(Chapter 23)

1.9K 47 35
                                    

<------------ Click to VOTE. I really need votes every chapter. Please do me a favor, and support Three Colors of Love, the last story of the MGMF franchise :)

In return, I would be churning out better story lines and give you nice updates.


Three Colors of Love

(Chapter 23 – The Feeling Is Mutual)

 

 

Madaling araw na pero nasa isang bar pa sina Louie at Bridget. Lasing na lasing na si Louie dahil nahihirapan na siyang makalimutan si Denise. Si Bridget naman ay nandun din para samahan at damayan ang binata.

“Tama na ‘yan! Babagsak ka na sa sahig oh!” paalala ni Bridget.

“Wag ka nga magulo! Kita mong umiinom ang tao eh.” lasing na lasing na sabi ni Louie. 

“Ahh, basta! Uuwi na tayo!” sigaw ni Brigdget.

Kinuha na ni Bridget ang bill nila at dali-daling inakay ang binata papunta sa parking lot para isakay na siya sa kotse.

Iniupo ni Bridget si Louie sa passenger seat at siya naman sa driver’s seat para siya ang magmamaneho. Bulagtang-bulagta si Louie na half-awake. Tumatawa-tawa ito nang malakas pagkatapos ay makakatulog.

Bago pa man maisipan ni Bridget na i-start ang sasakyan, agad siyang napatingin kay Louie na natutulog na. Gwapo pa din ang binata kahit wasted na ang itsura. Unti-unti siyang lumapit sa binata para halikan. She kissed his cheeks, his forehead, then his lips. Louie was just moaning.

“Hmm…” sabi ni Louie.

Tinitigan lang ni Bridget si Louie. When she was about to kiss Louie’s lips, agad nagsalita ang binata.

“Denise… Denise… I love you! I love you!” mahinang sabi ni Louie.

Na-disappoint si Bridget sa mga narinig niya kay Louie.

“Bahala ka dyan! Iiwanan na kita! Pinapaasa mo lang ako! User! Mag-drive ka mag-isa!” sigaw ni Bridget sabay sampal sa binata.

Namumula na ang pisngi ni Louie. Bago pa man alisin ni Bridget ang pagkakayakap sa binata ay bigla siyang sinukahan nito.

“Ewwww! Yuck! I hate you, Louie!” nandidiring sigaw ni Bridget sabay labas ng kotse. Naiwang helpless si Louie sa loob.

**********************

Umaga na nang makauwi si Louie sa kanilang bahay. Nagising ito sa kotse ng mga bandang 6:00am at nagkaroon na din siya ng lakas para makapag-drive pauwi. Pagkapasok niya sa bahay, agad siyang nakita ng kakambal na si Louise.

“O, ba’t ngayon ka lang umuwi? Pasalamat ka, out of town ngayon si Papa. Hindi naman alam ni Mama na ngayon ka lang dumating. Tulog pa siya sa taas.” nag-aalalang sabi ni Louise.

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon