(Chapter 2) - Crushes and Courtships

4.1K 60 35
                                    

Three Colors of Love

(Chapter 2 – Crushes and Courtships)

 

 JULIAN

It’s a Friday afternoon. Maga-alas-kwatro na ng hapon. Ilang minuto na lang at matatapos na naman ang klase. Thank God it’s Friday, ika nga nila. 

But I feel so lonely, siguro dahil absent ang seatmate at best friend ko na si Denise. Hay, I miss her, kahit isang araw lang kaming hindi nagkita. 

“Rrrrrriiingg!” tunong ng dismissal bell. It’s time to go home. 

“Uyyyyy, nami-miss mo ang girlfriend mo, ano?” natatawang tukso sa ‘kin ng mga kaklase ko. 

“Hindi ko siya girlfriend. Nakakahiya sa kanya pag nalaman niya.” nahihiyang sabi ko. Sabi naman ng iba ay namumula na daw ako. 

Alam kasi nilang close kami ni Denise. Best friends kami in class eh. Seatmates kami sa lahat ng subjects. Tapos siya pa ang kasama ko laging mag lunch. Masaya ako kapag kasama siya. Masaya ako kapag lagi siyang nakikita. 

Bumaba na ako ng building. Hinintay ko na lang ang mga kaibigan kong sina Louie at Louise sa park na katapat. Labasan na din kasi nila. Si Louise, hanggang gabi pa talaga ang klase pero hindi daw dadating yung professor nila. 

“Uy, pare!” sigaw ni Louie while wearing his Med Tech uniform with a black backpack. 

“Saan tayo tatambay?” mabilisang tanong ni Louise na naka blouse at slacks. Dala-dala niya ang kanyang mga gamit na pang-drawing at pang-design. 

“Kayo, saan niyo gusto?” tanong ko sa kanila. Parang wala din kasi ako sa mood na gumala ngayong hapon. Maya-maya lang ay may biglang tumawag sa ‘kin. 

“Julian! Julian!” 

That familiar voice. Napalingon tuloy ako. She was running towards me. May dala-dalang folder. Pagtigil niya ay humihingal-hingal pa siya. 

“Eto na yung report natin. Sorry kung nag-absent ako. May pinuntahan lang kami ng father ko.” hinihingal na sabi niya. 

She is Denise Allen, ang best friend ko sa klase. And for your information, she’s my dream girl. She’s the girl whom I want to marry and bring to the altar. 

Isa siyang Amerasian, or Fil-Am sa mga nakararami. She’s white as snow, sabi nga ng ilan. She has this wavy hair, hazel brown eyes, and kissable lips. Kahawig niya nga si Emma Watson ng Harry Potter. Ganun siya kaganda. Pero more than 15 years na silang nandito sa Pilipinas, kaya naman para din siyang Pinoy talaga kung magsalita at kumilos. 

Crush ko na siya since freshman year, pero torpe talaga ako dahil g-graduate na kami, eh hindi ko pa naaamin ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi naman sa biased ako, pero I’ll say na siya ang pinakamagandang babaeng nakita ko dito sa UST. She’s the sweetest person ever. 

Kaya naman, pinagseselosan din ako ng ibang mga lalake sa school. Nakakasama ko daw kasi siya Mondays to Fridays, 8 hours a day. Madami na ngang nanliligaw sa kanya, pero hindi niya ine-entertain. 

“Salamat. Nag-abala ka pa. Eh sabi ni Ma’am, pwedeng sa Monday na lang daw natin ipasa iyan.” nakangiting sabi ko habang kinuha ko ang folder na naglalaman ng assignment naming dalawa.

“Okay lang. Na-miss lang kasi kita.” nakangiting sabi niya. 

Muntik na akong mag-blush sa sinabi niya. 

“H-ha?” nauutal kong sabi. 

“Bakit, hindi mo ba ako na-miss? Wala ka sigurong kasamang mag-lunch kanina. Wawa naman si Julian.” pa-baby talk niyang sabi habang kinukurot-kurot ang pisngi ko.   

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon