(Chapter 3) - I Love You, Girl

3.5K 59 51
                                    

Three Colors of Love

(Chapter 3 – I Love You, Girl)

 

 

Nag-usap nang masinsinan sina Alvin at Julian. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin mapakali ang binata kaya naman humingi na siya ng tulong sa kanyang stepdad. Doon sila nag-usap sa kwarto ng binata.

“So, parang close friends kayo ni Denise sa klase?” tanong ni Alvin sa anak.

“Opo. Akala nga po ng marami, kami na eh.” sagot ni Julian.  

“So anong kinakatakot mo? Na baka masira ang friendship niyo kapag umamin ka?”

“Parang… diba ganun po ang nangyari sa inyo dati ni Mommy nung umamin kayo?” nagtatakang tanong ni Julian.

“Oo. Nung una, nagalit siya, nagulat. Pero at least nasabi ko, kaysa naman sa hindi.” sabi ni Alvin.

“Alam mo, anak, minsan mas maganda yung magsisisi ka dahil nagawa mo, kaysa magsisi ka dahil hindi mo nagawa. Mas mahirap yung huli. Kaya mamili ka.” pahabol ng stepdad niya.

“Well, sige, liligawan ko na. Pero paano ko sisimulan?” tanong ni Julian.

Biglang napangiti si Alvin sa tanong ng anak. Unti-unting bumalik sa kanyang mga alaala ang mga panahong sinusubukan niyang ligawan si Julie nang palihim. Mas mahirap ang sitwasyon niya noon dahil 24 yrs. old na siya samantalang 16 yrs. old lang ang plano niyang ligawan, at best friend pa niya.

“Tutal, close naman kayo diba. Why not just repeat kung ano yung mga ginagawa niyo daily, like yung pagkain niyo every lunch, yung sabay kayo pag gumagawa ng school works.” sabi ni Alvin.

“That’s all?”

“Hindi pa ako tapos. Siyempre, you’ll have to make those moments special. Ibigay mo sa kanya ang mga favorites niya. Dalhin mo siya sa mga places na gusto niyang puntahan. Or better yet, serenade her.” pagtuturo ni Alvin.

“Pero, hindi po ako magaling kumanta. Masisintunado lang po ako.” sabi ni Julian. 

Sinabi ni Alvin na marami pang paraan. At kung magiging creative lang ang kanyang anak, sigurado siyang makukuha ni Julian ang puso ni Denise. 

“Ano bang itsura ni Denise, at in-love na in-love ka?” pahabol na tanong ni Alvin. 

“Fil-Am po siya, Dad. Ang cute nga eh. Eto nga pala, may picture ako.” sabi ni Julian sabay kuha ng kanyang cellphone at pinakita ang picture ni Denise. 

“Ang ganda talaga ng taste mo, anak. Pareho tayo.” natatawang sabi ni Alvin. 

Napangiti uli si Alvin sa nakita. 

“Naalala ko tuloy si Cindy, yung una kong asawa. Ganyan yung tipo niya eh.” pahabol ni Alvin. 

Nag-usap at nagtawanan pa ang mag-ama habang pinaplano nila ang panliligaw kay Denise. Maya-maya ay nagpaalam na din si Alvin na tutulog na at sinabihan na lang ang anak. 

“Basta, kung kailan mo balak, suportado kita!” sabi ni Alvin. 

“Salamat, Dad. Salamat talaga.” natutuwang sabi ni Julian sabay yakap sa stepdad niya. 

“No problem. Buddy tayo diba?” nakangiting sabi ni Alvin sabay suntok nang mahina sa braso ni Julian. 

“Tulog ka na. Mapupuyat ka pa.” pahabol ni Alvin sabay patay ng switch ng ilaw sa kwarto ni Julian. 

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon