Anizza's pov
Haluuuu!!!! Happy morning. O bakit, may nakakatawa ba? Ha? Happy morning pa lang ang sinasabi ko grabe na kayo kung makatawa. Para sabihin ko sa inyo... Birthday ko ngayon kaya huwag nyo akong inaano hahahahahaha! Actually noong isang araw pa talaga, birthday ngayon nina Jacob at Noah. At para makatipid... Ngayon na lang din ako mag-ce-celebrate ng birthday ko, o bakit, may aangal ba? Wala? Mabuti naman hahahahahaha! Sabi ko nga... Para makatipid, hellooo!!! Hindi naman kami mayaman ano? Tsaka isa pa.... Mas marami ang handaan kasi nga, tatlo ang magdiriwang ng kanilang kaarawan, o di ba bongga? Hali nga kayo at samahan nyo ako. Mamamalengke tayo...
"Rose, halika na." Sigaw ko mula sa labas ng bahay, sya kasi ang kasama ko papuntang palengke. Grabe, halos 25 years na pala naming kasama tong babaeng to hhahahahaha. Six years old kasi si Tom nang mapunta sa amin si Rose. Kaya naman sobra talaga ang tiwala ko sa kanila ni Armand na naging boyfriend nya makalipas ang isang taon nyang pagtatrabaho sa amin. Nagkakilala sila doon sa ihaw-ihaw na nasa park ng subdivision namin dati, at sinasabi ko sa inyo, matatawa talaga kayo kapag nalaman nyo ang mga pangyayari noong unang beses na magkita sila hahahahahahaha. Ikinasal naman sila noong nine years old si Tom, at pagkatapos nga nang dalawang taon ay doon na pumasok si Armand sa amin bilang driver.
"HUY!" Napapitlag naman ako dahil sa biglang pagsulpot nito ni Rose sa likuran ko.
"Punyeta ka!" Pareho naman kaming nagtawanan. Kahit nga kasambahay namin si Rose at driver naman si Armand... Hindi namin sila kahit kailan itinuring na iba, kaya nga ganyan-ganyan lang kami mag-usap e, kasi naniniwala ako na kapag mabuti ang ipinakita mo sa isang tao ay higit pa roon ang isusukli nila sayo. At tingin ko nga tama ako, kasi tignan nyo naman. Hindi sa ipinagyayabang ko ha? Bibihira ang mga tao na nakakasamaan namin ng loob, at sobra naman akong natutuwa dahil maging sina Tom at Wendy, pati sina Roman at Lea na rin sige hahahahahaha. Maging sila ay nakuha na rin ang ganoong pag-uugali. Halos mga bata pa kasi ang mga yan ay sila-sila na talaga ang magkakasama. Madalas pa ngang mag-sleepover sa amin sina Roman at Lea e, at tignan nyo naman ngayon. May dalawang anak na sina Wendy at Roman, tapos going strong naman ang relationship nina Tom at Lea. Speaking of Lea... Bigla kong nakita ang sasakyan nya na pumarada sa harap ng nagmamaganda naming bahay hahahahaha. At wait, kasama nya si Ligaya Joy!!!!
"Ay pack!!! Ang aga ni Lea Salongga oh?" Sabi ni Rose habang hawak-hawak ang dalawang malalaking bayong na ipinakuha ko sa kanya.
"Of course ate Rose, kailan po ba ako na-late pagdating sa inyo?" "Sus! Sa kanila ba talaga, o baka naman kay Tom lang?" Sabi ni ate Gay pagkababa nnya sa sasakyan nila.
"Oo nga Lea, sige na, hindi naman kami magtatampo kung sasabihin mong si Tom lang talaga ang dahilan ng pagpunta-punta mo rito." Sabi ko na naging dahilan naman nang pamumula ng magkabilang pisngi ng huli.
"Saan kayo punta Anizza?" "Sa palengke, maghahanap ng gwapo." Sagot ko na ikinatawa naman naming apat.
"Eme lang, bibili kami ng mga lulutuin mamaya." "Uy sama naman ako." "Sige, sumama ka na rin para masaya." "Sabi ko tsaka sya inabutan ng bayong.
"Lea, pakitulungan na lang si Wendy Marie ha? Gagawa raw kasi sya ng cake tsaka sushi." "Ay sige po tita, ako na po bahala sa sushi." "Oo sige, nandoon sya sa kusina kasama sina TOM." Talagang diniinan ko ang pagbanggit sa pangalan ni Tom hahahahahaha!
"Una na kami ha?" Sabi ko tsaka nauna nang maglakad.
"Oy maglalakad lang talaga tayo?" Tanong ni ate Gay makalipas ang ilang minuto.
"Syempre sasakay tayo ng tricycle palabbas ng subdivision, pero medyo malayo kasi ang sakayan dito e, kaya lalakarin natin." "Sabagay, okay lang kasi hindi pa naman ganoon kainit e, tsaka kailangan natin ng exercise hahahahaha." Sabi ni ate Gay.
*****
"Diretsuhin na lang kaya natin hanggang doon sa may palengke? Mamaya na tayo sumakay ng tricycle pauwi." Sabi ni ate Gay. Hindi kasi namin namalayang lumampas na pala kami doon sa sakayan.
"Sige, para hindi rin sayang sa pamasahe. Ang mahal na kaya, bente ang palabas hahahahahaha." "Hala totoo ba? Grabe naman, buti pa yung pamasahe nagmamahal." Nahampas ko naman sa braso si ate Gay dahil sa sinabi nya.
"Huy! Bakit may paganyan-ganyan ka nang nalalaman ha?" "Wala, naisip ko lang yon hahahahahaha." "Akala ko seseryosohin mo e, tulak talaga kita dyan hahahahaha." "Loka-loka hindi." "Di ba sinabi ko naman na sayo noon na ayoko nang maghanap pa ulit nang iba?" Napatango na lamang ako sa sinabi ni ate Gay, parehong-pareho kasi kami nang ipinaglalaban pagdating sa bagay na yan.
"Ay naku ako rin, dalang-dala na ako roon sa naging experience ko hahahahaha. Hayop, hindi ko nga lubos maisip na iniyakan ko nang todo ang siraulong lalaking yon dati, kapag nga naaalala ko ngayon natatawa na lang talaga ako hhahahahaha!" "See? Sinabi ko naman kasi sayo di ba? Yang mga lalaking ganyan... Hindi sila worth it na iyakan o panghinayangan, buti sana kung kagwapuhan, e putang ina mukha namang bangkay." Napatawa naman ako nnang malakas dahil sa sinabi ni Rose. Ipinakita ko kasi sa kanilang dalawa ni Armand ang picture ng tatay nina Tom dati.
"Seryoso ba? Hindi ko pa kasi nakikita yung mukha noon e..." Sabi naman ni ate Gay.
"Hahahahahahaha oo, buti na nga lang hindi sya ang naging kamukha nina Tom." "Pero huy, hindi ba talaga sya nagbigay ng sustento kina Tom kahit minsan?" "Hindi, simula nang umalis sya hanggang sa pagpunta ni Tom sa London wala akong natanggap sa kanya ni singkong duling, kaya huwag syang mayabang. May karappatan din naman daw syang makita at makasama si Tom, Okay lang naman sana e, ang kaso... Nagparamdam lang sya ulit sa akin noong nanalo si Tom ng Tony sa Miss Saigon." "Ah... Yon yung nag text sya sayo di ba?" Tumango naman ako bilang tugon sa tanong ni ate Gay.
"Hindi ko nga alam kung saan nya nakuha ang number ko e, gago ba sya? Ang daming pagkakataon para mabisita o makita manlang nya sina Tom, tapos tsaka lang sya magpaparamdam noong sumikat na? ULOL! Wag na uy, kung hindi ba naman sya isa't kalahating gago." Halos ay umusok na ang ilong ko habang nagsasalita.
"Pero alam naman ng dalawa ang totoong nangyari di ba?" "Oo naman. Sinabi ko lahhat yon sa kanila, wala akong nilihim ni isa. Kaya as expected... Galit na galit sila." "Pero hindi mo sila masisisi kung bakit." Sabi ni Rose.
"Oo, oo. Alam ko naman yon. Nagalit nga sa akin ang damuhong lalaki, baka raw sinisiraan ko sya sa mga anak nya kaya ayaw kong ipakita sa kanya. E sabi ko... Hindi ko na sya kailangang siraan pa, dahil matagal na syang sira." Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa sinabi ko.
"Seryoso nga, yon talaga ang sinabi ko. Hindi ko naman na kailangang diktahan pa sina Tom kung anong mararamdaman nila e, tsaka hindi ako natatakot na mas gugustuhin nina Tom na makasama sya, matapang ako pagdating sa bagay na yon, at naninindigan talaga ako na hindi na nila gugustuhin pang makita o makausap manlang ang hayop na yon."
********
Tom's pov
BINABASA MO ANG
You Are Not Alone Anymore
FanfictionThe story tells about a 29-year-old blind man named Tom Alfred Santos, who is a famous musician and theater actor in the Philippines and around the world. Despite his success, he feels something is missing in his life, which he believes is having a...