(Chapter 19)

2.1K 52 30
                                    

<------------ Click to VOTE. I really need votes every chapter. Please do me a favor, and support Three Colors of Love, the last story of the MGMF franchise :)

In return, I would be churning out better story lines and give you nice updates.

Three Colors of Love

(Chapter 19 – Shadows Strike Back)

“Julian? Bakit ka ba nagkakaganyan? Pinsan mo ‘yun, kaya wala dapat problema sa ‘yo kung makikitira siya dito!” galit na sabi ni Julie sa anak.

“Mayaman naman po sila diba? Bakit hindi na lang siya mag-hotel o umupa ng apartment?” tanong ni Julian.

“Ano ba talagang problema mo sa kanya? Hindi kita pinalaking ganyan, anak!” galit na sabi ni Julie.

“Nayayabangan ako sa kanya, Mommy! We’re not in good terms!” pasigaw na sabi ni Julian. Naiirita kasi siya kapag napapag-usapan na naman ang pinsan niya.

“Hindi siya mayabang! Ikaw lang ang nag-iisip niyan. Saka, huwag mo akong sisigawan. Nawawalan ka na ng respeto sa ‘kin!” firm na sabi ni Julie na parang nagtitimpi na lang ng galit.

“Your mother’s right, Julian. Nung bumisita tayo sa kanila, nakita ko naman siya at nakausap. Wala akong problema sa kanya. Mabuti nga siguro na dito muna siya, para magkaayos kayo.” biglang sabi ni Alvin.

“Sorry po, Mommy. Sorry po, Dad.” nakayukong sabi ni Julian. Alam niyang mali ang mga nasabi niya sa kanyang mga magulang.

Natapos ang kanilang dinner at lumabas muna sa porch si Julian kasama si Louise, na naghihintay na sunduin ng twin brother na si Louie. Gustong magpakwento ng dalaga tungkol sa dahilan ng pagka-inis ni Julian sa kanyang pinsan.

“Bakit ka ba galit na galit kanina? Mamamatay tao ba ‘yung Andrew?” natatawang sabi ni Louise.

“Malalim lang talaga yung pinanggalingan ng pagka-irita ko sa kanya. In other words, mahabang kwento.” malungkot na sabi ni Julian.

“Bilis na! Magkwento ka na! Matatagalan pa si Louie. Please!” nagmamakaawang sabi ni Louise habang sinusundot ang pisngi ng kanyang boyfriend.

Bumuntong-hininga ang binata. Maya-maya ay napilitan na din siyang magkwento. Nakangiti naman si Louise dahil na-persuade niya si Julian.

“Okay. Aaminin ako. Insecurities yung ugat nito!” panimulang sabi ni Julian.

“Bakit?” tanong ng dalaga.

Nagkwento si Julian mula sa simula. He suddenly remembered the day when they visited the Vergara ancestral house in Bulacan for a grand family reunion. He was 7 years old. They were still living in the States, pero bumisita sila dahil nga sa request ng lolo niya na si Mr. Julius Vergara, ang nakatatandang kapatid ni Jun Vergara, na tatay ni Julie.

Tahimik at mahiyaing bata si Julian kaya lagi lang siyang nakakabit sa tatay niya na si Josh. May isang mahabang dining table sa garden kung saan nakaupo ang bawat miyembro ng pamilya. It was time for lunch. Nagtatakbuhan at naglalaro naman yung ibang mga bata.

“O, nandito na pala yung mga bakasyonista!” natatawang sabi ng matandang si Mr. Vergara.

“Julian, mag-bless ka sa lolo mo.” biglang bulong ni Josh sa anak, kaya agad itong lumapit para magmano.

Pagkatapos ay tinitigan ng matanda si Julian mula ulo hanggang paa. The kid looked white and pale sa paningin ng kanyang lolo.

When it was time for them to eat, Mr. Vergara suddenly called his favorite grandson, Andrew, who was also 7 years old. Months lang ang tanda niya kay Julian. The kid ran to his grandfather, smiling.

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon