(Chapter 4) - When Stars Fall Down

3.1K 51 34
                                    

Three Colors of Love

(Chapter 4 – When Stars Fall Down)

 

 

Natulala lang bigla si Julian. Hindi siya makapagsalita. Tumigil ang mundo niya.

“Hello, Julian? Nakikinig ka ba?” tanong ni Denise.

“H-ha? Ano ulit iyon?” nauutal na sabi ni Julian.

“Si Louie, crush ko. Nahihiya na nga akong ulit-ulitin eh.” nahihiyang sabi ni Denise.

Hindi alam ni Julian ang sasabihin. He did not expect this scenario. Ang worst case na napaghandaan niya ay ang magagalit si Denise sa pag-amin niya. Pero mas nagulat siya sa nangyari.

“Julian, are you okay? Parang namumutla ka yata.” nag-aalalang sabi ni Denise.

“Ah, hindi. Nabusog lang talaga ako sa kinain natin. Sarap kasi eh.” naiilang na sagot ni Julian.

“Ayun, nasabi ko na.” pahabol ng dalaga.

Nagpasya na lang si Julian na sakyan ang dalaga.

“Mabait si Louie. Madaling kaibiganin. I’m sure, he’ll be interested in you, too.” labas sa ilong na sabi ni Julian.

“Talaga?” mabilis na tanong ni Denise.

“Yeah. Bakit mo nga pala nagustuhan si Louie?” biglang tanong ni Julian.

Bumuntong-hininga muna ang dalaga at nagkwento.

“Matagal ko na siyang nakita sa field. He was playing football. He caught my eye. It was like ‘love at first sight’. Ang gwapo niya.” kinikilig na pagkukuwento ni Denise.

“And then?”

“Ayun. Akala ko nga hanggang tingin na lang ako sa kanya. Tapos nalaman kong kaibigan mo pala. Sobrang tuwa ko nung first time kaming mag-meet at mag-usap. Kung alam mo lang.” patuloy na kwento ng dalaga.

Nawala na sa mood si Julian. Tahimik na lang niyang kinuha ang bill ng kinain nila. Hindi na rin masyadong napansin ni Denise ang pagka tahimik ng binata dahil na rin sa pagd-daydream kay Louie.

**********************

Maagang umuwi si Julian sa bahay. Wala pa si April, pero naabutan niya pag-uwi sina Alvin at Julie na nagme-merienda, kasama si Apple, na nilalaro lang ang spaghetti na nasa mesa.

“Hey, buddy! Merienda ka muna. Mukhang pagod ka ah.” sabi ni Alvin.

“Thanks, Dad. Busog po ako eh.” matamlay na sabi ng binata.

“Ahh, oo nga pala. Nag-date kayo kanina ni Denise. Kumusta naman? Ano? Sinagot ka na niya?” excited na pagtatanong ni Alvin sa anak.

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon