
"Calea cakes?" Sabi ni Stanley. Nakababa na kami ng van. Nasa harap nga namin ang nasabing tindahan ng mga cake.
"Masarap yung chocolate magpie nila anak, you must try it." Sabi ko.
"Grabe dada, hindi ka pa po busog? Ang laki na po ng tiyan mo..." Sabi nya na naging dahilan ng tawanan naming lahat.
"Tara na nga. Pumasok na tayo sa loob para hindi tayo nakakalat dito." Sabi ni mommy.
"So matick na? Chocolate magpie ang order nating lahat?" Tanong ko.
"Oo yon na lang, masarap yon." Kuya Armand replied. Ako na ang pumunta sa counter para mag-order.
*****
"Tom, ito na yung mga order natin." Sabi ni ate Rose.
"Oooo!!! Mukhang masarap. Dada, nawala na po yung busog ko." Sabi ni Stanley habang hawak ang tiyan nya, akala mo naman gutom talaga ahahahaha.
"Hati na lang kayo ni Simon anak ha? Baka kasi hindi nyo maubos kapag tig-isa pa kayo." Sabi ko. Fortunately they aggreed. Ganoon din naman ang ginawa ko kina Jacob at Noah. Hindi kasi kaya ng mga bata ang isang order ng chocolate magpie kaya hati-hati na lang sila para hindi naman masayang kapag hindi naubos.
********
"Dada, sobrang saraaaaap!!!" Sabi ni Stanley after naming kumain.
"Mukha ngang nasarapan ka anak. Tignan mo, pati yung mukha mo kumakain din ng cake." Sabi ko tsaka pinunasan ang pisngi nya gamit ang tissue paper. I also did the same for Simon.
********
"Huwag muna kayong matutulog ha? Busog pa kayo, kahit maya-maya na." Sabi ko. Nandito na kami ngayon sa kwarto namin. Grabe talaga ang busog ko. Halos makawalong kanin ka ba naman sa Manokan Country, tapos hindi ko na rin mabilang kung ilan yung manok na nakain ko. Plus yung Calea Cake pa, jusko!!!
"Dada, pwede ulit natin watch yung kay tita Lea?" Simon asked.
"Hmmm... Anong kay tita Lea anak." Yung nandoon sya sa big stage dada, yung pinanood namin nila kuya Cocob noong may sakit si kuya Tanley." Napaisip naman ako, ano yon? Ang dami nang big stage kung saan nag-perform si Lea.
"Baby, kasama ba si dada roon?" "No po, tita Lea lang..." "Hmmm, Les Miserables?" Yon lang ang naiisip ko.
"I don't know dada." Simon said with a sigh.
"Sige anak, papanoorin natin yung Les Miserables."
********
"And remember the truth that once was spoken
To love another person, is to see the face of God."
Grabe. Natapos ko yung isang buong show ng Les Miserables. Si Lea ang Fantine dito. Iyak lang ako nang iyak, lalo na noong lumabas ulit si Lea as Fantine's ghost para sunduin si Valjean. Yung    25th anniversary concert ang pinanood namin. Hindi ko kasi alam kung yung 10th or 25th anniversary ba yung tinutukoy ni Simon, kaya heto na lang ang plinay ko sa laptop ko. Tulog na silang lahat. Hindi na nila naabutan ang act two, doon pa lang sa confrontation nina Valjean at Javert ay nakatulog na si Simon. Habang sina Jacob, Noah, Stanley at Charlie naman ay naabutan pa ang simula ng act two. Inaantok na ako. Kaya naman niligpit ko na rin ang laptop ko tsaka ako nagpunta ng CR para gawin ang mga nighttime routines ko. Pagkatapos ko ay bumalik na rin ako sa kama.
"What a big day." Time to rest. I closed my eyes tsaka niyakap si Stanley.
"Good night boys." I whispered.
********
A/n
Hiiiii!!! Sana binabasa mo pa ito ahahahaa. Sabi ko nga po sa Chapter24... Magkakaroon po tayo ng Q and A sa Chapter25, at heto na po iyon. So ano nga ba itttong Q and A na ito?
Ang gagawin ko po kasing style ay parang interview sa lahat ng characters. Like para ko silang ini-interview, yung parang nasa presscon ganoon. So lahat po ng mga characters from Chapter1 hanggang Chapter25 ay present sa eksena. Note, kasama po rito yung mga magulang ni Stanley na nasa kulungan. So pwede nyo rin po silang tanungin. And speaking of that... May chance po kayong magtanong sa mga characters ng story na ito. Kahit anong klaseng tanong po... Sasagutin po nila yan. Ganoon din naman po sa akin. Pwede nyo po akong tanungin as a writer about sa story na ito, or pwede rin namang about sa characters.
Sana po mag-participate kayo. Pwede nyo pong i-post ang mga tanong nyo sa comment section ng chapter na ito, or pwede rin po sa timeline ko rito sa Wattpad. Pwede po kahit marami ang question ng isang tao, welcome po lahat yan.
Yon lang po, maraming salamat po sa sobrang suporta. As usual... Vote, Comment and Share. Maraming salamat po ❤️
Klo.

You Are Not Alone AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon