<------------ Click to VOTE. I really need votes every chapter. Please do me a favor, and support Three Colors of Love, the last story of the MGMF franchise :)
In return, I would be churning out better story lines and give you nice updates.
Three Colors of Love
(Chapter 14 – April Fools)
Two months have passed.
On this first day of April, graduation day na nina Julian, Louie at Denise. Masayang-masaya ang tatlo dahil after 4 years, ay nakapagtapos na din sila ng college, maliban kay Louise. Five-year program kasi ang BS Architecture na tine-take ng dalaga kaya next year pa siya makakapagtapos.
“Buti pa kayo, g-graduate na.” malungkot na sabi ni Louise.
“Ano ka ba, twin? Mag-aaral pa din naman ako next year. Itutuloy ko yung pagme-Medicine ko dito sa UST.” nakangiting sabi ni Louie sabay akbay sa kambal na nakasimangot.
Even with just a span of two months, madami nang nangyari sa magkakaibigan.
After ng pageant, nanatiling magkaibigan sina Julian at Louise, pero hindi na sila kasing-close ng dati. Hanggang ngayon ay nililigawan pa din ni Julian ang dalaga, pero sadyang nagpapakipot pa itong si Louise. Buti na lang at hindi pa sumusuko ang binata.
Malaki din ang naging effect ng pageant kay Louise. The next day mismo after the contest, dumami agad ang admirers niya. Naging instant campus crush ang dalaga. Patas na sila ng twin brother niyang si Louie, na campus heartthrob. Tuluyan na niyang iniwan ang kanyang tomboyish look, at everyday, bihis at kilos babae na talaga siya.
Pagkatapos ng graduation, balak ni Julian na tapusin ang kanyang novel para mai-publish na din pag natapos. Buti na lang at nanay niya si Julie na maraming connections sa publishing and advertising industries.
Si Louie naman ay firm ang desisyon na mag-take ng Medicine course dahil na rin sa pangarap niyang maging isang doktor.
Ngayon lang uli nakabalik si Denise, after many weeks of staying in the U.S. with her father. Naayos na ang kanyang trust fund issue at nasa pangalan na niya ang $500,000. Ngayon ay nakatira na siya sa isang condo unit, malayo sa kanyang stepmother.
“Akala ko, hindi ka na babalik eh.” nakangiting sabi ni Louie kay Denise.
“Pwede ba naman yun? Sobrang na-miss nga kita eh. Na-miss ko yung hug mo.” natutuwang sabi ng dalaga sabay yakap nang mahigpit kay Louie.
Habang nagkakatuwaan at naglalambingan sina Louie at Denise, ay nanonood lang sa tabi sina Julian at Louise na pawang nagpapakiramdaman. Sa loob loob lang nila ay naiinggit din sila kina Louie.
“Ang sarap nilang panoorin ‘no?” sabi ni Julian kay Louise.
BINABASA MO ANG
Three Colors of Love
Teen Fiction"No girlfriend since birth" This has been Julian's tag for 20 years. Being a hopeless romantic, he is bound to find different kinds of love in 3 girls who will change his life. This sequel of "My Girl, My Friend" tackles issues on friendship, love...