(Chapter 20)

2.1K 46 39
                                    

<------------ Click to VOTE. I really need votes every chapter. Please do me a favor, and support Three Colors of Love, the last story of the MGMF franchise :)

In return, I would be churning out better story lines and give you nice updates.

Three Colors of Love

(Chapter 20 – Getting to Know You)

Natulala si April sa pagpapakilala ni Nathan sa kanya. Nakangiti pa ang binata habang nakikipag shake-hands. The boy has a friendly smile, kaya she just gave in.

“Ang bilis mo naman yatang magpakilala.” nakangiting sabi ni April.

“Wala lang. Ang ganda mo kasi eh.” natatawang sabi ni Nathan.

“Niloloko mo ba ako?”

“Hindi ah. Seryoso ako. The reason why I walked into this restaurant is because I saw you in the window. Tapos napansin ko walang tao, so I might have I chance to know you more.” nakangiting sabi ni Nathan.

“Talaga lang ah? Ikaw na rin ang nagsabi na 8 years ang gap natin. So… you really like young girls, eh?” natatawang sabi ni April.  

“Age is not my problem. After all, I’m just making friends with you. Baka kung ano ng iniisip mo dyan?” natatawang sagot ni Nathan.

“Eh bakit nga sa ‘kin pa? Bakit dito pa? Kung naghahanap ka din lang ng friends, eh for sure, madami dun sa kabilang restaurant.” sabi ni April.

“Eh bakit ba ang dami mong reklamo? Hindi ka na lang magpasalamat, na of all the people in this world, ikaw pa ang nakita ko ngayon. You’re lucky. Believe me.” nakangiting sabi ng binata sabay kindat.

Muntik nang matunaw si April sa kindat ni Nathan. He possesses that boy-next-door yet fierce look. Nathan is a bachelor in his own right. Bago pa man makasagot ang dalaga, ay biglang lumabas si Alvin.

“April!” tawag niya sa anak.

“Yes, Daddy. Sandali na lang po!”

Nathan suddenly got a piece of paper and pen from his pocket and wrote his cellphone number. Pinahawak niya ang papel sa dalaga. Wala nang nagawa pa si April at ibinulsa nga ang papel.

Maya-maya, Nathan got the food that he ordered and ate it. Pagkatapos ay tahimik siyang lumabas ng restaurant, habang nakangiti pa din kay April. Silang dalawa lang ang nagkakaintindihan, habang walang kamalay-malay si Alvin na nagsusulat.

**********************

Umuwing luhaan si Louie matapos makipag-break sa kanya ang ex-girlfriend na si Denise. Mabagal lang ang kanyang pagmamaneho dahil sa sobrang pagkalungkot. Nang makauwi ng bahay, agad siyang umakyat sa kanyang kwarto.

“Louie! Louie!” sigaw ni Louise habang kinakatok ang kwarto ng kapatid.

“Anong kailangan mo?” masungit na sabi ni Louie.

“Wala lang. Gusto lang kitang kumustahin. Matagal na tayong hindi nakakapagusap eh.” sabi ni Louise sabay pasok ng kwarto at upo sa tabi ng kapatid. 

“Huwag muna ngayon. May problema ako!” humihikbing sabi ng binata.

“Ayun naman pala eh. So dapat talaga tayong mag-usap.” pilit na sabi ni Louise.

“Nakipag-break sa ‘kin si Denise.” panimulang sabi ni Louie. Noong una ay ayaw niyang i-share ang kanyang pagkabigo pero napilitan na din siyang ikwento ang lahat.

“Asan ba ‘yang Bridget na ‘yan? Sasapakin ko ‘yan!” sigang sabi ni Louise.

“Huwag. Don’t blame her. She was just making a confession that afternoon. Nagkataon lang talaga na nakita ni Denise ang lahat.” sabi ni Louie.

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon