Tom's pov
"Simon? Um... Tita Lea and I... Tita Lea and dada are in love." "Hmmm?" Simon says in confusion.
"We are in love. It means... We are in a relationship." "R-relationship, dada?" "Yes Simon. I love tita Lea, love na love sya ni dada." I answered, hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, siguro ay dahil na rin sa relief. Sa wakas kasi ay nasabi ko na rin ang isang bagay na gustong-gusto ko nang aminin kay Simon noon pa...
"Y-you love tita Lea?" I nodded my head.
"You love... Love mo si tita Lea dada." "Oo anak, sobra." "You love tita Lea, dada. You love tita Lea." Sabi ni Simon. Hindi ko alam kung naiiyak ba sya or nakangiti... Then, bigla syang tumalikod, binuksan nya ang pinto ng office ko tsaka tumakbo palabas. Hindi ko alam kung saan sya papunta. Basta ang narinig ko na lang ay ang boses nina mommy, ate Rose, Wendy at Stanley na tinatawag si Simon. At ang isang malakas na pagkalabog na nanggaling sa taas.
"Tom, Anong nangyayari?" Tanong kaagad ni mommy pagkalabas ko ng office para sana sundan si Simon. Hindi ako makasagot, kasi kahit ako ay nabigla. Heto na nga ang kinatatakutan ko.
"Hindi ko rin alam, basta na lang kasi sya lumabas habang nag-uusap kami." "Ah, pero nasabi mo na ba?" Tanong ni ate Rose.
"Oo, pagkasabi ko nga bigla syang tumalikod. Tapos... Yon, bigla na lang tumakbo palabas." Pagpapaliwanag ko.
"Sandali, pupuntahan ko lang si Simon sa taas." Dagdag ko pa tsaka nagsimulang umakyat sa hagdanan.
*****
"Simon? Anak, nasaan ka?" Pagtawag ko ngunit wala akong natanggap na sagot. Hindi ko kasi alam kung saan sya pumunta kaya naman palakad-lakad lang ako habang hinahanap sya.
"Baby, saan ka na? Simon, please sumagot ka naman. Nag-aalala na si dada." Wala pa rin. Kaya naman sinubukan kong pumasok sa kwarto para doon sya hanapin. Wala sa kama, wala rin sa CR... Isang lugar na lang ang hindi ko pa natitingnan, sa ilalim ng kama... Sure enough, nandoon sya. Nakaupo habang umiiyak.
"Excuse me, have you seen a boy named Simon around here?" I said while tapping his shoulder.
"No. He answered coldly tsaka ako tinalikuran. I laughed a bit. Ang cute-cute pa rin kasi nya kahit nagtatampo.
"Bakit ka naman nandyan Simon? Malamok anak, tapos ang init pa, tingnan mo oh? Pawis na pawis ka na, halika. Labas na tayo." Sabi ko tsaka sinubukan syang kargahin, pero lumayo lang sya at inalis ang kamay kong nakahawak sa kanya.
"Simon... Kausapin mo naman si dada, please anak?" Hindi pa rin sya sumasagot.
"Nagugutom ka ba? Gusto mo... Um, gusto mo ba, maglluto si dada ng nuggets? Simon..." Kahit iling ay wala akong natanggap. Kaya kahit ayaw ko, kailangan ko muna syang iwan dito, baka kasi lalo akong hindi kausapin kapag pinilit ko.
"Sige, lalabas na lang muna ako. Pero bubuksan ko yung aircon para hindi ka mainitan dito, tapos kapag ready ka nang kausapin si dada... Nasa baba lang ako Simon ha? Love na lov ka ni dada." Sabi ko tsaka sya niyakap nang mahigpit kahit na ayaw nya. Matapos yon ay tumayo na rin ako para lumabas ng kwarto. Ngunit bago ko iyon gawin ay binuksan ko muna ang aircon tulad ng sinabi ko kanina.
*****
"Dada? Kumusta po." Halos ay mapatalon naman ako sa gulat nang bigla akong sinalubong ni Stanley pagkababa ko ng hagdan.
"Hindi nya ako kinakausap anak e, nandoon sya sa ilalim ng kama." I said.
"Hmm. Gusto mo po dada ako kumausap?" "Huwag na Stanley. Baka gusto nya muna mapag-isa." "Pero kawawa naman si Simon dada, sasamahan ko na lang sya doon. Please dada?"" Napahinga na lamang ako nang malalim tsaka tumango. Baka sakali kasing kausapin nya si Stanley.
"Sige. Samahan mo si Simon sa kwarto natin. I-hug mo sya anak ha? Love na love ko kayo." Sabi ko tsaka sya niyakap.
"Opo dada. I love you." Sabi ni Stanley tsaka umakyat na sa taas.
**
Stanley's povPagkapasok ko ng kwarto, nakita ko kaagad si Simon na nakaupo sa kama habang hawak yung pagong na stuffed toy nya. Buti na lang umalis na sya sa ilalim, hindi po kasi ako kasya doon, hindi ko sya masasamahan kapag nandoon sya.
"Simon, wede ba akong tumabi sayo?" Hindi sya sumagot. Tiningnan lang po nya ako nnang mabilis.
"Uupo ako ha?" Tumango lang sya.
"Bakit ka umiiyak?" Hindi pa rin talaga sya sumasagot. Akala ko nga hindi na talaga sya magsasalita e, pero maya-maya lang ay nagsalita na rin.
"Kuya Tanley, hindi na ba tayo love ni dada?" Nagulat ako sa itinanong nya.
"Ha? Bakit mo naman naisipp yan?" "Kasi, kuya Tanley. Sabi ni dada... Love na love nya daw si tita Lea. Ayaw na sa atin ni dada kasi hindi na nya tayo love." Hmm... Paano ko ba ipapaliwanag kay Simon to? Hindi ko po alam kung anong sasabihin. Kasi sa totoo lang po... Ang alam ko lang ay mahal nina dada at tita Lea ang isa't-isa. Parang sina tita Wendy at tito Roman. Pero alam ko rin na hindi naman ibig sabihin na mahal nila ang isa't-isa ay kakalimutan na nila kami. Kasi nakikita ko naman po na hindi ganoon sina tita Wendy kay Cocob tsaka kay Noah e, naisip ko tuloy... Kapag nagpakasal kaya sina dada tsaka si tita Lea, magkakaroon na kami ng mommy? Kaso lang papayag kaya si tita Lea?
"Simon,, hindi ganoon yon. Um... Di ba, mag-asawa sina tita Wendy tsaka si tito Roman?" "Uhum. Pati si ate Rose and kuya Armand." "Oo Simon, ganoon nga. Pero di ba, love naman nila tita Wendy sina Cocob? Pati si Cj tsaka si Charlie, mahal sila nina ate Rose." Tumango lang si Simon pero nakatingin na sya sa akin. Kanina po kasi doon lang sya sa pagong nakatingin.
"Parang ganoon din si dada tsaka si tita Lea. Alam mo ba? Narinig ko yung usapan nilang dalawa noong bago pumunta sina tito Ramin dito sa bahay...
**
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone Anymore
FanfictionThe story tells about a 29-year-old blind man named Tom Alfred Santos, who is a famous musician and theater actor in the Philippines and around the world. Despite his success, he feels something is missing in his life, which he believes is having a...