<------------ Click to VOTE. I really need votes every chapter. Please do me a favor, and support Three Colors of Love, the last story of the MGMF franchise :)
In return, I would be churning out better story lines and give you nice updates.
NOTE: This 2-part chapter special can be considered as separate from the usual chapters na ongoing ang storyline. Pwedeng i-consider as kasama, pwede ring hindi. It's all up to you na din. Hehehe. I made this chapter just for fun. And hopefully, magustuhan ito ng fans ng My Girl, My Friend.
Three Colors of Love
(Special Chapter – Kids, Meet Your Parents: Part 1 of 2)
One gloomy afternoon, Julian and the gang decided to take a ride papunta sa dati nilang high school – ang St. Andrew’s Academy.
Ang school na ito ay kakabit na din ng buhay nila. Dito kasi nag-aral ng basic education sina Alvin, Julie, Lia, Enzo, Josh at Cindy. Dito din nag-aral ng high school sina Julian, Louie at Louise. Ngayon naman ay si April ang kasalukuyang pumapasok dito.
This afternoon, nasa isang sasakyan lang sina Julian, April, Louie, Louise, at Denise. Si Julian ang nagmamaneho habang katabi niya sa harapan ang stepsister. Pinagbigyan niya kasi ang invitation ni April na mag participate sa isang feeding program para sa mga malnourished children.
Nasa likuran naman ang kambal, kasama si Denise na inaya lang ni Louie. Habang bumibiyahe sila ay nagrereklamo na naman si April, dahil sa pagiging grounded niya this week. Mabuti na lang at pinayagan siya sa project na ito.
“Nakakainis talaga si Daddy! Ako na nga yung muntik nang ma-rape! Siya pa ang galit!” nagmamaktol na sabi ni April.
“April, kanina ka pang nagrereklamo dyan. Alam mo, maaayos din ang relasyon niyo ni Dad. Maghintay ka lang.” sabi ni Julian.
Wala namang reaksyon ang mga tao sa likod dahil sarap na sarap sila sa pagtulog.
They reached an intersection, at habang naka “red” ang traffic light ay may isang matandang lumapit sa kanila para mamalimos.
“Yuck, Kuya! Don’t entertain that peasant!” nandidiring sabi ni April.
“Grabe ka namang makapagsalita. Tao ‘yang sinasabihan mo.” nainis na sabi ni Julian sabay baba ng bintana para magbigay ng kaunting coins.
In return, biglang naglabas ang matanda ng isang wooden hourglass at ibinigay ito kay Julian.
“Salamat, hijo.” nakangiting sabi ng matanda.
“Ay, salamat po.” sabi ni Julian sabay abot sa hourglass. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang niya itong tinanggap.
“Eww! You accepted that trash?” nandidiring sabi ni April.
BINABASA MO ANG
Three Colors of Love
Teen Fiction"No girlfriend since birth" This has been Julian's tag for 20 years. Being a hopeless romantic, he is bound to find different kinds of love in 3 girls who will change his life. This sequel of "My Girl, My Friend" tackles issues on friendship, love...