(Chapter 5) - That Strange Feeling

3K 52 29
                                    

Three Colors of Love

(Chapter 5 – That Strange Feeling)

Lunes na naman, at dahan-dahan ang paglalakad ni April sa corridor ng high school department. Dati-rati ay confident siyang nakakarampa sa mga hallways ng school, pero ngayon ay nawawala ang confidence niyang ‘yun dahil sa nangyari nung nakaraang coastal clean-up.

Mabilis na kumalat sa mga cellphones ang video ng pagkakahulog niya sa garbage pit. Kuhang-kuha lahat, pati ang pagmumura niya.

“Ano ‘yan? Patingin!” sabi ni April sabay hablot sa cellphone ng isang schoolmate na nahuli niyang tumatawa.

Labis na nagulat si April sa nakitang video. Ang alam niya lang ay kumalat ang chismis, pero pati pala ang mga videos ay meron na din.

“Mukhang alam ko na kung sinong may gawa nito!” pagalit na sabi ng dalaga sabay bitaw sa cellphone.

Dali-dali siyang sumugod sa classroom nila. Maaga pa naman kaya wala pa ang kanilang class adviser para sa Homeroom subject.

Tamang-tama na pagpasok ni April ay kumpol-kumpol ang kanyang mga kaklase habang pinapanood at pinagtatawanan ang video niya.

“Damn you, Melissa!” sigaw ni April sabay sampal nang malutong sa kaklase.

Namula ang pisngi ni Melissa sa sampal ni April.

“Ano bang problema mo?” sigaw ni Melissa habang nakahawak sa kanyang mukha.

“Ikaw ang problema ko, hayop ka! Bakit mo kinalat ang video?” pagalit na sigaw ni April.

“Aba malay ko? Hiniram lang nila ang videocam nung weekend, tapos biglang uploaded na pala. Hindi ko kasalanan.” mataray na sagot ni Melissa.

“Akala ko ba kaibigan kita?”

“Ewan ko nga eh. I think I don’t want to be friends with you anymore.” nakairap na sabi ni Melissa.

“And why?” tanong ni April.

“Nakakahiya yung ginawa mo last Saturday.” sagot ni Melissa.

Natulala lang si April. Hindi niya ine-expect na ibe-betray siya ng mga tinuring niyang kaibigan simula grade school.

“Well, in that case… hindi ko na rin kayo kailangan. Screw you all!” sigaw ni April sabay walk-out sa classroom.

Pagkalabas ni April ay nag-usap usap ang mga kaklase niya.

“Hayaan niyo siya. I’m sure,magsusumbong na naman iyan sa takbuhan niyang si Mrs. Castro.” pahabol ni Melissa.

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon