(Chapter 11)

2.8K 76 24
                                    

<------------ Click to VOTE. This is the first time that I'd be doing this. Hehehe. I really need those every chapter. Please do me a favor, and support Three Colors of Love, the last story of the MGMF franchise :)

In return, I would be churning out better story lines and give you nice updates. 

Three Colors of Love

(Chapter 11 – Magic Words)

 

 

Maagang nagising si April dahil excited siyang pumasok. Excited siya hindi dahil sa mismong school, kundi dahil ihahatid na naman siya ni Julian. Nagiging favorite moment na ng dalagita ang pagiging magkasama nila sa kotse.

Nauna na si Julian sa labas dahil kinokondisyon pa niya ang kotse. Nilalagyan pa niya ito ng konting tubig. Lately kasi ay laging nago-overheat ang sasakyan niya. Maya-maya ay lumabas na rin si April.

“Kuya, let’s go!” excited na sabi ng dalagita.

Nagulat si Julian sa kanyang nakita. Napansin niyang nag-iba ang ayos ni April.

Kung dati-rati ay sophisticated at intimidating lagi ang ayos at bihis niya, ngayon ay naging simple na lang. Ganun pa din naman ang uniform niya – white blouse with blue skirt. Compared sa dating wavy hair, naging straight na ang buhok niya na may nakalagay na headband.

Naalala tuloy ni Julian ang kanyang nanay na si Julie noong teenager pa lang. Ganyan-ganyan din ang ayos, kung titingnan sa mga lumang litrato.

Ang hindi alam ng binata, tiningnan talaga ni April ang mga lumang pictures ni Julie noong high school pa ito para gayahin ang porma at ayos. Nabasa din niya kasi ang kwento nila Alvin at Julie, kaya she is hoping na baka ma in-love din sa kanya si Julian.

“Wow, new look ah.” bati ni Julian.

“Okay ba?” mahinhin na sabi ni April. Pati ang pagiging soft-spoken ni Julie ay ginagaya niya.

“Okay. Mas gusto ko nga yung ganyan eh. Mas approachable ang dating mo. Saka, naging mas cute ka.” nakangiting sabi ni Julian.

Natuwa si April sa narinig.

“Talaga?” sabi niya.

“Oo. Tara na.” sabi ni Julian.

Agad namang tumakbo si April papunta sa sasakyan. Pagkasakay nilang dalawa ay may napansin na naman si Julian.

“Hmm… nagbago ka ng pabango?” tanong niya.

“Ahh oo. Nabo-bore na ‘ko sa dati kong scent eh. Kaya nagpalit ako. Bakit, hindi ba maganda yung amoy?” nakangiting sagot ni April.

“Okay naman. Pero, nagtataka lang ako. Sigurado ka, okay ka lang?” natatawang sabi ni Julian.

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon