Three Colors of Love
(Chapter 8 –Eleventh Hour)
“Kadiri ka!” sigaw ni April sa binatang nakayakap sa kanya.
Kanina pang humihingi ng tulong ang dalaga pero walang nakakarinig sa kanila. Natatakot na talaga si April dahil kanina pa siyang hinahalikan.
“Ang ganda mo talaga, April. Swerte ni Jake sa ‘yo.” sabik na sabik na sabi ng binata.
Sa pisngi, sa noo, sa leeg, walang tinitirang halik ang binata. Iniiwas lang ni April ang mga labi niya para hindi matamaan.
Lalo pang kinabahan si April nang sinimulan ng binatang tanggalin ang mga butones ng blouse niya.
“Huwag! Huwag!” naiiyak na sigaw ni April. Tuloy pa din sa pagbubukas ng butones ang binata.
Agad kumilos si April. Hindi na siya makatiis sa ginagawa sa kanya. Oras na para siya ay lumaban.
“Yaaaa!!!” biglang sipa ni April nang malakas.
“Aray!” daing ng binata.
Lingid sa kaalaman ng marami, nag taekwondo lessons si April last summer, at ngayon ay mukhang mai-aapply na niya ang kanyang mga natutunan sa tunay na buhay.
“Yaaaa!!!” isa pang tabig nang malakas sa ulo ng binata ang ginawa ni April, at dahil lasing na din ang binata, ay nahihilo-hilo na rin ito.
Pero, hindi pa rin sumusuko ang lalake. Kahit patumba-tumba pa itong kumilos, si April pa rin talaga ang target niya. Nakakatayo pa ito at may gana pang gahasain ang dalagita.
“Hala…” natatakot na sabi ni April.
At bago pa man makalapit uli ang binata, biglang bumukas ang pinto. Malakas ang pagkakasipa dito kaya nabuksan, kahit naka-lock.
“Kuya Julian!” sigaw ni April.
Agad sinugod ni Julian ang binatang gagahasa kay April. Agad niya itong pinatikim ng isang malakas na suntok. Muntik na ding tumilapon ang rapist. Biglang nakakita si Julian ng dos por dos at binuhat para takutin ang rapist.
“Huwag! Huwag!” takot na takot na sabi ng rapist na naiihi sa kaba.
“Wala ka pala eh!” mayabang na sagot ni Julian.
Biglang pinasok ng mga pulis ang kwarto. Nagpasama si Julian sa kanila for support and protection. Agad nilang dinakip ang rapist at nilagyan ng posas ang mga kamay.
“Okay ka lang, ha?” nag-aalalang sabi ni Julian kay April.
Wala nang sinayang pang panahon si April. Agad siyang yumakap nang mahigpit na mahigpit kay Julian. Bigla siyang umiyak nang malakas.
BINABASA MO ANG
Three Colors of Love
Teen Fiction"No girlfriend since birth" This has been Julian's tag for 20 years. Being a hopeless romantic, he is bound to find different kinds of love in 3 girls who will change his life. This sequel of "My Girl, My Friend" tackles issues on friendship, love...