(Chapter 16)

2.4K 61 49
                                    

<------------ Click to VOTE. I really need votes every chapter. Please do me a favor, and support Three Colors of Love, the last story of the MGMF franchise :)

In return, I would be churning out better story lines and give you nice updates. 

Three Colors of Love

(Chapter 16 – My Twenty-First, With My First)

Kabado si Louie sa pagpasok sa klase. Alam niya kasing magkikita na naman sila ni Bridget, ang babaeng kinakatakutan niya. Bigla din niyang naisip na kahit papaano ay nagagandahan na siya sa dalaga. Mas okay na din ang pagkilos at pananalita niya kaysa noon. Pero hindi pa rin talaga siya mapakali.

Tamang-tama ang pagpasok ni Louie. Kadarating din lang ng professor at magsisimula pa lang ang klase. Laboratory time nila ngayon. Madami nang occupied seats kaya wala siyang choice kundi ang tumabi kay Bridget.

“Right on time.” nakangiting sabi ni Bridget sa binata. Hindi siya pinansin nito.

“Okay, you may now sit down.” sabi ng professor, sabay upo ng mga estudyante.

Tahimik lang ang lahat habang mag-isang nagsasalita ang professor. Dahil unang beses nila sa laboratory class, in-introduce niya ang mga rules at grading system.

“Now, look at the person beside you, class.” nakangiting sabi ng professor.

Dahan-dahan namang tumingin si Louie sa nakangiting si Bridget. Para siyang batang nakakakita ng white lady.

“Ang ganda ko ‘no?” tukso ni Bridget sa binata. Hindi makasagot si Louie. Alam niyang maganda nga si Bridget. She’s hot, pero naiilang pa din siya.  

“The person beside you… will be your permanent lab partner for the rest of the semester. That’s why you have to know your seatmate.” paliwanag ng professor.

“What?” shocked na reaksyon ni Louie. Hindi siya makapaniwala na makakasama niya lagi si Bridget sa experiments at projects.

“O, hindi ko ginusto ‘yan ah. Si Prof na ang nagsabi.” umiirap na sabi ni Bridget.

“Kung ano mang pina-plano mo, wag mo nang ituloy.” sabi ni Louie.

“Baliw ka ba? Ano bang sinasabi mo? Wala akong ginagawa sa ‘yo ah. For your information, nag-iba na ako. I have matured. Biniro lang kita kahapon ‘no!” paliwanag ni Bridget.

“Okay, fine. Sana nga.” sabi ni Louie.

Pagkatapos ng classes ni Louie ay agad siyang dumiretso sa kanyang kotse kung saan kanina pang naghihintay ang girlfriend na si Denise. As usual ay excited na naman siyang makita ang girlfriend.

“Hey, princess!” natutuwang sabi ni Louie sabay kiss kay Denise.

“O, ano, kain na tayo.” nakangiting sabi ni Denise.

Bago pa man makasagot si Louie ay biglang may sumigaw na boses babae. Tinatawag nito si Louie.

“Louie! Louie!”

Lumingon ang binata at nagulat siya nang makita si Bridget na tumatakbo papunta sa kanila.

“O, bakit?” naiiritang tanong ni Louie.

“E-eto. Yung G-Tec pen mo, nakalimutan mo. Mahal pa naman ‘yan.” hinihingal na sabi ni Bridget.

“S-salamat.”

“Girlfriend mo?” biglang tanong ni Bridget kay Louie.

“Ahh, oo. Si Denise.” sagot ni Louie.

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon