(Chapter 25)

2K 51 44
                                    

<------------ Click to VOTE. I really need votes every chapter. Please do me a favor, and support Three Colors of Love, the last story of the MGMF franchise :)

In return, I would be churning out better story lines and give you nice updates.


Three Colors of Love

(Chapter 25 – The Time Has Come)

 

 

“Kumusta ka na, Julian?” nakangiting sabi ni Father Billy.

Matagal na ring hindi nakikita ni Billy si Julian, pati na rin ang kaibigang sina Alvin at Julie. For the past 5 years kasi ay naging busy na siya sa mga charity at missionary works sa iba’t-ibang sulok ng mundo. Ngayon lang ulit siya nakabalik ng Pilipinas.

Kagaya ni Alvin ay 55 years old na din si Billy Lazaro. Matanda na, pero mestizo at may itsura pa din. But now, if you’ll look at him, wala na siyang trace of being a playboy or a womanizer. Firm at mild na ang kilos niya.

“Father, kailan po ulit kayo nakabalik dito?” tanong ni Julian.

“Last week lang. Ikaw, saan ka papunta? Nagmamadali ka yata?” natatawang sabi ni Billy sa binata.

Hindi nagsalita si Julian.

“Mukhang mabigat yung problema mo ah.” pansin ni Billy sa mukha ni Julian.

“Opo. Family problem.” mahinahong sabi ni Julian.

“Gusto mo ba ng kausap? I would be willing to listen. Remember, I’m a priest.” nakangiting sabi ni Billy.

“Mabuti pa nga po. Hindi ko na po kasi alam ang gagawin ko.” sabi ni Julian.

Nagconvoy na lang sina Julian at Billy papunta sa parish kung saan nakadestino ngayon ang pari. They sat in a pew and Julian started to tell the story. Nakinig lang nang mabuti si Billy.

“So, bakit ka nag-guilty? In the first place, wala ka namang masamang intensyon when you posted your story online. Medyo iniba mo pa nga yung details, sabi mo, diba?” tanong ni Billy.

“Kahit na po. Feeling ko, they have the right to blame me. Parang ako yung nag-trigger kay Nathan to get back at us, and I feel bad. Hindi nga po ako makatingin kay Dad nang diretso kanina. Pakiramdam ko, pinahamak ko ang pamilya ko. I felt that I exploited my family!” nakayukong sabi ni Julian habang naiiyak na sa sobrang bigat ng dinadala.

“No… no… you didn’t exploit them.” sabi ni Billy habang hinahaplos ang balikat ni Julian for comfort.

“Now my family is at risk right now. Malamang sa malamang, babalik din si Nathan.” malungkot na sabi ni Julian.

“You’re just a creative guy, Julian. What you did, was just a form of expressing yourself, through writing. Nagkataon lang na may hindi natuwa sa ginawa mo. You can’t please everyone, after all.” advice ni Billy.

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon