(Chapter 21)

2K 48 39
                                    

<------------ Click to VOTE. I really need votes every chapter. Please do me a favor, and support Three Colors of Love, the last story of the MGMF franchise :)

In return, I would be churning out better story lines and give you nice updates.

Three Colors of Love

(Chapter 21 – The Third Wheel)

“Arf! Arf! Arf!” malakas na tahol ng aso sa bahay nina Alvin.

“Vanilla?” natutuwang sigaw ni Nathan. Agad na tumakbo ang puting aso papunta sa kanya. Nagulat naman si April sa nakita.

“Nandito ka lang pala, Vanilla. Come here, buddy!” natutuwang sabi ni Nathan habang dinidila-dilaan ng aso ang kanyang pisngi.

“Teka. Ikaw ang may-ari kay Doggie? Sa asong nakita naming pakalat-kalat sa labas?” tanong ni April.

“Yup! Ito kasing si Vanilla eh. Sobrang lakwatsero. Ang tagal na namin siyang hinahanap, na sa inyo lang pala.” nakangiting sabi ni Nathan kay April.

Pinagmamasdan ni April ang binata habang nilalaro nito ang kanyang aso. Alvin na Alvin talaga ang dating nito para sa kanya.

“Tingnan mo nga naman. Pareho din kayong may dog ni Daddy. Yung sa kanya nga lang, nung teenager pa siya. White Labrador din. Tapos, buddy din ang tawag niya sa aso.” nakangiting sabi ni April.

“Talaga? Sa tingin ko, iyan na yung sinasabi nilang destiny.” natatawang sabi ni Nathan sabay kindat kay April. Medyo kinikilig na ang dalaga sa pagpapa-cute ng binata.

“Kapal!” sagot ni April.

“Nga pala, salamat sa pag-aalaga niyo kay Vanilla ah. Mahal na mahal ko ang asong ‘to eh.” nakangiting sabi ni Nathan habang hinahaplos ang ulo ng aso.

“Huwag ka sa ‘kin magpasalamat. Si Apple ang nag-alaga dyan.” sabi ni April sabay tingin sa nakababatang kapatid na kalalabas lang ng bahay. 

“Thank you, Apple!” nakangiting sabi ni Nathan kay Apple sabay kurot sa pisngi ng bata. Malungkot si Apple.

“Ate, kukunin na ba niya si Doggie?” nakayukong sabi ni Apple.

Nagtinginan sina April at Nathan.

“Apple, siya kasi yung may-ari ng aso. Vanilla pala yung name niya. So, natural, ibabalik natin sa kanya yung dog. Diba dapat, ibabalik natin yung mga bagay, or hayop, na hindi natin pag-aari?” mahinahong paliwanag ni April sa kapatid.

Tumango lang ang bata pero malungkot pa din siya. Maya-maya ay bigla na lang umiyak si Apple.

“Stop crying, little girl. Bibisitahin ka pa rin namin ni Vanilla kung okay lang sa inyo.” nakangiting sabi ni Nathan habang pinupunasan ang mga luha ni Apple.

Lalong humanga si April kay Nathan, dahil sa soft spot nito sa mga bata. Habang tumatagal, lalong nagiging charming ang dating nito sa kanya. Minsan nga, parang masasabi na niyang she’s in love with the boy-next-door who has a white dog.

**********************

Hindi pa din nakaka-move on si Louie sa not-so-recent break-up nila ni Denise, pero as time passes, he is trying to forget his feelings for the girl.

Si Bridget pa rin ang lagi niyang kasa-kasama kapag walang classes, or during breaks. Inaamin niyang comfortable pa din siyang kasama ang dalaga kahit alam niyang ito ang naging dahilan ng break-up nila ni Denise.

He is thinking na kapag sumama-sama siya kay Bridget, ay madali niyang makakalimutan si Denise.

“Hindi ka rin makapag-move on, ano?” nakangiting tanong ni Bridget sa binata habang naglalakad sila sa corridor.

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon