Three Colors of Love
(Chapter 7 –Action and Reaction)
Football practice time na naman para kay Louie at sa mga teammates niya. Napapadalas ang practice ng binata dahil nalalapit na ang laban nila sa ibang school.
Vacant period naman ni Louise kaya nakaka-nood siya ng practice. Sigaw siya nang sigaw para sa kakambal.
“Go Louie, go! Wooooh!” sigaw ni Louise.
Nagsisigawan din ang mga fans ng football team ng Faculty of Pharmacy, at karamihan sa kanila ay si Louie ang gusto.
Maya-maya ay nag-break din muna ang mga players. Habang ang iba ay umupo sa tabi at umiinom ng tubig, si Louie naman ay nagpapa-picture pa sa mga estudyanteng fans.
Hindi naman aware si Louie na biglang naglalakad si Julian papunta sa kanya. Seryoso ang mukha ni Julian.
“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Julian.
“Uy, Julian. Tungkol saan?” nakangiting sabi ni Louie.
“About Denise.”
“O, bakit? Anong meron kay Denise?” nag-aalalang sabi ni Louie.
Tiningnan lang siya ni Julian.
“How could you…”
“What do you mean?” nagtatakang sabi ni Louie.
“Nakita ko kayo sa convenience store kahapon. Magtapat ka nga sa ‘kin. Are you in love with Denise?” pagalit na sabi ni Julian.
Biglang pinawisan si Louie. Hindi niya inaasahan ang ganitong eksena.
“Wala ‘yun. We’re just friends. Yung nakita mo, wala ‘yun.” nakangiting sabi ni Louie.
“Knowing you, pare. Tanggap kong babaero ka, pero naman, pati si Denise, na balak kong ligawan? Magtira ka naman, ‘tol.” galit na sabi ni Julian.
Nag-iba na ang mood ni Louie. Naasar siya sa mga sinabi ni Julian.
“Teka, teka. Watch your words, man. Hindi ba ikaw ang torpe? Kaya I won’t be surprised kung mauunahan ka ng iba. Masyado ka kasing mabagal. Hindi ko na kasalanan ‘yun.” galit na sagot ni Louie.
“Ah, ganun?” sabi ni Julian sabay sagi sa braso ni Louie na parang naghahamon ng away.
Unti-unti na silang nagtutulakan. Ilang saglit lang ay nagkakasakitan na ang dalawa. Pansin na pansin ito ng mga taong nanonood. Para silang nanonood ng wrestling match, live!
Dumating na sa puntong nagsasapakan na ang dalawa, hanggang sa tumumba na silang pareho sa field.
BINABASA MO ANG
Three Colors of Love
Teen Fiction"No girlfriend since birth" This has been Julian's tag for 20 years. Being a hopeless romantic, he is bound to find different kinds of love in 3 girls who will change his life. This sequel of "My Girl, My Friend" tackles issues on friendship, love...