(Chapter 17)

2.2K 54 39
                                    

<------------ Click to VOTE. I really need votes every chapter. Please do me a favor, and support Three Colors of Love, the last story of the MGMF franchise :)

In return, I would be churning out better story lines and give you nice updates. 


Three Colors of Love

(Chapter 17 – A Newfound Hope)

 

 

Mabilis na itinakbo si April sa delivery room sakay ng stretcher. Habang papasok ng kwarto ang dalagita, nakaalalay naman ang kanyang ama na si Alvin, na mahigpit na mahigpit ang hawak sa kanang kamay ng anak.

“Daddy…” nag-aalalang sabi ni April.

“You’ll be fine, April. Kaya mo ‘yan. I love you very much!” nakangiting sabi ni Alvin sabay halik sa noo ng anak.

Kasama ding pumunta sa ospital sina Julie, Enzo, Lia, Louie at Denise. Naiwan sina Anthony at Nikki sa bahay para bantayan si Apple. Papasunod na din sina Julian at Louise.

Bago pa man maipasok ang dalagita sa delivery room ay tamang-tama na dumating ang kanyang ex-boyfriend na si Jake, kasama ang mga magulang nito. Na-contact sila kanina ni Alvin, at pagkarinig sa balita ay agad din silang napasugod sa ospital.

Sinabi ng doktor na isa lang daw ang pwedeng sumama kay April sa panganganak nito sa loob. Tinanong ng doktor ang dalagita kung sino ang gusto niyang isama.

“Si Daddy na lang.” marahang sabi ni April, kahit nakita na niya ang ex-boyfriend na si Jake. Tahimik namang pumasok ng delivery room si Alvin kasama ang anak.

Parang nasaktan ang damdamin ni Jake sa ginawang desisyon ni April. Usually ay ang ama ng ipapanganak ang sumasama sa loob. Alam niyang galit pa rin sa kanya ang dalagita. But he is trying his best, na panindigan ang bata.

Sa loob ng delivery room, nagsimula na ang labor ni April. At her young age, nahihirapan siya sa proseso, lalo na’t hindi normal ang kanyang panganganak. Premature ang magiging anak niya. Throughout the painful child delivery, Alvin is just beside his daughter. He held April’s hand and smiled to encourage her. This is one of the moments na sobra siyang kinakailangan ng kanyang anak. Kaya naman, he cherished every second and every minute of it.

“Malapit na, April. Hindi kita iiwan.” sabi ni Alvin sa anak na kanina pang sumisigaw at umiiyak sa sakit.

After hours of painful labor, April finally gave birth to a premature baby girl. She named her daughter “Princess”. At dahil maselan ang kalagayan ng sanggol, diniretso na ito sa incubator nang hindi man lang nahahawakan ni April.

“Don’t worry. Everything will be alright.” sabi ni Alvin.

“Sana nga po.” sabi ni April habang humihingal-hingal pa pagkatapos manganak.

Alvin wiped a tear from April’s eye, then he hugged his daughter. Masaya din si Alvin dahil may apo na siya.

Three Colors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon