Special Chapter - Part 2

2.4K 54 43
                                    

<------------ Click to VOTE. I really need votes every chapter. Please do me a favor, and support Three Colors of Love, the last story of the MGMF franchise :)

In return, I would be churning out better story lines and give you nice updates. 

Three Colors of Love

(Special Chapter – Kids, Meet Your Parents: Part 2 of 2)

 

“Ahh, wait. What’s your name?” malanding tanong ni April.

“I’m Josh. Ikaw? Transferee ka ba dito? Bakit hindi ka naka-uniform?” nakangiting tanong ng binata.

“Ahh, what a nice name. I’m April. Transferee nga ako. Mamaya pa lang ako bibili ng uniform.” palusot ni April habang hinahaplos haplos ang sarili niyang buhok.

“Kung ganun, bilisan mo, magsasara na yung store kung saan makakabili ng uniforms. Gusto mo, samahan kita?” alok ni Josh.

“Ahh okay. But wala akong dalang extra money today eh. Baka hindi rin pala ako makabili. Poor me.” malanding sabi ni April habang nagpapa-cute kay Josh.

“Okay lang. Samahan na din kita para malaman mo kung saan yung store.” nakangiting sabi ni Josh sabay hawak sa kamay ni April.

Hindi na nagdalawang-isip pa si April at nagpasama siya kay Josh para lang mamasyal. Up to now ay wala pa din siyang clue na ‘yun ang tatay ni Julian.

“Um, ilang taon ka na?” tanong ni April kay Josh.

“14, turning 15 this August.” nakangiting sabi ni Josh.

“Wow, baby ka pa pala. Ako naman, I’m 16, going on 17.” biglang banat ni April.

“So, ate pala kita. Hehehe. Ate April.” nakangiting sabi ng binata.

“How dare you!”

“Ha?”

“Ahh wala. Joke lang ‘yun. Nabigla lang ako.” biglang bawi ni April sa kanyang sinabi.

Habang naglalakad sina April at Josh ay nakasalubong nila sina Julie, Julian, Lia at Louie.

“Hi, Josh!” bati nina Julie at Lia sa kaibigan.

Natigilan si Julian sa nakita. Gusto niyang kurutin ang sarili niya. Sana lang daw ay hindi siya nananaginip. Sa sobrang pagka-miss ni Julian sa kanyang ama, hindi na niya napigilan ang outburst of emotions. Agad niyang niyakap si Josh habang umiiyak.

Gulat  na gulat naman si Josh.

“B-bakit po? Sino po kayo? Bakit po kayo umiiyak? May nagawa po ba ako?” clueless na tanong ni Josh. Nagulat din sina Julie, Lia at pati na din si April.

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon