Three Colors of Love
(Chapter 10 – Food For The Heart)
Hindi pa din mapakali si April sa nararamdaman niya para kay Julian. Nasa loob siya ng kanyang kwarto at hindi siya makatulog. Hindi niya alam kung bakit.
Maya-maya ay nag-decide siya na sumilip sa kwarto ni Julian para makita saglit ang binata.
“Kuya…” mahinahong sabi ni April.
“O, bakit?” tanong ni Julian habang busy sa paggawa ng assignments.
“Good night.” nakangiting sabi ni April.
“Good night din. Tulog ka na. Maaga pa tayo bukas.” sagot ni Julian habang nagsusulat.
Ayos na’yun kay April. Masaya na siya at nakapag-good night na siya kay Julian. Ngayon ay makakatulog na siya nang mahimbing.
**********************
Kinabukasan, pagkahatid na pagkahatid ni Julian kay April ay diretso na siya kaagad sa UST. 8:00am pa naman ang pasok niya this day kaya napag-usapan nila nina Louie na magkita-kita muna bago pumasok.
Akala ni Julian ay sina Louie at Louise lang ang makakasama, pero laking gulat niya nang makitang kasama si Denise.
“O, ba’t parang nakakita ka ng multo?” tanong ni Louise kay Julian, na natulala.
Lumapit naman agad si Denise kay Julian para makipag-ayos.
“Julian, bati na tayo. I’m so sorry for leaving you nung isang araw. I knew you needed someone to talk to, pero tinalikuran kita.” paliwanag ni Denise.
“Oo naman. Okay lang ‘yun. Louise was there nung times na kailangan ko ng kausap.” nakangiting sabi ni Julian.
“Ahh, I see. So, ayun. Sana okay na ulit tayo. Balik ulit sa dati.” sabi ni Denise.
“Sure, sure.” nakangiting sabi ni Julian sabay yakap kay Denise.
Natuwa naman sina Louie at Louise sa pagkakaayos nina Julian at Denise. Nawala na ang tensyon sa dalawa. Pwede na ngayong isama ni Louie si Denise sa mga lakad nila.
“So, kumusta ka na? Hindi na tayo masyadong nakapag-usap eh.” sabi ni Julian kay Denise.
“Eto, may problema. Yung stepmother ko kasi, tinatago yung trust fund papers ko. Kahit itanong mo pa kay Louie. Muntik na siyang mapakulong.” kwento ni Denise.
“Talaga? Kung ganun, tulungan ka namin.” sabi ni Julian.
“Oo nga. Parang adventure ‘yan!” sabat ni Louise.
“Salamat, pero, hindi niyo kilala ang stepmom ko. Tuso ‘yun. Pati na rin yung sister ko na si Annie. Gagawin nila ang lahat para hindi ko mapirmahan yung mga papeles.” paliwanag ni Denise.
BINABASA MO ANG
Three Colors of Love
Teen Fiction"No girlfriend since birth" This has been Julian's tag for 20 years. Being a hopeless romantic, he is bound to find different kinds of love in 3 girls who will change his life. This sequel of "My Girl, My Friend" tackles issues on friendship, love...